Happy Birthday!
My brother Jan-jan celebreted his 24th birthday yesterday, 02 January. Ang sumunod sa kagwapuhan ko sa'ming magkakapatid. He is currently working as Chef in one of luxuy hotel in Singapore. I'm planning to visit him this coming February to experience the Chinese New Year abroad. Sama ka? Libre mo ko. dyuk! See you soon bro. Happy birthday again. I wish you all success and love in your life.Online Family Bonding
Kahapon din nag-online ako sa skype to meet my family and greet the celebrant. Nakakatuwa kasi tagal naming hindi nagkausap-usap ng live. Even nung Christmas at New Year kasi hindi ako nakipagvideo call sa kanila. Kamustahan at batian with parents, tito't tita, lola at kapatidz ang nangyari. Si Mama that time ay mukhang iiyak na. Namimiss yata kami. Nung nakaraan linggo nag-pacheck-up sa doctor si Mama dahil may nararamdamang sakit kaya nung kinamusta namin ang lagay nya parang gusto nya nang umiyak. Natitigilan lang sya twing pinagmamasdan kami. Ako ang clown ng pamilya kaya pigil ang luha ng lahat. Para pasayahin narin ang birthday boy kung ano-anong funny faces ang ginawa ko. Sinayawan ko din sila. Kaya ang ending may ngiti at masasaya kaming nagpaalam sa isat'-isa.Taas: Tita Ana at Jovy (left) and Papa (right)
Baba: Me, Mama and Jan-jan (from left to right)
Baba: Me, Mama and Jan-jan (from left to right)
Interview with Senyor Iskwater
Pinaunlakan ko ang paanyayang interview ni Senyor Iskwater. Sa una ay nahihiya ako dahil ang sinundan kong ininterbyu nya ay ang Idolo sa pagpapatawa na si Sir Glentot ng wickedmouth. Pero mas mukhang nakakahiya yata kung tangihan ko sya. Kawawa naman kasi. dyuk! First time kong mafeatured at mainterviewed ng isang blogger. Maraming salamat Senyor I. Magandang simula eto ng aking taon. Para makilala pa ang inyong hari at makita ang mapangahas na interview, iclick lang ang eto ----> Si Archieviner at Ako. Hwag ka lang magulat dahil alindog ni Glentot ang larawang bubungad sayo. lolGreetings from Norway
Natanggap ko na'to before Christmas and New Year pa. Hindi ko lang muna pinaalam sa mga senders. Hindi naman din sila nagtatanong pa. Hehe. Parehong galing eto sa Norway kaya nakakatuwa. Nagtravel pa sa malayong lugar ang mga sulat bago makarating dito.Unang dumating ang sulat ni Mama Joy ng Will you hear from me?. Natatandaan ko galing ako sa inuman nyun with koreans at nakipag Christmas Party pa ako online with my friends in Philippines. Mahilo hilo at pagod na pagod ako nyun. Paghiga ko sa kama..... Tadan!
May nahigaan akong matigas na papel. Kinapa ko ang likuran ko at kinuha ang aking napatungan. Greeting card from Mama Joy. Pagbukas ko ng sulat isang larawan at mensahe. Napangiti ako at natulog yakap-yakap ang larawan. Buti nalang di ko natuluan ng laway. Hehe. Maraming salamat Mama Joy.
After Christmas day ko na natangap. Isang greeting card na galing naman kay sis Gracie ng Gracie's Network. Natangap ko naman eto after lunch pagkagaling ko nang trabaho. Nahulaan ko na agad kung kanino galing dahil nakita kong may Norge sa post stamp. Inisip ko kung anong laman. Makapal at parihaba ang mail envelope kaya inisip ko na gumamit siguro si sis Gracie ng yellow paper. ahihi. Pagbukas ko... Voila.....
Isang Christmas card at may kasama pang 50 Norwegian Krone. Nakakadugo bigkasin ang pangalan ng pera nila. 50K yan pagcinonvert in Peso. dyuk! Maraming salamat sis Gracie. Mayaman na ako. dyuk!
Doodle with love from Pareng Cyron
Isang magandang doodle with love naman ang natanggap ko galing kay Pareng Cyron ng ikwento. Nakakataba naman ng puso eto. Ang ganda kasi. Gusto ko nga syang ipamalit sa header ng blog ko. Diba ang ganda at ang daming hayop. Hayop talaga sa ganda. Hanapin nyo kung sino ako dyan? Kayo yung ibang characters ah.[Edited- 01/04/13] Natanggap ko lang din kanina. Bukod sa Christmas/New Years at Post Card, nasurprise din ako dahil may aguinaldong 500 forint. May nakakatuwang mensahe si Pareng Cyron. Naastigan ako sa sulat nya ah.
Once again Pareng Cyron maraming salamat with royal love from King of Chateau de Archieviner. Ayiii!
Vesatile Blogger Award
Last year (parang ang tagal) nakatanggap ako ng award galing kay sis Arline ng The Pink Line. Versatile Blogger Award. Deserving ba ako dito? Parang hindi. dyuk! Thank you Arline sa Award na eto.- Thank the blogger who gave you this award. Don’t forget to link her blog.
- Post seven random things about you
- Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
Seven Random Things About Me:
1. Gwapo. Di ko na eexplain pa.
2. Mahiyain. Totoo to ah!
3. Malandi. Trending e.
4. Madaling mahalin basta treat mo date natin. dyuk!
5. Magaling akong humalik. dyuk ulit!
6. Baliw ako kung magmahal. Yung tipong pipigilin ang ulan, susungkitin ang mga bituin para lang maging akin. Ganyan!
7. Sobrang seloso. Kaya kung lolokohin mo ko.... wala lang!
Kalimutan nyo na ang lahat wag lang yung No. 1 ah. Please! lol
To know more about me, click---> 101 Things About Me.
May mahuhuli pa ba sa'kin sa pag post ng award na eto? Kaya wala na rin akong itatag na bloggers.
PBO
Ilang days nalang bago ang unang PBO Main Event. Sa January 08, 2013, Tuesday na eto sa White Cross Children's Home, San Juan. Kung nais mong magvolunteer o magbigay ng donasyon ipaalam lamang sa inyong lingkod o sa iba pang myembro. Maraming salamat.
Photo Credit to Maria aka Super Wander Girl