Ilang buwan narin ang lumipas magmula nang lisanin ko ang ating lupang sinilangan. Mahigit walong buwan na pala. Ang bilis ng araw. Parang yung nakaraan lang e dumating ako dito sa ibang bansa. Pero ngayon magbabalik bayan na.
Akala ko hanggang walong buwan lang ako dito sa ibang bansa. Eto kasi ang nakasaad sa kontrata ko. Pero maeextend pa pala ako. Yung una parang ayoko ng magextend pa. Natutunan ko narin namang labanan ang pangungulila kaya grab ko nalang ang opportunity. Para din naman eto sa pamilya ko at mga pangarap. Nagpapasalamat narin ako dahil may chance pa kong makapag-ipon. Konting tiis nalang naman.
Isang dahilan kung bakit nagtagal pa'ko dito sa ibang bansa ay ang maayos na relasyon. Maayos naman ang relasyon ko sa mga boss kong koreano. Mababait na sila at closed na kami. Napapamahal narin sa kanila. Hindi tulad nung una na feeling ko ay inaalila nila ako. Dumating pa nga sa punto na nakaaway ko ang isang koreano at nagwalk out ako sa opis. Nataon lang kasi na homesick din ako nyun kaya naisip ko na baka kapag nagwalk out ako ay pauwiin na nila ako sa Pinas. Ngayon ayos naman na ang relasyon ko sa kanila. Sobrang mabait sila. Masaya rin ako kasama ang ibang Pinoy. Kami kami rin kasi ang nagpapasaya sa sarili namin para di maramdaman ang pangungulila.
Ano bang nararamdam ko ngayong magbabalik-bayan ako??? Kung meron mang lubos na kasiyahan ang isang OFW iyun ay sa panahon nang pagbabalik-bayan nya sa Pilipinas. Yung uuwi ka at makikita mo ang sarili mong pamilya. Maayos at matagumpay kang nakapagtrabaho sa ibang bansa. Ang totoo nyan hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. May time kasi na sobrang excited ako. May time naman na nalulungkot. Meron din time na ayos lang. Hindi ko maexplain. Pero ang totoo talaga ay nagugutom ako. LOL Nagdadiet kasi ako at iwas sa rice. Naprepressure kasi ako sa pag-uwi. Tumaba at lumaki ang tyan ko. Baka di nako makikilala samin pagdi ako nagdiet. Magandang motibasyon din pala eto.
Hindi sana ako magpapasundo sa aiport kung hindi siguro natapat nang midnight ng gabi ang uwi ko. Isusurprise ko nalang sana sila sa bahay. Hindi kasi ako mahilig magpasundo at mas lalong ayokong magpahatid.
Anong gagawin ko sa bakasyon ko? Matutulog lang ako. dyuk! Syempre hindi. Yung mga bagay na kaya ko naman gawin dito sa ibang bansa ay hindi ko gagawin sa Pilipinas. Yung mga bagay na hinahanap hanap ko ang gagawin ko. Makasama yung mga tao na namiss kong makasama. Makita ang mga bagong kaibigan na gustong makita. Marami akong gustong gawin. Sa sobrang dami kaya ineexpect ko na ang pagod at panghihinayang. Pagod na baka di nako makapagpahinga. Panghihinayang naman baka maaraming gastos.
Twenty one days lang ako sa atin kaya sana'y mamaximize ko ang bawat araw at maenjoy ko ng husto. Pasensya na sa iba dahil baka di ko kayo makakita. Babawi nalang ako sa susunod na balik ko sa Pilipinas.
Dalawang tulog nalang pero hindi pa ako nakakapag-impake ng bagahe. Tinatamad kasi ako. Sa sobrang pagod galing trabaho kaya mas ninanais kong magpahinga nalang muna. Konti lang naman din ang dadalin ko pauwi. Iiwan ko muna ang ibang gamit ko dito. Tutal babalik pa naman ako. Yung mga damit ko, wala na rin sa uso. Kaya bibili nalang ako sa Pinas. May mga damit parin naman akong naiwan samin.
Basta etong unang pagbabalik bayan ko sa lupang sinilangan ay sobrang saya ang nararamdaman ko, may pagkalungkot din at normal na nararamdaman. Importante nomal. Iyun na yun.
Hope to see u guys!