Wansapanatym naisipan ni Haring Archieviner imbitahan sa kastilyo ang kanyang kaibigang hari. Si Haring Akoni na nasa Kaharian ng Akonilandia.
Code Name/ Alyas: Akoni
Blogsite at URL: Kaharian ng Akonilandia at http://www.akonilandiya.com
Year 2011 R-18 Blogger of The Annual Kalsada Blog Awards (credit to damuhan.com for the info.)
OFW Blogger na nasa bansang Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia
Kung may kastilyo si Archieviner may kaharian naman si Akoni. Kaming dalawa lang ang alam kong may kaharian dito sa mundo ng blogosperyo. Nasa langit ang Chateau de Archieviner nasa ilalim ng lupa naman ang Kaharian ng Akonilandia. Kaya ang dilim ng blogsite nya. dyuk! Hangin lang ang pagitan naming dalawa. Isa sya sa mga iniidolo ko sa pagpapatawa.
Dumating si Haring Akoni sa CDA kasama ang isang batalyong kawal. Makisig na makisig ang bisitang hari sa kasuotang kalasag at suot din ang berdeng kapa. Dumating eto lulan ng kanyang paboritong kabayo.
Isang marangyang pagsalubong ang inihanda ni Haring Archieviner.
Nagharap na ang dalawang hari.
Nakipagkamay at tumugon sa bati ang Hari ng Akonilandia. Nagbatian sila.
Nagtungo ang dalawa sa guest room ng kastilyo.
Haring Archieviner: Haring Akoni, inimbitahan pala kita dahil nais ko lamang malaman kung ano ang iyong karanasan bilang isang OFW. (Sabay abot ng gintong kopa na may lamang katas ng ubas na pinitas pa sa mayamang lumain ng CDA).
Bakit ka ba nag-OFW?
Haring Akoni: Naitanong na sa akin ‘yan ni BINO nung e-feature niya ang Akonilandiya sa damuhan.com. Ganun din ang isasagot ko, gaya ng sinagot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi puwedi kontrahin ang sarili ko diba? Baka makaaway ko pa, mahirap na at baka mawalan pa ako ng kalaro sa banyo at sa kama.
Natawa si King Archieviner at kamuntikang masamid habang umiinom ng katas ng ubas gamit ang gintong kopa.
Haring Archieviner: Hahaha! iba ka talaga Haring Akoni. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na imbitahan ka dito sa kastilyo ko. Kampay!
May iniabot si King Akoni kay King Archieviner. Isang scroll na gawa sa tela at may mensahe etong nakasulat.
Haring Archieviner: Ano naman eto kamahalan?
Haring Akoni: Itong sagot ko sa’yo ay mahabang version niya. :D (Talambuhay nya bilang OFW).
Ang laman ng scroll....
MMK - Minsan May Kamote
Dear Ate Charo,
Tulad ng nangyayari sa pelikula lalong lalo na sa pinoy movies, nagpunta ako sa ibang bansa dahil sa mga nangyayaring hindi ko maitindihan, kinailangan kong hanapin ang sarili ko dahil feeling ko nawawala ito. Naging madrama din ang buhay ko noon pagkatapos ng graduation ko in college. Naging kamote ako, hindi ko malaman kung ano gusto ko, kung saan ako mag-uumpisa. Feeling ko nasa gitna ako ng disyerto, walang matanaw na patutungohan, hindi alam kung saan ang daan, walang mga sign, wala talaga, rico blanko lahat sa akin. Ang ginawa ko nalang ay naglakad kahit alam kong walang direksyon o walang patutungohan. Dahil don maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ko na pinagsisihan ko hanggang sa ngayon. Maraming nasaktan, maraming naargabyado at dumating din sa punto na pati sarili ko na ay nasasaktan ko na din. Nawala ang sarili ko, lumayas ito. Kaya ang sakit talaga ate charo ang nangyari sa akin, hindi ko alam kung kanino ako magpapasaklolo. Makalipas ang dalawang taon, naisip kong hanapin ang aking sarili.
Sa Luzon.
Nagstayn o nakitira ako ng ilang buwan sa isang kamag-anak sa Pasig City sa pag-aakalang don ko matatagpuan ang sarili ko, pero mali ako ate charo, lalong lumala ang kagagohan pinaggagawa ko sa buhay. Nasaktan na naman ako ulit at nakasakit pa lalo ng iba, alam lahat ito ni Kuya Eddie dahil nasabi ko na minsan sa kanya, hindi ko makalimutan ang reklamo ko sa kanya “Napakasakit Kuya Eddie…”
Isa araw, habang nangangalkal ako ng makakain sa basurahan, hehehe, sempre joke, ‘wag mo isama sa pagsasadula ah. Dahil sa hindi ko nga natagpuan ang sarili ko sa luzon, don ko naisip na baka sa ibang bansa ko matagpuan ang gago. Inayos ko ang mga papeles ko, ang aking sarili, at kung anu-ano pang requirements para sa abroad, at makalipas nga ang tatlong buwan, nakaflight ako, may swerte parin ako sa katawan kahit papaano.
Masaya ako sa mga oras na ‘yun ate charo, ang sayasaya ko. Sa wakas, makakakita na ako ng kamelyo at mga arabo, at mapapatunayan ko na sa sarili ko kung mabaho ba talaga ang amoy ibang lahi. Higit sa lahat, nagkaroon ako ng pag-asa na mahahanap ko na ang aking nawawalang sarili.
Masaya ang unang mga araw at buwan ko dito sa abroad, at tulad ng inaasahan ko, bilisan natin kunti ang kwento, dito ko nga natagpuan ang aking sarili. Tinanong ko siya kung bakit siya umalis, ang sagot sa akin ay napapabayaan ko na daw kasi siya, kinakalimutan ko na daw ang mga pangarap namin, naging makasarili na daw ako dahil puro sarap nalang sa buhay ang inaatupag, naging kamote na daw ako. Humingi po ako ng tawad sa kanya, at kasama ko siyang nangako na magiging mabuting tao na ako, dahil hindi sapat ang pagiging mabait lang. Magkaiba kasi ang kabaitan at kabutihan. Kung paano naging magkaiba yan? problema mo na. Tinatamad na ako magkwento, inaantok na ako kaya tataposin ko na’to. Sige na nga magbibigay na ng sample, ito ang pagkakaalam ko ah, for triple X sample, may nakita kang matandang babae, ah teka, lalake nalang, may nakita kang matandang lalake tatawid sa kalsada na punong puno ng mga buwaya, dinasaurs, mga pating at mga kabayo, basta wag mo na pansinin yan nakadrugs lang ako ngayon. So ang ginawa mo ay tinulongan mo siya makatawid, yun, mabait kang tao. Ang mabuting tao naman ay ihahatid mo siya sa kabilang kalye matapos mo patayin ang mga buyawa at dinasaurs, tapos ihahatid mo pa siya sa pupuntahan niya at bibigyan mo pa siya ng pangload, ‘yun, mabuting tao ka. ‘yan at opinyon ko lamaang ah.
Balik na tayo kay ate charo.
Ngayon ate charo ay masaya na ako sa akin buhay dahil nahanap ko na ang sarili ko, pagdating ng panahon ay iuuwi ko na siya sa Pilipinas, magsasama kami kasama ang ibang parte ng aking sarili (ang pamilya ko), and we will live happily ever after. Sana po ay nagustohan ninyo ang kwento ko, patnubayan kayo sana ng mahiwagang kamote.
Nagmamahal,
Akoni
Maluha-luha si Haring Archieviner sa kanyang nabasa. Kakatawa Madrama at may-aral pala ang kwentong OFW ni Haring Akoni sa kabila ng kanyang malandi este makakatuwang blog. Maraming salamat muli sayo King Akoni.
Patuloy pang nag-inuman ang dalawang hari hanggang sa malaseng. Nagtawanan at nagkwentuhan. Marami pang naganap.
.....and King Akoni lived happily ever after...
X-0-X-0-X
Walang OFW na natampok noong huling bwuan nang nakaraang taong 2012. Kaya naman naisipan kong mangulit ng mga Pinoy bloggers na nasa ibang bansa o kapwa ko OFW bloggers na hinahangaan ko sa pag-aabroad at napapadaan din dito sa aking kastilyo upang magbahagi ng kanilang kwentong abroad.
Abangan nyo pa ang ibang mga OFW bloggers dito sa "I am a Hero".