Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Top 10 na Mga Bagay na Nakakabaliw Balikan

$
0
0
Wala nang dalawang linggo bago ako magbalik-bayan. Oo, magbabakasyong engrande ang inyong mahal na hari. Ayoko sana magpost about sa'king bakasyon. Basta! Gusto ko magtago sa mga hihingi ng pasalubong. Whahaha. Hwag silang magexpect dahil di talaga ako mahilig magdala ng pasalubong.

Tatlong linggo lang ang bakasyon ko sa'ting bayan.  Ang ikli lang diba? Pero ganun talaga dito. Wala ring bayad ang bakasyon ko. Sa ikli ng bakasyon, kulang ang 21 days para magawa ko lahat ng gusto ko. Kaya talagang magiging busy ang inyong kamahalan. Natatawa nga ako sa twing iniisip ko kung papaano ko kaya magagawa yung lahat ng bagay na gusto kong gawin. Pano ko kaya sila imimeet? Bahala na. Kapag hindi nagparamdam hindi ko talaga sila kikitain. Baka kasi ayaw din nila akong makita. Ngayon ko lang din naisip na mapapagastos pala ako nang bongga. Ok lang, nasa budget naman at minsan lang eto.

Nakalista na ang lahat ng gagawin ko sa bakasyon. Mga pupuntahan, bibisitahin at gagawin. Pero bukod sa mga nakalista, may mga bagay talaga akong gustong gawin pa. Simple lang sya at hindi kailangan gumastos ng malaki pero eto yung nakakabaliw na ako. Nakakamis din kasi yung dati kong ginagawa.

Tulad ng mga sumusunod:

1. Maground-trip sa MRT-LRT1-LRT2
Isang araw na ikutan lang yan. Dapat din during rush hour lang sasabay. Masaya kasi yung nakikipagsisiksikan sa mga tao. Tapos tignan mo lang yung iba't-ibang reaksyon nila. May mga nagmamadali. Inis na inis dahil late na sa opisina. Iba't-ibang reaksyon. Tsaka yung mga para-paraan ng mga pasahero para lang makapasok at makalabas ng tren. Dagdag mo pa yung time na nasiraan ang tren. Ewan ko ba. Nakakamis din pala yun, kahit nakakainis.

2. Kumain ng free taste sa mga Mall
Sa mga supermarket yata meron nito diba? The best things in life are free. Masarap naman talaga ang mga free taste sa mall. Syempre kung hindi masarap yun baka walang bumili sayo. Kaya kailangan magawa ko to. Kahit kakapiranggot lang ang matitikman. Magpapabalik-balik nalang ako para mabusog. Palit anyo technique lang. whahaha

3. Maglaro ng games sa Apple Store
Napapansin mo ba na ang daming tao sa Apple Store? Bibili ba sila? Hindi. Halos karamihan sa kanila ay naglalaro lang para lang masubukan ang high-end gadget. Kaya pag-uwi ko sa Pinas pwes tumabi kayo malalaro din ako. :P

4. Makiinom ng Tubig sa Dyalibi
Gawain ko talaga 'to noon. Sa sobrang pagtitipid ko para hindi na bumili ng mineral water sa convenience store, hahanap nalang ako ng malapit na dyalibi o fast food para maki-inom ng tubig. Syempre dun ako sa dyalibi na maraming tao para kunyare customer din ako na may binili. :P

5. Sumakay ng Bus
Balita ko may bagong rules ang MMDA na pinatupad sa kalsada. Hmmmm... Gusto kong makita yun. Gusto ko rin makita kung ano na ang itsura ng mga high-ways satin. Kaya pag-uwi ko sasakay ako ng bus. Pero walang babaan. Bababa lang ako sa last bus babaan. Yung tipong pagtinanong ka ng kondoktor....
Kondoktor: "Bayad lang po, San po kayo?" 
Pogi (Me): "Magkano po ba ang pinakamahal.... yung hanggang sa dulo ng walang hanggang. Magbabayad ako." dyuk!
Yaman. Ganyan. Pero di naman ako sasakay ng provincial bus. Baka di nako makauwi nyun. lol

6. Magpaumaga. Yung 24 hours na gising
Naalala ko yung friend ko nung high school. Tumambay lang kami nun sa bubong nila. Nag-guitara't kantahan hanggang umaga. Paki namin sa mga kapitbahay na maingayan samin. whahaha. Pero etong gagawin ko baka laman lang ako ng bar para magawa ko yung 24 hours na gising.

7. Magcheck-in sa mga lugar using Foursquare
Tagal ko nang hindi nagagamit ang foursquare ko. Baka wala na nga akong mayorship. huhu. Dati nyun nagcheck-in pako sa lahat ng MRT station. whahaha. Kaya pag-uwi ko hulaan nyo nalang kung nasan ang inyong kamahalan. Mag twit lang sa @archieviner<space> #NasanAngMahalNaHari?<space> Nasa_____. Ganyan. hahaha. Kahit sa CR mag-checheck-in ako. dyuk!

8. Tumambay sa Starbucks
Bakit ako tatambay sa starbucks? Kukuha lang ako ng asukal, tissue at pati yung panghalo. Ang sosyal lang diba? Makiupo narin sa malambot na sopa. Higa-higa pag walang tao. Papapick-up sa mayaman. dyuk!

9. Tumambay sa Mall at Makigamit ng Wifi
Greenbelt para sosyal. MagCR narin sa mga Mall at dumumi. dyuk! Meet narin ng stranger. Makipagkaibigan. Tapos alam na. dyuk! Magpicture-picture. Mag-apply ng credit card kung meron. Mag fill-up ng mga survey sa mall. Magsukat ng mga damit sa department store pero di bibili. whahaha.

10. Matulog sa Luneta, dyuk! este sa Hotel
Yung maghapon lang sa hotel na walang labasan. Tapos magsama ng bayaran. dyuk! Mag-isa lang ako ah. Gusto ko naman magrelax kahit papano. Sa gantong paraan narerelax ako. Kahit wala akong kasama. Manood lang ng TV o kahit tahimik o walang ingay. Solb nako dun. Matutulog ako nang nakahubad. Yey! Kumain ng masarap na pagkain sa hotel. Mapagmassage narin tapos...... matulog na. lol Humiga sa masarap na kama, isubsob ang mukha sa unan at humagulgol. dyuk! Pag-alis ko nang hotel asahan mong punong puno ng sabon at twalya ang bag ko. whahaha. Sayang e. 


Iyan lang yung Top 10 na mga bagay na nakakabaliw muling balikan. Pasensya na, medyo may pagkabaliw yata ako. Sana magawa ko'to. Di ko rin naman pipilitin ang sarili ko na gawin 'to. Pag may chance lang. Priority ko parin yung mga nakalista ko na.

Bon voyage to Me :P

Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles