Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

An OFW Story: Si Ate, Ang Aking Idolo - REPOST

$
0
0
Idol ko si Ate. Sya ang panganay saming anim na magkakapatid. Sumunod sa kanya si kuya na may asawa na at si ditse na malapit nang magpakasal. Hindi na nakapag-asawa si ate dahil sa pag-aabroad. May boyfriend sya noon pero di nagtagal dahil sa di nila kinaya ang long distance relationship. Mahigit trenta anyos na si ate. Sabi ni Inay di naraw mag-aasawa si ate. Kinalimutan nya na daw yun para samin.

Madami nang naitulong si ate. Sya ang nag-ahon samin sa kahirapan. Napa-up and down ang dating barong barong bahay dahil kay ate. Natubos narin ang lupang dating nakasanla sa banko. Wala na rin kaming mga utang sa kapitbahay at kami pa ngayon ang may pautang. Nakatapos din sa kolehiyo si kuya at ditse dahil sa tulong ni ate. Ang dalawa ko pang kapatid ay suportado naman ngayon ni ate sa pag-aaral sa kolehiyo. Ako naman ay nasa prep-skul palang. Sa tulong ni ate kaya sa private school ako nag-aaral ngayon. Lagi saking sinasabi ni ate na pagtuntong ko daw ng kolehiyo ay Accounting daw ang kunin ko. Indemand daw kasi yun. Kapag naging Certified Public Accountant na ako ihahanap nya daw ako nang trabaho sa pinapasukan nya. Tsaka lang daw titigil sa pag-aabroad si ate kapag nakatapos nako nang pag-aaral.

Magaling kumanta si Ate. Sa katunayan ay sumasali sya noon sa mga singing constest twing fiesta sa aming baryo at sa mga karatig bayan. Sya lagi ang nanalo at nag-uuwi ng grand prize. Kaya naman singer ang trabaho ni ate sa Japan. Dahil sa hindi tapos ng kolehiyo si ate kaya pinasok nya ang pagjajapayuki. Sabi ni Inay iyun lang daw kasi ang sagot sa aming kahirapan noon.

Ang puti na pala ni ate ngayon. Ang kinis at ganda ng mukha. At ang kilay parang iginuhit lang. Nakita ko sa picture nya nung bata pa sya na ang itim-itim at pango si ate. In-short shrek! Nagpaganda talaga si ate dahil kailangan daw sa trabaho nya. Di lang daw dapat na maganda sya sa pandinig. Maganda din dapat sa paningin. Para megajackpot daw sa mga hapon.

Dahil sa Japayuki ang trabaho ni ate hindi maiwasan na tuksuhin ako ng mga kalaro. Magiging japayuki din daw ako paglaki. Iyan ang tukso sa akin. Minsan nga sinasabi pa nila na pokpok daw si ate at isang babaeng bayaran sa bar. Pero di ko pinaniwalaan yun at pinagtanggol ko pa si ate.

Yan si ate ko. Ang aking Idolo.

Ngayong araw na’to ay uuwi na si ate. Sa wakas makikita ko na ulit sya. Ang huling kita ko sa kanya ay nung nakaraang bwuan pa at sa compyuter lang. Buti nga ngayon may video call na. Di ko lang nakikita si ate, nakakausap ko pa. Halos dalawang taon din namin syang hindi nakasama. Every two years kasi ang bakasyon nya dito sa Pinas. Yung huling uwi ni ate ang saya saya namin. Dahil sa mismong araw bago magpasko sya umuwi kaya hindi ko makakalimutan yun.

Ngayong uuwi ulit sya ay excited talaga ako. Lalo na ngayon na malapit na ang pasko. Makakasama na namin ulit sya. Sabi ni Inay biglaan daw ang pag-uwi ni ate. Sabi din nya na hindi na daw babalik si ate sa Japan. Yehey! Pero sabi naman ni Itay ilang lingo lang daw namin makakasama si ate at di na raw kami kakausapin. Bakit? Galit ba si ate? Nagtataka ako. Nagtatanong ako kay kuya pero ayaw nya akong sagutin. Basta magbihis na daw ako at susunduin na namin si ate sa Ninoy Aquino International Airport.

Dumating kahapon ang aming mga kamag-anak. Naghanda din si inay ng konting pagkain para may pakain sa mga bisita. Darating din daw kasi mamaya ang mga kaibigan ni ate. Gusto yata nilang makita si Ate. Nandito din pala ang exbf ni ate. Makikipagbalikan yata?

Lahat kami ay susundo kay ate sa airport. Ang pamilya ay makukumpleto narin. Sa ilang beses na balik ni Ate sa Pinas, ngayon lang ako nakasama sa pag-sundo sa airport. Nag-arkila si Itay ng malaking sasakyan para magamit namin sa pag-sundo kay ate.

Malapit na yata kami sa airport dahil may natatanaw akong eroplano sa himpapawid. First time ko makakita ng eroplano sa malapitan. Ang laki pala talaga noh?. Nasa hintayan na kami ng mga pasahero. Tahimik parin ang lahat. Sabi ni diko ay nagrereserb lang daw sila nang lakas para sa pag dating ni ate. Naexcite ako lalo. Isang malakas na hiyaw ang isisigaw ko pagnakita ko si ate.

Makalipas ang ilang oras, nakatulog ako sa kakahintay. Ginising nalang ako ni diko. Nandyan na daw si ate. Lumingon lingon ako pero hindi ko naman sya makita. Tinignan ko isa-isa ang mga mukhang japayuking lumalabas galing sa loob ng airport. Wala naman si ate. O baka nagparetoke na nang mukha kaya di ko makilala. Maya maya pa ay may itinuro si kuya. Iyun na daw si Ate.

Putsa!


Si ate bakit nasa loob ng parihabang kahon.

x-0-x-0-x-0-x

Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles