Wansapanatym habang nagpapahinga ang mahal na hari sa kanyang trono, bigla na lamang syang nakaramdam ng matinding lungkot. Ayaw ng hari ang ganitong pakiramdam kaya ipinatawag nya ang kanyang mga mambabatas. Iniutos ng hari na maglabas ng balita sa buong kastilyo na magkakaroon ng isang patimpalak.
Ang patimpalak ay tungkol sa kung sino ang makapagpapasaya sa mahal na hari sa araw ng patimpalak ay magagantimpalaan. Magkakaroon ng magandang posisyon sa kaharian. Maaring maging punong kawal, pinunong mambabatas o kanang kamay ng hari.
Natuwa ang sangkatauhan ng kastilyo. Lalong lalo na ang mga nasa labas ng kaharian. Pagkakataon na nilang makita ang hari at mapasok ang pinapangarap na palasyo. Posible pa silang magantimpalaan kung sakaling sila ang palarin na makapagpasaya sa hari.
Puspusan ang paghahanda ng mga balak lumahok. Todo enyaso. Iba-iba ang mga gimik na inihahanda.
Sa kabila ng kaabalahan ng mga tao sa paghahanda sa patimpalak, may isang magot na tuwang-tuwa at abot tenga ang ngiti.
"Ahihihi" Kung makahalakhak ay tila may masamang balak sa hari.
Dumating na ang araw ng patimpalak....
Sinimulan ng matinis na tunog ng mga trumpeta ang pagbukas ng pintuan ng palasyo. Sinundan ng iba't-ibang tunog ng tambol, at iba pang gamit pangmusika. Isang masayang musika ang umaalingawgaw sa buong kastilyo. Hudyat na nagsimula na ang patimpalak. Galak na galak ang mamamayan. Iba-ibang tao ang nagsidating. May mga manghuhula, salamangkero at mga payaso na mukhang lalahok sa patimpalak. May mga bisita rin ang hari na galing pa sa ibang kaharian. Kapansin-pansin na mga dugong bughaw at maharlika dahil sa agaw panin na mamahaling kasuotan at alahas. Masaya ang paligid ngunit sa mukha ng hari'y lungkot ang mababatid.
Nagsimula na ang pagpapakitang gilas ng mga kalahok.
1....10.... 20.... 30... 40.... presentasyon.
Halos paubos na ang mga kalahok ngunit wala pa ni isa ang nakapagpapasaya sa hari.
Hanggang sa may isang magot na nangahas na pumagitna sa lahat...
"Mahal na hari hayaan nyung hulaan ko ang inyong kapalaran" Sambit ng magot na may hawak-hawak na bolang kristal. Nakasuot eto ng kulay itim na kasuotan.
"Paano mo mapapasiya ang mahal na hari sa isang hula?" Tanong ng isang mambabatas.
"Mahal na hari, delikado ang hula kung gagawin eto sa araw ng iyong kalungkutan. Maaring ikapahamak mo to at nang buong kastilyo." Sambit ng isang salamangkero.
"May masamang balak sya. dakpin yan!" Utos ng punong tagapayo ng hari.
Ngunit bago pa madakip ng mga kawal ang magot....
"Malapit na ang takdang panahon.... na ang tungkod ay iyo nang mahihipo. Isang kamandag ang sa iyo'y papako. Kahit salamaka'y walang magagawa... sa bilis ng tuklaw ikaw ay mapaparalisa." Isang sumpa ang pinakawalan ng magot.

"Kalapastangan, sino ka para pagsalitaan ang iyong mahal na hari ng ganyan? Kailangan kang maparusahan. Pugutan sya ng ulo!" Sigaw ng hari
Hindi natinag ang magot sa pagkakatayo. Hanggang sa lumiwanag ang hawak nitong bolang kristal. Isang matinding liwanag ang bumalot sa buong kastilyo at nasilaw ang lahat ng naroon. Nang matapos ang liwanag bigla na lamang nawala ang magot. Isang tungkod lang ang naiwan sa kinatatayuan nito kanina. Nilapitan eto ng hari. Kinuha ang tungkod. Sa di inaasahan, ang tungkod ay biglang naging isang ahas.
"Ssssssshhhhhh......! Tsuk!" Isang water snake ang tumuklaw sa kamay ng hari.
Natahimik ang lahat dahil pumatak ang dugong bughaw ng hari. Kasalanan sa kastilyo ang makita ang dugo ng hari. Mula sa tuklaw ng ahas, unti-unting naging bato ang dugo sa kamay ng hari. Unti-unti naging bato ang buong katawan ng hari. Hanggang sa naging bato ang buong imahe nito. Ultimo puso'y naging bato.
Natakot ang mga nakasaksi. Nilapitan nila ang hari ngunit lahat ng lumapit ay naging bato rin. Lahat ng humipo sa mga naging bato ay unti-unting naging bato rin. Bato na sing tigas ng bakal. Naging bato ang lahat ng tao sa nasasakupan ng hari.
Tumahimik ang buong paligid. Ang kaninang masigla at maingay na pagdiriwang ay naging isang tila sementeryo na punong puno ng statwa ng mga taong walang buhay. Mabibingi ka sa katahimikan ng lugar.
Maya-maya'y umitim ang kalangitan. Kumidlat ng matalim kasabay ng dagundong ng kulog. Umulan ng malakas. Tila walang katapusan na ulan na sumisira sa buong kastilyo. Ulan kelan kaba hihinto?
Nagsilakihan ang mga damo. Damo na tumatanim pati sa puso. Tila galit na galit at gustong manatili ngang habang buhay sa walang buhay na kastilyo.
Napalibutan ang buong kastilyo ng iba't-ibang halamang gumagapang. Gumagapang at nagpupumilit sumiksik sa di dapat na sulok ng buhay.
Nagmistulang gubat na ang kaharian. Nabalot eto ng kadiliman. Kadiliman na ang naghahari. Kaharian ng kadiliman.
Sa twing may mga taong dumaraan sa kastilyo, lungkot at pigahati ang kanilang nararamdaman. Sinasabing isinumpa daw ang buong kaharian.
Kailan kaya muling mabubuhay ang hari? Ang dating masigla, palangiti at nagdudyuk na hari.
-------The End--------
Ang inyong mahal na hari ay pansamantala munang mawawala....