Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Panaginip: Bus

$
0
0

"Good night sayo. Lagi lang akong maghihintay" sabi ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot nya.

"Kahit nasasaktan titiisin ko" dutong ko pa

"Nu naman yan?" Sya

"Alin" Nag-maang-maangan ako. Kunyari hindi ko alam ang kanyang tinutukoy.

"Yang kahit nasasaktan ka?"

"Ahhh wala yun.. Kaya ko naman to."

"Kaw talaga"

Sandali akong bumaba ng bus upang bumili ng makakain. Hindi ko alam kung bakit ako bumili ng pagkain. Hindi ko naman nararamdamang nagugutom ako. Iniwan ko muna sya sa loob ng bus.

Lumipas ang ilang sandali. Habang kumakain ako ay biglang sumenyas ang kundoktor at sinabing aalis na ang sasakyan. Nagmadali ako. Nataranta dahil baka maiwan ako ng bus at mauna syang umalis dahil nga nasa loob sya ng sasakyan. Hinanap ko ang bag ko. Hindi ko malaman kung san ko nailagay. Nakita ko nalamang na nasa kabilang bus eto. (weird). Nung kukunin ko na yung bag ko, biglang may dumating na isa pang bus. Ang direksyon ay patungo sa'kin. Bubungguin ako. Mabuti na lamang ay bigla etong huminto. Naligtas ako.

Agad kong kinuha ang bag ko at pumasok na sa bus kung san kami nakasakay kanina. Pumuwesto ako sa likuran kung saan kong inaakalang nandun sya. Hindi ko na malaman kung san kami nakapwesto nyun. Hindi ko narin sya mahanap.

Habang umaandar ang sasakyan napatingin ako sa isang pasahero na nasa unahan malapit sa pinto ng bus kung san ako pumasok kanina. Nadun sya. Parang may hinihintay. Lumapit ako at naupo sa tabi nya. Ipinatong ko ang aking bag saking mga hita. Para akong may kandong na isang bata. Nakita ko nalang na nasa hita nya ang kanyang kaliwang kamay. Gusto ko tong hawakan ngunit ayokong may makakita. Dahan dahan ko nalang ikinilos ang aking kanang kamay patungo sa kamay nya. Gusto kong damhin ang kanyang palad. Una kong idinikit ang aking hinliliit sa loob ng kanyang kamay. Nang magdikit ang aming mga daliri parang may kakaiba akong naramdaman. Parang kay bigat na masarap sa pakiramdam. Wala akong naramdamang pagtutol sa kanyan. Hanggang sa tuluyan nang naglapat ang aming mga kamay. Dama ko na ang kanyang palad.

Wala parin syang imik. Ako ang bumasag ng katahimikan. Tinanong ko sya...

"San ka nagpunta kagabi? Bakit hindi ka nagpaparandam?"

Tahimik parin sya. Ako naman ay nag-aabang lang ng sagot nya.

"Nanood kami ng Beautiful Creature. Kumain kami ng pasta at pizza sa Aveneto."

Bigla akong napatingin sa kanyan. Nabigla ako dahil ang kahawakan ko pala ng kamay ay ang aking ex at hindi sya. (weird)

Toot! tooot! Tumunog ang cellphone ko.  Nagising ako. Chineck ko ang mensahe.

"Anong ginagawa mo pag nalulungkot ka?"

"Nagsusulat. Nakikinig ng music. Go out!"


Eto ay isang panaginip lamang. Hindi ko alam kung anong nais ipahiwatig o kung anong ibig sabihin.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles