Nagsimula sa Fairy Tale Fail.
Isang daang taon na ang lumipas magmula nang isumpa ng Magot ang kastilyo. Wala paring nakakapagpanumbalik sa dating masigla at masayang hari. Nanatili parin sa kadiliman ang kaharian. Bakas sa mga mukha ng mga taong naging bato ang lungkot at pighati. Katahimikan ang masusumpunga sa buong kaharian ngunit dinig ng iyong puso ang sigaw ng saklolo at pagmamakaawa. Tila hindi natapos magmula nang isinumpa eto ng isang malupit na Magot.
Hindi lingid sa kaalam ng mga kaibigan ng hari ang sinapit ng kastilyo. Ilang beses din sinubukang iligtas ang naghihingalong kaharian subalit wala ni isa ang nagtagumpay. Bigo ang mga nagtangkang isalba ang hari dahil sa hindi malaman kung ano ang lunas upang maipanumbalik ang dating kaharian ng sigla. Nagluluksa ang buong sangkaharian bilang pakikiisa sa sinapit ng hari at nang kastilyo nito.
Napapansin ng kalapit kaharian ng kastilyo na nababawasan ang mga statwa. Nababago rin ang posisyon ng mga bato. Minsan makikita na umiiyak ang mahal na hari. Ngunit ang iyak ay hindi luha kundi dugo. May mga tumutulong dugo sa mata nito. Luha ng paghihirap at pagdadalamhati.
Sinasabi ng mga taong nakatira malapit sa kastilyo na sa twing kabilugan ng bwuan, mga alas dose ng gabi, sa paghihiwalay ng kahapon at ngayon bumabalik ang Magot sa kastilyo upang paglaruan ang mga taong bato. Naglalaro ng dama at chess. Bawat statwa ay pyesa. Bawat pyesang makakain o matatalo sa laro ay dinudurog ng walang awang Magot. Senyales ang kidlat at kulog sa dis oras ng gabi na may isang batong nagpaalam. Pagkatapos ng kidlat at kulog aalingawngaw sa tahimik na gabi ang isang halakhak na parang tuwa ng isang halimaw.
Isang gabi ng kabilugan ng bwan. Nagkaisa at naglakas loob ang apat na hari na abangan ang pagdating ng Magot upang wakasan na ang kasamaan nito.
Sa di kalayuan nakaabang ang apat na hari sa pagdating ng Magot.
"Haring Puso, sigurado kabang darating ang Magot sa gabing eto?" Tanong ng King of Spades
"Nakakasiguro ako. Ayon sa kasulatan gabi ng kabilugan ng pulang bwuan pagtapos at bago maghati ang nakaraan at kasalukuyan, muling darating ang Magot upang tuldukan na ang kastilyo ni Archieviner" King of Hearts
"Dumating man ang Magot o hindi tungkulin parin natin pangalagaan ang lahat ng kaharian" King of Diamonds
"Sang-ayon ako dyan Haring Dyamante para sa kaayusan ng buong sangkaharian" King of Flowers
Ang mga King of Cards na nahahati sa dalawang kaharian. Ang kaharian ng pula at kaharian ng itim. Sila ang itinakdang tagapagligtas ng mga kaharian. Taga pagtanggol laban sa kasamaan. Sandigan ng sangkaharian.
Saktong alas onse't limang pu't syam ng gabi, isang minuto bago mag-alas dose ng hating gabi. Ang kaninang nagliliwanag at bilogang bwuan ay nagmistulang bilog na kulay pula. Kulay dugo. Parang malaking bola ng basketball na nakalutang sa kalawakan. Isang alulong ng mabangis na halimaw ang pumaere sa himpapawid. Kakilakilabot. Mula sa bwuan isang tila bulalaw ang bumagsak patungo sa kastilyo. Isang ataul na lumulutang patungong kastilyo kung san naroon ang batong walang buhay. Saksi ng mga mata ng apat na hari ang pagbukas ng ataul. Isang nilalang ang laman nito.
"HA....HA....HA....HA...... Nalalapit na ang oras upang tuluyang mabura ang kastilyong eto sa mundo ng kaharian" Nagbabalik ang Magot. Gumuhit ang kidlat na parang nawasak ang itim na gabi.
Pigil na pigil ang paghinga ng apat na hari na nakatanaw sa malayo. Nag-aabang ng susunod na gagawin ng masamang nilalang.
"Kamusta ka, mahal na hari... ang tagal nating hindi nagkita" Ang Magot kausap ang walang buhay na Mahal na Hari.
"Nakikilala mo ba ako Mahal na Hari? Hindi ba't minsan mo na rin akong sinaktan... hahahaha" Tinanggal ng Magot ang kanyang talukbong itim sa kanyang ulo. Tumambad ang mukha nito. Naaninag sa maliwanag na bwuan. Mula sa kalayuan kitang kita eto ng mga nakamashid na mga Hari ng Baraha.
"Mahal na Hari....???" Sabay na pagbigkas ng apat na Hari nang makita ang mukha ng Magot.
Itutuloy....

"Most of the shadows of this life are caused by standing in one's own sunshine."