Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

May Nangyari sa Eroplano

$
0
0
“Ding! Dong!.... Ladies and Gentlemen. Welcome aboard Philippine Airline flight PR469 bound for Manila. Please be seated, with your seats in upright position with tray table upright and locked and with your seatbelt fastened. We will be shortly leaving the gate and takeoff for Manila. We will be showing an in flight video on emergency procedures after we takeoff... blah..blah... blah...

Once again, we welcome you onboard."

Muli ko na namang narinig ang mga linyang eto na palagiang binibigkas ng mga flight attendants bago pumalipad ang eroplanong sinasakyan ng mga pasahero. Mahigit walong buwan na magmula nang huli kong  narinig ang panimulang pagbati na'to. Palagi ko namang naririnig eto noon. Pero hindi ko sya pinapansin. Gayun pa man ay sumusunod parin ako sa mga iniuutos ng mga flight attendants. Para din naman eto saking kaligtasan.

Ngunit ngayon ay parang iba ang dating sakin ng mga linyang umeere sa loob ng eroplano. Damang dama ko ang bawat salita na umaalingawngaw sa loob ng isang salipawpaw.

Matapos ang apat na oras na byahe patungong airport.... Sampung oras na byahe patungong Korea. Sampung oras na paghihintay bago sumakay ng eroplano patungong Pinas.... At ilang oras na bitbit ang mga mabibigat na bagahe.... Ngayon ay totoong lilipad na ako pabalik sa aking pinagmulan. . Pero wala akong pakpak. How I wish angel ako. dyuk!

Giiiiiigrrrrrrroooohhh... ohhh... ohhh...! 


Iyan... naririnig ko na ang ugong ng eroplano. Ugong na nagpapahiwatig na eto na talaga... Totoo na’to. Hindi dyuk! Uuwi na ako. Sarap na sarap ako sa pakikinig sa ugong.


“I’m going home.... to the place where I belong...” Sinabayan ang ugong ng musikang inaawit ng katabi kong pinoy...Excited din yatang umuwi. Tahimik lang ako. Hindi talaga ako madaldal lalo na’t di ko kakilala ang katabi ko. Di ko kinakausap hanggat di nya ko kinakausap. Suplado talaga ako sa personal.

Habang tumetake-off ang higanteng sasakyang panghimpapawid... hindi ko maiwasang isipin ang mga alala noon. Mga alaala noon, kamusta na kaya ngayon? Marami na kayang pagbabago? Anong nabago? Ano na kayang itsura ni ano? Ano na kayang itsura ng lugar sa ano? Balita ko si ano ay may ano na? E sya kaya kamusta na no?

“Ding! Dong! Ladies and getlemen, The seat belt sign is on. You can now use the restroom. blah...blah..."  

Naputol ang aking paggugunita nang marinig ko ang announcement ng flight attendant. Pamilyar na linya. Parang narinig ko narin eto noon. Biglang may iba akong naramdaman. Parang may gustong pumutok sa ibaba ng bewang ko. Tama naiihi lang ako. Mahaba pa ang pila mamaya nalang ako magsiCR.

Nang mapansin kong kakaonti na lang pila.. dali akong tumayo at nakiraan sa kabati ko. Nakapwesto ako malapit sa bintana.

“Ay oh Sorry Sir...” Nabunggo ko ang isang foreigner nang lumabas ako sa row ng aking kinauupuan. Sabay daan nya rin kasi paglabas ko... kaya hindi ko sya agad naiwasan. Malaking tao ang puting foreigner.  Hindi nagsalita ang nabanga ko. Tumango lang sya at dumeretso patungo sa kanyang pakay. Mukhang pareho kami ng tutuntunin. Ang rest room.

Saktong tapos na ang kaninang mahabang pila ng mga pasahero sa common restroom ng eroplano. Nauna si puti gumamit ng CR. Ako ngayon ay nakapila sa labas ng restroom. Pagkatapos ni puti ay agad kong binuksan ang pintuan ng rest room.

“Ekkk!” Binuksan ko ang restroom.

Hulala.. may after schock. Dyuk lang. wala! Maglalabas ako ng sama ng loob sa banyo.

“Shhhhhh.........!” Jumingle lang ako. Syempre sabay kilig habang tinatapos ang huling patak.

"SHHHHHH....” (Malakas) Nang pinindot ko ang flash ng toilet.

Tumingin ako sa salamin...

“Ang gwapo ko nga talaga...” Mahinang bigkas sa sarili nang makita ang aking mukha sa repleksyon ng salamin. Totoo nga talagang gwapo ako. May ebidensya na. Walang kokontra.

Tinignan ko rin ang aking kabuoan. Ang dating tyan ay lumiit na rin. Naconcious ako sa katawan ko dahil sa nalalapit na Siargao trip. Nahiya naman ako kay Zai at sa makakasama ko. haha

“Tok...! tok...! tok...!” May kumatok sa pintuan. Naputol ang pagpupuri ko saking sarili. Ngayon ko lang napansin na masyado akong nahumaling sa kagwapuhan ko kaya hindi ko namalayan na matagal na pala akong nasa loob ng banyo.

Isang mabilis na sulyap muna sa salamin sabay sign ng that's my boy at Mr. Pogi look bago ko binuksan ang pinto. Ganyan tayo e. :P

“Tsk!” Pagbukas ko ng pinto. 

Nagulat ako dahil isang babae ang naghihintay sa labas. Halos mabaon ako sa kahihiyan dahil sa mukhang angel ng binibini na parang si Georgina Wilson sa ganda ang bumulaga sakin. Mabuti na lamang dahil hindi galit ang babae. Binato lang nya'ko... Binato ng isang matamis na ngiti.

"Pung!" Sabay alala sa February month. Buwan ng mga puso. Ngayon ay may mga maliliit na kupidong lumilipad saking ulo at maraming maliliit na puso. Naimagin mo? lol

“Are you done?” Tanong ng binibini na may malambing na boses.

“Y---e-----ssssss....” Utal-utal kong sagot. Sabay alis. Dali-daling tinungo ang aking assigned plane seat.

Bago ko tuluyang marating ang aking upuan….

“Ay oh Sorry Sir…” Take 2. Nasagi ko ang inuming tubig ng isang foreigner na nasa gitnang upuan. Isang malaking tao din but this time itim na amerikano naman. Ang kaninang hiya na naramdaman sa isang binibini ay mas nadoble pa sa hiyang nararamdaman ko ngayon.

Hindi umimik ang negrong kano. Kumuha lang eto ng tissue at pinahiram ang basang kumalat sa katawan. Matapos magpunas ay agad etong tumungo sa restroom upang mag-ayos ng sarili. Lubos ang paghingi ko ng tawad sa kanya. Bakas sa mukha nya ang pagkainis sa ginawa ko.

"Ano ka ba naman Arvin slash pogi? bakit ang tanga-tanga mo ngayon?" Sa isip ko. Sinisisi ko ang aking sarili.

Nang patungo na'ko saking upuan... Nakita ko yung puting kano na nabanga ko kanina... Mukhang pasalubong sa'kin. Oops! Naging mautak na'ko. Di ko na sya nasagi... kaya wala nang take 3. 

Sa wakas nakabalik narin ako sa'king upuan. Nakakastress tong pagbabalik ko sa Pilipinas ah. Daming ganap.

Tumingin ako saking orasan. Eksaktong alas dose ng hating gabi nang ika-dos ng Pebrero. Delayed na ang flight ko. Malamang ay naghihintay na ang aking sundo sa airport.

Kinuha ko ang magasin na nasa harapan ko. Ang mga magasin na sadyang naroon. Nagbasa-basa muna upang libangin ang sarili at makalimutan kaninang katangahang ginawa. 

Mga ilang minuto ang lumipas…

“Oh my God..... Holy shit…” Isang malakas na sigaw ang umagaw ng attention ng mga pasahero ng salipawpaw. Nagising din ang mga natutulog. Isang boses ng matandang babae. Foreigner. Ang sigaw ay mula sa likod. Kung san nandoon ang rest room ng eroplano.

Agad na sumaklolo ang mga flight attendants at tinuntun ang kinaroonan ng matandang babae.

Ilang sandali pa ay may inilalabas ang mga flight attendant sa restroom. Isang bangkay. Isang bangkay ng binibini. Ang binibining kaninang gumambala sa'king pagpupuri sa sariling kagwapuhan. Kinilabutan ako. Hindi ko alam ang aking gagawin. Inisip ko na maari akong maging suspect kung pinatay man sya.

Putsa! Bakit ngayon pa nangyayari ang ganito? Ngayon pa na magbabakasyon ako. Napakamalas ko naman. Pano ko maeenjoy ang bakasyon ko ne'to? 

"Bang…. !" Isang malakas na  bagsak ang aking narinig... diko malaman kung saan nagmula.

“Mister...sir... wake-up! wake-up!. We are now in Manila.… ” Iminulat ko ang aking mata. Bumungad sa harap ko ang kaninang binibining kumatok sa pintuan ng restroom.

Tumingin ako sa sa'king orasan. 12:00AM of February 02, 2012. 


" Ladies & Gentlemen, we have just landed at the Ninoy Aquino International Airport and we are now taxiing to the NAIA Centennial Terminal 2. Welcome to Manila! For your safety, please remain seated with your seatbelts fastened until the fasten seatbelt sign has been switched off.  Please do not remove your carry-on baggage until the aircraft has come to a full stop. At this time, communication is still ongoing between the flight deck and the control tower. For this, may we request our passengers to please refrain from using your cellphones until after you have disembarked..... blah... blah... blah....

Once again, from "Asia's First, Asia's Sunniest: Philippine Airlines", thank you and we welcome you to Manila!"


TOUCH DOWN MANILA.... 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles