Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

My Top 10 Remarkable Moments of 2012 (Year End Post: Part 1)

$
0
0
Top 10. Local Travel 
  • Cebu Trip - After Bohol trip last year, the Queen of City of South was my 2nd Visayas destination. Ok naman ang lugar at enjoy. Remarkable sya hindi sa mga places kundi sa.... Abangan sa Part 2 ne'to.
  • Davao Trip - My favorite provincial city in the Philippines is the Promise Land (Davao). Wala akong masabi sa ganda at dami nang adventure. Thanks to my friend na nagassist sakin sa Davao. Mag-isa lang ako nagtravel papuntang Davao. There was something in Davao sa life ko kaya remarkable sya. Dami ko lang sikreto. lol
  • Pampanga + Pangasinan + Baguio Trip- Eto ang mga last trip ko bago ko lisanin ang Pilipinas . Pinagsama-sama ko na sila in one dahil in 3 days binisita ko sila lahat. Stop over lang sa mga bahay ng friend ko sa bawat lugar na yan.  Mag-isa ulit akong nagtravel. Ang saya ne'to.  
Last year I traveled in SG and Malaysia  but this year wala akong international leisure trip.

Top 9. Extra Ordinary Me 
Eto yung mga face your fear challenge ko. Mga adventures o bagay na hindi ko inakalang magagawa ko pala. 
  • Travel Alone -Refer to no. 10, I traveled alone in Davao, Pampanga, Pangasinan at Baguio. I found fun in travelling alone e. Ang hirap kasing humanap ng kasama. Ok din for soul searching. Ang emo ko lang. lol
  • Trekking Alone -This is one of my accomplishment this year na kasama sa'king Dream101. Done in Eden Garden, Davao. Dahil nga nagtravel ako alone kaya trekking alone din. Perfect for my seft pity moment. dyuk! May ginawa pala akong video ng sarili ko while trekking. Hindi ko na ipost dahil nakakahiya. Para kasing last will and testament ang video. lol
  • Eat Exotic Food -I ate crocodile in Davao. Hindi naman sya na ganung ka exotic pero bago sa panlasa ko kaya remarkable sya. I'm looking forward next year to eat something raw and alive food. Kaya ko kaya?
  • Inverted Zipline - Done in Davao din. Nakapagzipline na ako sa tagaytay but this time mas mahaba at inverted zipline ang nagawa ko. Looking forward to ride in the longest zipline in CDO.
Top 8. Book
Minsan lang ako makatapos magbasa ng isang libro. Kaya big deal sakin kung may matapos akong libro sa loob ng isang taon. This year I read the book Being Happy by Andrew Matthews as suggested by Kuya Anton of Pusangkalye nung darkside moment ko. Sa Part 2 nyo na alamin ang mga moments na yan. :P

Top 7. Corporate Level-up
Hindi naman sa nagmamalaki, nataon kasi na this year ko naachieved ang isang posisyon na maipagmamalaki ko talaga kung professionalism ang pag-uusapan. I appointed as a Finance & Admin Head sa isang fastfood complex sa Manila. Tumagal lang ako ng tatlong bwuan sa posisyon na yun dahil sa dumating na opportunity abroad. Malaki ang pasasalamat ko sa dati kong kompanya. Sa loob ng mahigit four years na pagtatrabaho ko sa kanila ay marami akong natutunan. Promise. Kung anong style, attitude at professionalism na pinapratice ko ngayon sa trabaho ay utang ko sa kanila.

Maayos akong umalis sa dati kong kompanya kaya alam kong tatanggapin parin nila ako sakali mang bumalik ako. Nangako sila. lol Kahit ramdam ko na masama ang loob sa'kin ng Presidente nung araw na nagpaalam ako. Which is normal.

Para din pala akong kumawala sa'king comfort zone nung pinili kong iwan sila.

Mula sa itaas muli akong bumaba. Kaya eto ngayon isa akong assistant dito sa ibang bansa. 

Top 6. New Friendship
Ang mga bagong nakilala ko ngayong taon na nagbibigay din ng kulay sa buhay ko.
  • Barako Group - Nagsimula sa blogs hanggang nagbuo ng group sa BBM. Dito ko mas nakilala si Will, Bino, Xprosaic, Pusangkalye, at iba pang bloggers. Sandali ko lang silang nakasama dahil sa panandalian kong nilisan ang ating bayan. Maraming salamat sa kanila.
  • Bloggers - Yung mga bloggers na naging bahagi ng CDA. Kung followers kita o nag-iwan ka man ng commento ay ikaw na yun. Di ko na isa-isahin alam mo na ikaw yun.. Especially yung mga nakakausap ko out of blogworld. Maraming salamat sa inyo.
  • PBO - 9 days to go. #Promote. lol
  • Tagay Boys

Ano kaya ang Top 1 Remarkable Moments ko this year? 

Abangan!

Top 5 ~ 1 click here

Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles