Panaginip: Bus
Napunta ako sa isang baryo. Sa isang masayang baryo. May pinagdiriwang. Hindi ko malaman kung fiesta ba o kung ano. Basta ang alam ko ay sa probinsya yun dahil sa kalumaan ng lugar at hindi pa semintado ang kalsada. Isa lang ang pagdiriwang na ginagawa nila. Ang magkantahan. Mapaenglish man o tagalog ang kanta. Sosyal ang mga bisita dahil mga lawyer ang nandun (dahil siguro to sa pag-iisip ko bago ako matulog na mag-aral na kaya ako at pumasok sa law school).
Natatandaan ko na nandun ang pamilya ko. Pero ang mama ko lang yata at ang isa kong kapatid. Hindi ko makita ang mukha nila pero alam ko na sila yun. Bumili kami ng dalawang bilao ng mga prutas at dalawang buko. Nakahiwalay yung buko dahil hindi eto kasya sa bilao. Malaki yung bilao. Hindi sya yung ordinaryong bilao. Three times siguro nung ordinaryong malaking bilao.
May dumating na isang attorney. Babae sya.
Naunang nagpaalam umuwi sila mama at ang kapatid ko dala yung isang bilao at isang buko. Nakita kong sumakay sila ng tricycle.
Nandun parin ako habang pinapakilala yung bagong panauhin. Tuloy parin ang kantahan sa baryo. Nag-enjoy ako sa kantahan. Nakalimutan ko na may isang bilao na naiwan sakin.
Biglang umulan ng malakas. Tsaka ko lang naalala yung bilao at buko na naiwan sakin. Ngunit nawawala na yung bilao nung hanapin ko. Isang buko nalang ang nandun.
May nakita akong mag-asawa na may mga dala-dalang maraming bilao. Nilapitan ko at tinanong ko kung nandun ang bilao ko. Pero wala.
Iyak na ko ng iyak. Humahagulgol ako sa iyak.
Nagising nalang ako na humahagulgol parin sa iyak. Tsaka lang natigil yung pag-iyak ko nung nagising na'ko dahil narealized ko na panaginip lang pala.
Eto ay isang panaginip lamang. Hindi ko alam kung anong nais ipahiwatig o kung anong ibig sabihin.
Napapadalas yata ang pananaginip ko.