Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Kulay ng Pasko: Pilak (Silver Bell ni Lola) P1

$
0
0
Kulay ng Pasko: Teaser
Kulay ng Pasko: Pula

"Apo.. halika nga dito iho" Tinawag ni Lola ang kanyang paboritong apo na limang taong gulang na si Noel. Nakaupo si Lola  sa kanyang paboritong silyang tumba-tumba habang ang bata naman ay abalang naglalaro ng pogs.

"Ano po yun la? Bakit po?"  Lumapit si Noel at iniwan sandali ang kanyang nilalaro.

"May ibibigay ako sayo. Kunin mo eto iho" Inilabas ni Lola mula sa kanyang bulsa at may iniabot kay Noel. Isang bell na kulay pilak.

"Ano po ito lola?" Pagtataka ni Noel.

"Lagi mong dalhin yan apo, san ka man naroroon. Sa pagsapit ng iyong ika dalawang pu't limang kaarawan, sa twing darating ang kapaskuhan tutunog ang bell na'yan upang bigyan ka nang babala sa anumang panganib na pwedeng mangyari sayo at sa mga taong nasa paligid mo"  Lola

"Ho? Di ko po kayo maintindihan" Tinitigan ni Noel ang hawak nyang bell.

"NOOOOOEEEEEL" 

Isang malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses ang umagaw ng atensyon ni Noel. Ang sigaw ay nagmumula sa kwarto. Napatakbo si Noel at dali daling tinungo ang kwarto upang tumugon sa tumawag sa kanyang pangalan.

"Inay bakit po?" Nang matunton ni Noel ang kwarto. Ang ina nya pala ang tumawag.

"Ang lola mo iniwan na tayo. Patay na ang lola mo Noel"

Hark! how the bells
Sweet silver bells
All seem to say,
Throw cares away.
Christmas is here
Bringing good cheer
To young and old
Meek and the bold


Hanggang sa lumaki si Noel dala-dala nya na ang silver bell ni lola. Kung minsan ginagawa nya etong pendant sa kwintas kung minsan naman ay keychain sa bag upang hindi malimutan ang bilin ng yumaong lola.

Ni minsan ay hindi man lang tumunog ang bell maliban nalang kung nasagi eto o kusang pinatunog.

"Happy birthday to you happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you"

Sumapit ang ika-dalawang pu't limang taong kaarawan ni Noel. December 16. Unang araw ng simbang gabi.

"Noel, bago mo iblow ang candle magwish ka muna" Ika ng kaibigang babae ni Noel na nakiparty sa kanyang silver birthday.

Pumikit si Noel habang sinasambit sa isipan ang kanyang hiling. Isang hiling na matagal nang pinapangarap. Hiling na noon pa man ay dalangin na sa maykapal na sana'y dingin.

"Ting-ting-ting" 

Isang di pang karaniwang tunog ang bumasag sa pagkakapikit ni Noel. Napamulat siya. Sa kanyang pagdilat, isang mukha ang bumulaga sa kanyang harap. Mukha ng isang lalaki na di makilala ang mukha. Nakapulang kamiseta at may suot na kwintas. Tapat na tapat ang mukha ni Noel sa mukha ng lalaking nakita. Dahil sa sobrang lapit, amoy na amoy nya ang masangsang na amoy ng kaharap. Tila nanunuot ang amoy sa buong kalamnan. Naitulak ni Noel ang kanyang kaharap dahil sa sobrang pagkabigla.

"Pare, sayang naman yung cake... natapon. Di mo rin naboblow yung candle" bigkas ng kaibigan ni Noel. Naitulak ni Noel ang cake kasama ang nagliliyab na mga kandila.

"Oh my gash! guys si Mark nabungo while he's driving on his way papunta dito. Malubha daw ang lagay nya sabi ni tita" Nakatangap ng mensahe sa cellphone ang kaibigan nya.

Si Mark ang matalik na kaibigan ni Noel. Magmula highschool si Mark na ang kabody-body ni Noel. Kaya ganun na lamang ang pag-aalala ni Noel sa kaibigan. Ipinagpaliban nalang muna ang kanyang selebrasyon at dali-daling pumunta sa ospital upang alamin ang kalagayan ng kaibigan.

"Noel, wala na si Mark" Ika ng Ina ni Mark na nadatnan sa ospital.

Huli na nang makarating si Noel. Wala na ang kanyang matalik na kaibigan. Di man lang nya eto nakausap. Tanging ang ina lang na nagdadalamhati sa sinapit ng anak ang kanyang nadatnan.

"Tita, ano pong nangyari? hindi maari eto... baka pwede pang gawan ng paraan ng mga doctor" Nagsimula nang umagos ang mga luha sa mga mata ni Noel.

Iling lamang ang sinagot nang naulilang ina.

Pinuntahan ni Noel ang bangkay ng kaibigan. Niyakap ito. Isang masangsang na amoy ang nanuot sa ilong ni Noel. Pamilyar na amoy na tila kanina lang naranasan. Napansin na lamang ni Noel na ang matalik na kaibigan ay nakasuot ng pulang kamiseta. May  hawak etong kwintas na may pendant na isang silver bell.

"Ting-ting-ting"
Ding, dong, ding, dong
That is their song
With joyful ring
All caroling
One seems to hear
Words of good cheer
From ev'rywhere
Filling the air


Itutuloy....

Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles