Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Kulay ng Pasko: Pilak (Silver Bell ni Lola) P2

$
0
0
Kulay ng Pasko: Teaser
Kulay ng Pasko: Pula
Kulay ng Pasko: Pilak (Silver Bell ni Lola) P1

Lumipas ang isang araw mag mula nang pumanaw si Mark, ang matalik na kaibigan ni Noel. Hindi parin makapaniwala si Noel sa sinapit ng kaibigan. Dinala na sa probinsya ang bangkay ni Mark upang doon iburol at ililibing. Hindi na nakasabay si Noel papuntang probinsya dahil sa kailangan nyang magpaalam muna sa opisina at magfile ng leave upang makaabsent sa trabaho. Susunod nalang eto sa probinsya para sa lamay  at huling paalam sa kaibigan.

Masakit sa dibdib ni Noel ang pagkawala ng kaibigan. Lalo na sa twing naalala nya ang mga pinagsamahan nilang dalawa.  Ang mga masasayang ala-alang di malimutan. Mga kalokohan at iyakang pinagdaanan. Ang mga problema at pagsubok na nilampasan.

Alas nuwebe ng gabi. Papauwi si Noel galing sa trabaho. Late na sya umuwi dahil sa mga ginawa sa opisina at ayaw nyang makipagsabayan sa dami nang pasahero na nagcocommute at nakikipagsiksikan sa MRT.

Tuliro at wala sa sarili si Noel habang patungo sa MRT galing BPI Ayala Building. May bigat na dinadala.

Nakarating na sa MRT Ayala station si Noel. Kahit sa ganung oras ay marami paring nag-aabang na pasahero para makasakay ng train.


Mga ilang minuto ang lumipas. May paparating nang train.

Pumuwesto na si Noel kung san magbubukas ang pinto ng train. Sya ang unang makakapasok kapag bumukas ang pinto.

"Ting-ting-ting" 

Tumunog ang bell nang dumaan ang train sa harap ni Noel. Train na parang isang malaking ahas na naghahari sa kalsada ng Edsa.

Natigilan sa pagpasok si Noel sa pinto dahil bumungad sa kanya ang mga taong nasa loob ng train na walang ulo. Ang loob ng train ay nagmistulang parang punong puno ng mga kaluluwa. Kuluwang nagsusumigaw at humihingi ng saklolo.

"Boss sasakay kaba? Kung hindi, tabi ka nalang muna...." Sigaw ng lalaking nasa likod ni Noel na naghihintay na umusad sya.

Nilingon lang ni Noel ang lalaki at di nakapagsalita. Nagmadali namang pumasok ang mga pasaherong na sa likod. Hindi man lang pinansin si Noel kung masagi man sya.

Habang unti-unting sumasara ang pinto ng train kitang kita ni Noel ang mga pasahero sa loob na nakatingin sa kanya at parang gustong kumawala sa sasakyan ng kamatayan.

Credit to seattlezombies.com

Mabuti na lamang at nasundan kaagad ang pinalipas na train.

Lulan na si Noel ng train. Isang istasyon palang ang nalagpasan ng train.

"Meron pong aksidente na nangyari sa sinundan nating train. Mangyari po na magsibaba po nalang tayo dahil hanggang dito na lang po ang train." 

"May sumabog daw na bomba sa loob ng train na yun" Pasaherong nakatanggap ng balita sa cellphone.

"Yung kaibigan ko nakasakay sa train na yun" Pasaherong umiiyak. Nagsisimula nang magpanic.

"Mabuti na lamang at hindi tayo nakasakay sa train na yun" Pasaherong nagpapasalamat.

Halo-halo ang emosyon ng mga pasahero sa train kung saan lulan si Noel. Si Noel naman ay tulala lang dahil sa balitang narinig. Naalala nya ang pangitain kanina.

Kasalukuyang lumalabas ng MRT station si Noel nang....

"Riiiiiiinggggggg" Tumunog ang kanyang cellphone. Numero lang ang nasa screen ng cp ni Noel.

"Helo hon, San kana?..... ahhh... ok cge. Eto na'ko naglalakad na sa kalsada?" Isang boses nang babae na hindi nya maintindihan kung ano ang sinasabi. Parang hindi para sa kanya ang tawag.

Nagpatuloy sa paglalakad si Noel patungo sa sakayan ng bus. Pagdating nya sa gilid ng kalsada ng EDSA.

"Ting... ting.. ting" Tumunog muli ang bell nang may nakasalubong syang isang babae na may ka-usap sa cellphone.

" Helo hon, San kana?..... ahhh... ok cge. Eto na'ko naglalakad na sa kalsada?" Ang mga linyang binitawan nito ay parang narinig nya na kanina. Tama, sa kanyang cellphone.

Napako ang tingin ni Noel sa babaeng dumaan. Nakatinginan sila. Sya namang pagdaan ng isang bus na humaharurot sa bilis.

"Ehhhhhhgk. beep beep"

"Kawawa naman yung babae" Mga nakakita sa pangyayari. Ang babae ay nasagasaan ng rumaragasang bus. Bumanda naman ang bus sa isang kotseng kulay pula. Patay din ang pasahero sa kotse.

Hindi malaman ni Noel ang gagawin. Anong ibig sabihin ng kanyang mga nakikita? Bakit tumutunog ang bell at  may pangitain syang makikita? Nagsimula nang magtanong si Noel.

"Riiiiinggggggg" Nagring muli ang telepono ni Noel.

Nag-alangan syang sagutin dahil ang nakita nyang pangalan na tumatawag ay "MARK", ang cellphone number ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. May pagtataka nang sagutin ni Noel ang telepono.

"Tol, Happy birthday" Mark

"Hah? Mark? Birthday?" Noel

"Oo tol, This is Mark. Your best friend and today is your birthday.. By the way, on may na ko papunta sa party mo, Medyo malelate ako. Trapik e. Suot ko pala yung red shirth na bigay mo para parang birthday ko narin. See you later tol" Mark

Pagkababa ng telepono, napansin ni Noel na kumislap ang bell. Naalala nya bigla ang kanyang lola. Ang mga sinabi neto noong ibinigay sa kanya ang pilak na kampana.

"Sa pagsapit ng iyong ika dalawang pu't limang kaarawan, sa twing darating ang kapaskuhan tutunog ang bell na'yan upang bigyan ka nang babala sa anumang panganib na pwedeng mangyari sayo at sa mga taong nasa paligid mo.... bibigyan ka nito ng pagkakataon na ibalik ka sa araw kung kailan tumunog ang bell upang maligtas mo sila." Ang mga katagang sinabi Lola kay Noel.

Kinuha ang telepono at tinawagan ang kaibigan.

"Tol, Mark, nasan kana?" Noel

"Dito palang sa Ayala.. bakit? Mark

"Anong sasakyan ang gamit mo? Noel

"Yung red na kotse ko bakit?" Mark

"Hwag kang dumaan ng EDSA. Magkita tayo sa Greenbelt hintayin kita dun" Noel

"Ha? bakit? O sige punta na ko sa green belt" Mark

Agad na sumakay ng taxi si Noel papunta sa lugar ng tagpuan nilang magkaibigan.

Nangmakarating sa Greenbelt si Noel sya naman ding dating ni Mark.

"Buhay ka tol" Noel sabay niyakap si Mark.

"Oo, naman buhay na buhay ako..... Ang weird mo tol ah. At bakit mo pa ako pinapunta dito?" Yung mga bisita mo sa party kanina pa kaya naghihintay." Mark

"Mamaya ko ipapaliwanag sayo, kailangang ihatid mo muna ako sa MRT Ayala Station" Noel

"O sige, tara na" Mark

Nang makarating sila sa  Ayala agad namang tumungo si Noel sa security at sinabing mayroong bomba sa train na paparating. Nag panik ang mga tao nang malaman ang balita. Agad namang naghanap ng bomba ang mga security guards at pinatigil muna ang transaction sa MRT upang maiwasan pa ang pagdami nang mga tao sa train.

Hinuli ng guard si Noel kasama ang kaibigan dahil sa pagdududa na baka gumagawa lang si eto ng storya. Agad namang napatunayan na meroon nga talagang bomba. Nagpasalamat pa sila kay Noel at pinalaya na kasama ang kaibigan.

Pinaliwanag ni Noel sa kabigan ang nangyayari. Naguguluhan parin ang kaibigan. Hindi nito maintindihan si Noel. Hindi man eto naniniwala pero sinunod parin nito ang kaibigan.

Habang lulan ng sasakyan ni Mark si Noel. Nagpababa eto sa MRT Buendia Station nang makita ang isang babae.

 May kausap eto sa telepono.

" Helo hon, San kana?..... ahhh... ok cge. Eto na'ko naglalakad na sa kalsada?"  Isang pamilyar na mga linya ang sinabi ng babae.

Upang maagaw ni Noel ang atensyon nito, sinadya nyang mabanga ang babae. Nahulog naman ang berdeng panyo nito. Tuloy-tuloy lang ang babae sa paglalakad. Parang hindi namalayan na may nasagi eto at may nalaglag.

"Miss... miss... nalaglag ang panyo mo" Tinawag ni Noel ang babae. Sabay naman ang pagdating ng humaharurot na bus.

Lumingon ang babae. Kamuntikan etong mahagip ng bus. Mabuti na lamang at napansin neto si Noel.

"Oh may gash... Kamuntikan ako dun... Salamat at tinawag mo ko... " Ika ng babae.

Sabay inabot naman ni Noel ang berdeng panyo.

"Noel? Is that you?" Babae

Silver Bell, silver bell
Dressed in holiday style
In the air
There's a feeling
Of Christmas
Children laughing
People passing
Meeting smile after smile
And on every street corner you'll hear... 

------------------------------
Susunod: Kulay ng Pasko: Berde


Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles