Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all 63 articles
Browse latest View live

Ang Aking Hiling sa Darating na Pasko

$
0
0
Excited talaga ako sa twing darating ang Pasko. Eto ang aking paboritong okasyon sa isang taon pangalawa lang aking birthday. Iba kasi ang pakiramdam pagmalapit na ang pasko. Positibo ang paligid. Maganda sa mata ang iyong mga nakikita. Ramdam mo ang kasiyahan ng mga tao.  

Marami akong gustong gawin noon bago sumapit ang kapaskuha. Gumagawa pa nga ako ng sarili kong wishlist. Dapat magawa ko yun bago magpasko o sa araw ng pasko. Naglalaan din ako ng budget na panggastos. Malamang ay kayo din. Ganito ang karaniwang inilalagay ko sa Christmas list ko na hinihiling ko kay Santa. Ako rin si Santa ng Pasko ko.


Photo from Google

-Magpapicture sa giant Christmass tree. Noon inaabangan ko yung Christmas Tree sa Araneta Cubao. Ngayon mas maganda at malaki yata yung sa MOA.
-Makakita ng Santa Claus. Hindi namang totoong Santa Claus. Yung naka damit na Santa Claus lang. Tao parin.
-Sumali sa exchange gift o sa demonyito demonyita. Last Year ang ginamit kong code name sa monito monita ay Green Lantern. Favorite cartoon character ko kasi sya. Dahil sa kulay? lol
-Manood ng cartoon na may Christmas them. Mahilig ako manood ng cartoons tulad nang Up, Lorax, Rio, Cars, Kungpu Panda. Pagpasko naman Barbie in the Nutcracker. lol (Naalala ko lang)
-Pumunta sa Luneta. Feel na feel ko kasi ang Christmas sa Luneta pag papalapit na ang pasko. Tapos sabay mahoholdap ka. dyuk.
-Maglakad sa Ayala Avenue. Di ko gusto yung Christmas design ng Ayala Ave. last year. Parang simple lang.
-Magpunta sa Ayala Tringle at manood ng Christmas show. May light show paba dun?
-Mag-dinner kasama ang mga kaibigan. Lalo na yung mga once a year ko lang makita. Reunion kami pagchristmas.
-Manood ng Christmas Carol Competition. Sa UP o sa Luneta meron.
-Magpatugtog ng Christmas Songs. Lalo na sa opis.
-Umattend ng Christmas Party. Kahit sang party basta yayain ako.
-Kumain ng puto bungbong, bibingka atpb.
-Makatanggap ng regalong di mo inasahan. Like picture frame, baso, panyo, notbuk, planner, kalendaryo sa grocery. Ganyan!
-Magpalaro sa mga chikiting sa bahay.
-Magshopping at mamili ng mga regalo para sa pamilya-Hanggat maari ayoko magbigay ng cash sa kanila. O kung magbibigay man ako ng cash may kasamang regalo parin. O kaya naman regalo pero pagbukas mo cash ang laman o kaya ang laman ay love letter, nakalagay "Sorry! Please try again. Next year nalang ang gift ko sayo. Marami ka namang pera e. Lab- kuya". Iba kasi yung feeling kapag may regalo kang natangap kapag pasko. Kahit malaki kana ay gusto mo parin makatanggap diba? Kaya tinitiis ko talagang balutin yung mga regalo ko sa kanila. Tapos ididisplay ko sa Christmas tree at bubuksan lang pagsapit ng 12AM ng December 25. Yey!
-Bumili ng isang bagay na regalo ko saking sarili.

Ganyan ang laman ng Christmas wish list ko noon.

Pero ngayon dahil nasa ibang bansa na ako isa na lang ang magiging Christmas wishlist ko. Yung mga gusto ko kasi noon ay di ko na makukuha ngayon dito. Kaibigan man kita, kapatid, kapamilya, kapuso, reader, follower at tagahanga. dyuk! sana ay pagbigyan nyo ako...

Gusto kong makatanggap ng maraming Christmas picture greetings bago sumapit ang pasko. 

Oo ingetero ako. lol Kahit anong pictures basta may Christmas design. Nandun man yung pic nyo o kahit simpleng words na binati nyo ako ng "Merry Christmas Archieviner.. Ang gwapo mo talaga..". Ganyan. dyuk. O kaya naman magpapicture sa Christmas tree ng  opis nyo o sa Christmas tree sa MOA. Sa Ayala Ave. Yung mga binanggit ko sa taas. lol  Eto na siguro ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ngayong darating na pasko. Ipopost ko sa aking blog na nakalink sa inyong website ang lahat ng  inyong greetings sa December 24, 2012. Ipopost ko din sa aking FB fan page. Sana bago dumating ang pasko ay makatanggap ako sa inyo. Iyan lang ang gusto kong regalo. Ipadala lang sa aking email address sa archieviner@gmail.com ang inyong pic greet. Gusto ko talaga maraming marami. Mga isang daan. lol. 

Ngayon palang ay nagpapasalamat na'ko sa inyo ng marami. 


Sinag, Langit at Gabi

$
0
0
Sa bawat umaga'y may kikinang na sinag
Patunay lamang na mundo'y di pa natitinag
Parang ang buhay, nanatili parin kahit may problemang bumabagabag
At kung gaano man na'to kasakit
Ang Dyos parin ang ating proteksyon sa init



Napatingin ka sa langit
Dahil sa iyong sinapit
Sa patalim sinubukan mo minsan'y kumapit
Bakit di mo subukan na sa Dyos ay lumapit
Lagi Syang nandyan at handa kang yakapin ng mahigpit



Kung sa tingin mo'y madilim ang buhay
Pinadilim ng hindi magandang karanasan
Pinaitim ng kasalanang di malimot-limutan
Tandaan na kapag sumapit ang gabing walang kulay
May Ilaw na liwanag ang sa'yo'y ibibigay



Etong nakaraang araw lang ay nakatanggap ako ng isang balita tungkol sa aking kaibigan. Nakausap ko pa sya noon via phone para batiin ko sya ng maligayang kaarawan. Ngunit may lihim pala syang itinago sa akin. Ang aking kaibigan pala ay nakikipaglaban sa sakit na cancer. 

Ang tula sa itaas ay para sayo kaibigan at sa mga tulad mong nakikipaglaban para mabuhay. Marami pang plano ang Dyos sayo. Magpagaling ka. Magkikita pa tayo. :)

Random 104

$
0
0
Wala akong maipost ngayon dito sa CDA. Kaya magramdom post nalang muna. Updates narin sa nangyayari sa buhay ng inyong prinsipe (minsan hari, minsan prinsipe.lol). Sinamahan ko narin ng mga larawan na kuha ko dito sa New Caledonia. Iyan na ang produkto ng aking pag-aaral ng photography. lol feeling photographer lang. 



Good  News or Bad News?
Failed ang aking pagpapaalam kay boss na hindi na'ko magrerenew ng contract dito sa bansang pinagtatrabahuan ko. Gusto ko na kasing umuwi sa Pinas. Walong bwan lang ang kontrata ko dito. Matatapos sa Enero 2013. Wala pa akong nabalitaan na nakauwi after 8 months. Lahat nang nagbakasyon o umuuwi ay after a year pa. Kaya yun ang lungkot ko kanina dahil masisira ang mga plano kong gagawin  sana pag-uwi. May dalawang events akong hindi madadaluhan kapag di natuloy ang pag-uwi. Ang mas masaklap pa nun ay baka dito pa ako magbirthday. >.< Pero susubukan ko uling magpaalam baka payagan na ako. Palamigin ko lang muna ang ulo ni boss.


Me and Kapatidz Update
Nabasa ng mga ko kapatid yung blog entry ko patungkol sa pang-aapi nila sa kanilang kuya. lol (i-clik ang link sa itaas para makarelate). Matapos nilang mabasa ay nagsibaitan ang mga loko. Lagi akong kinakamusta at madalang nang humungin. May iseshare pa sana akong conversation namin pero  ipunin ko nalang para magkaroon ng part 2. lol


Postcard
Isa pa lang ang nalaman kong nakatanggap na ng postcard na ipinadala ko. Sabay-sabay ko naman pinadala yun. Nahuli lang yung iba na late na nagpadala ng postal address. Sana'y dumating na sa lingong eto. Nagtanong-tanong ako sa mga nagpadala ng snail mail sa Pinas sabi nila umaabot daw ng isang bwuan. Kung minsan pa nga daw ay 2 to 3 months pa. haha. Kung magkataon ay unahan pa yata kaming makauwi sa Pinas. Sa mga nais din makatanggap ng post card inilagay ko na sa tab ng blog na eto kung ano ang mechanics para makatanggap ng postcard.


Photography
Nahihiya akong magpost ng mga kuha kong larawan dito sa aking kastilyo. Kung mapapansin nyo ay neto lang ako nagpost ng mga pictures. Baguhan pa kasi ako sa larangan ng potograpiya. Kung meron po kayong comment o suggestions sa mga kuha kong larawan handa ko po kayong pakinggan. Wiling talaga akong matuto. Ang kamera kong gamit ay Canon EOS 1100D.


Buhay OFW
Tinatamaan na yata ako nang pinaka matinding pagkahomesick dito sa ibang bansa. Dahil narin sa nalalapit na kapaskuhan. First time ko kasing magpapasko sa ibang bansa. Kaya di ko maiwasan maala-ala yung mga pasko kong nagdaan sa Pilipinas. Kaya naman kung makikita nyo ang aking timeline sa twitter ay puro kaemohan ang status. 
Like:
---Christmas songs are not good to hear if you're far from home #HomeSick #BuhayOFW #ImNotGoingHomeThisChristmas
---Yung puro Ayala Triangle ang makikita mo sa FB. #BuhayOFW  #ImNotGoingHomeThisChristmas  
---Far away home & sad songs are not a good combination. Haha.#homeSick #buhayOFW
---Yung namimis mo sya pero di mo alam kung namimis ka nya#BuhayOFW 
---I can feel the sadness everytime I hear christmas songs...#BuhayOFW
---Yung napanood na nang lahat ang Breaking Dawn Part 2 pero ikaw naghihintay nalang ng may madownload. Haha #BuhayOFW



Ipaalala ko narin yung aking hiling sa darating na kapaskuhan. Nais ko makatanggap ng maraming Christmas Picture Greetings. Eto lang ang isa sa magpapasaya sakin sa darating na Pasko. Maraming salamat sa mga nagpadala na. Maraming salamat nadin sa mga magpapadala pa lang. Kahit anong Christmas gretings ay tatanggapin ko. Kahit naughty pa yan. Yung tipong hubad ka tapos nakatago ka lang sa Christmas tree. LOL. dyuk lang. May nagsuggest kasi ng ganun. haha.


Iyan nalang muna ang balita ko. Mag-aalas dose na ng gabi dito. Kailangan ko nang matulog. Until next time.   Sana makapagpost na'ko ng maayos sa susunod kong blog entry. Bon soir >.<


Pagkakataon

$
0
0
Ang pagkakataon ay dumarating sa ating buhay sa di mo inaasahan panahon. Sa di tiyak na oras at lugar. Minsan nandyan na ang pagkakataon pero hindi mo alam na pagkakataon na pala eto. Minsan din ay alam mong pagkakataon na pero pinapalipas mo nalang. 

Marami tayong tinatawag na pagkakataon. Ngunit ang nagbibigay kulay at pagbabago sa ating buhay kadalasan ay yung pagkakataong madalang lang dumating sa atin. Yung minsan lang sa isang taon dumating. Minsan hindi na nga dumarating dahil pinalampas mo na.

Kapag nandyan na ang pagkakataon nakahanda kaba?  Papaano mo eto pinaghahandaan? Hinahayaan mo nalang bang lumipas? Ilang pagkakataon naba ang pinalampas mo? Hahayaan mo bang maagaw na lang ang pagkakataon mo ng iba? Bibigyan mo ba ng pagkakataon ang iba na mapasakanila ang para sayo? Maghihintay ka nalang ba na may dumating pa na muling pagkakataon at sasabihin nalang sa sarili na "Di bale may darating pang katulad nya o mas higit pa sa kanya"? Hihingi kaba sa kanya ng isa pang pagkakataon o pagbibigyan mo ba sya ng isa pa? Papaano kung hindi na dumating ang kasing katulad ng pinalipas mong pagkakataon? Nasa huli ang pagsisi. Sana ay di mo na masabi sa huli ang salitang "Sayang!".

Eclipse
Ika-labing apat ng Nobyembre taong dalawang libo’t labing dalawa (November 14, 2012), visible ang solar eclipse dito sa bansang New Caledonia. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon.

P.S.: Eto'y opinyon lamang ng may-akda.

Buhay OFW sa Beach, Carlo's B-day and Gang Nam Style

$
0
0
Pangatlong beses akong sumama sa Pinoy dito sa New Caledonia upang mag unwind matapos ang nakakastress na trabaho. Pumunta kami sa Voh Beach. Eto ang pinakamalapit na beach sa aming  lugar. Kilala ang Voh Beach  dahil sa Heart of Voh na nafeatured sa Boys Over Flowers or F4 Korean. Ang hugis puso na isla. Malayo sa heart of voh ang aming pinuntahan. Sa Voh Beach ko din nagawa ang isa sa mga 101 things to do ko before ang I die, ang no. 57 "Catch a Fish".


Hindi tulad sa ibang beaches hindi eto white sand. Ngunit maganda ang view at malinis ang dagat. Hindi rin ganun kaalat ang tubig sa dagat. Buhay na buhay din ang dagat dahil sa mga iba't ibang klaseng isda na makukuha dito. Hindi ganun karami ang tao dahil sa kakaunti palang ang populasyon dito sa New Caledonia. Fresh ang lugar at walang polusyon. Tamang tama para sa nature lover na katulad ko.


Babala: Puro Pictures ang inyong makikita.








Igat at magnet fish

Ang dami naming nahuling isda
Oh my shark


Haba ng sword fish
Igat parang ahas lang

Sword fish and shark

Gabi ng Sabado kami pumunta sa beach. Pagkatapos ng trabaho, nagdinner lang then dumiretso na sa beach. Pasaway ako dahil naiwan ako ng sasakyan. Mabuti nalang binalikan at hinintay nila ako dun na sa may gate. Pinilit ko talaga na sasama ako. Nakaset na talaga ang isip ko na sasama ako sa beach sa weekend na'to. 

Ang unang plano ay beerday celebation lang ni Carlo, isa sa kasamahan sa trabaho. Ngunit nagyaya din ang mga Koreano kaya kailangan ko munang sumama sa kanila bago makijoin sa beerday.

Drinking under the stars with Gangnam

Mas singkit pa yata ako
Sumunod nalang kami sa lugar kung nasan nandoon ang ibang kasamang Pinoy pagkauwi ng mga kurimaw. Iisang lugar lang naman ang pinuntahan na beach.
The Birthday Boy!

Ikaw na gwapo!

Carlo and Me
Ganito ang Buhay OFW sa beach.
.


Si panga esti pagi

May octopus pala

Lasing na ako utoy


Makatulog muna

Ang beer sa New Caledonia parang SMB lang

Sa gabi nanghuhuli sila ng crab na sing laki ng isang plato

May nalulunod yata

Si sir Gilbert ang best friend ng mga isda

Pasingtabi sa mga kumakain. dyuk!

Mr. Calendar boy


Oh ha! Lakas lang ng trip


Eto ang famous Heart of Voh na nafeatured sa  Boys Over Flowers. Nung umaga ay pumunta ang mga Koreano. Sasama dapat ako para makita lang eto. Ngunit pagod na'ko at pinili ko nalang magpahinga. Mahaba-habang lakaran pa daw kasi bago mo marating eto.

Photo from Google Search

Iyan na lang muna sa ngayon. Until my next post. Ikaw, kamusta ang weekend mo? 

Cheers!

Kulay ng Pasko: Teaser

$
0
0
Nagising si Noel sa saliw ng musikang tila masayang naglalaro sa kanyang mga tenga. Musika na nagpapaalala ng kahapon. Ang musika ay pinatugtog ng kanyang kasama sa flat.



Sanay na si Noel. Sa kada umaga ba namang ginagawa ng kanyang kasamang OFW sa kanilang kwarto. Ang magpatugtog ng iba't-ibang klase ng musika. Eto na yata ang daily devotion ng kanyang kasama.  Mapaworship songs, pop, minsan panga ay rock songs sa umaga. Ngunit  iba ngayon ang genre ng kanyang naririnig. Ang tunog ay nagdadala ng sakit sa damdamin. Hindi nya eto gusto. Labag sa kanyang pandinig ang mga notang umaaligid sa kanyang gamit sa pandinig. Ayaw nya ng tunog at lyrics ng awiting lumilipad sa hangin patungo sa kanyang malililit at may katulisang tenga.

"Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na.. Sana pag-sapit ng pasko... kayo'y naririto"

Isang tagalog Christmas song ni Brother. Brother ang tawag nya sa kanyang kasama. Nagbalik na naman sa isipin ni Noel ang katotohanan na ngayong darating na Pasko ay sa disyerto sya magdiriwang. First time nya eto. Eto rin naman ang gusto nya, ang malayo sa Pinas sa Araw ng Pasko. Dahil narin sa mga nakaraan na iniiwasan. Nakaraan na tila kasama ng kasalukuyan. Nakaraan na tila naghihintay pa sa hinaharap.

Hindi nagpahalata si Noel sa kasama na nagising sya sa ingay na gawa ng musika. Tumagilid lang sya ng higa paharap sa pader at hindi minumulat ang mga mata. Wari bang nakikinig din sya sa awitin na nang-aakit pakingan.

Hindi nya na maiwasan na mayroon syang naramdaman. Isang kurot. Kurot na nagmumula sa kanyang puso. Naging emosyonal si Noel. Nalala nya ang nagdaang pasko mag-iisang taon na ang nakalipas. Mga Pasko na tila di malimot limot ng panahon. Pasko ng galit. Pasko na sana'y hindi na dumating.

"Patayin mo nga yan? Pinapalungkot mo lang ang sarili mo" Hindi na nakatiis si Noel dahil kung magpatuloy pa ang saliw ng tugtog ay baka tuluyan nang bumugso ang nagbabantang damdamin.Nakahiga at nakaharap parin si Noel sa pader. Ayaw nyang makita ng kasama ang mga lungkot sa kanyang mukha.

"Lapit na pasko tol, December na! di mo ba nararamdaman?... Kahit pa malayo ka.. kahit nasaan ka man..." Pang-aasar ng kaibigan

"Anong pasko? hindi uso yan dito. Sa Pinas lang meron nyan at para sa mga bata lang" Noel, nakatalikod parin na sumagot sa kasama.

"Bakit bata pa naman ako ah. Tsaka magcecelbrate din naman tayo dito. Tayong mga pinoy lang" Hininaan na ni brother ang tunog ng musika para tumigil na rin si Noel at baka humantong na naman ang kanilang usapan sa pag-tatalo.

Bumangon na si Noel. Tinalo ng gravity ng orasan ang bigat ng kasarapan na dala ng higaan. Ayaw nyang malate sa opisina. Tinungo nya ang banyo upang doon maglabas ng sama ng loob.

Habang naglalabas ng sama ng loob narinig nya na naman si Brother na nagpatugtog  ng Christmas song. Rinig kahit sa loob ng banyo.

"Putsa... nang-asar talaga ang ungas" mahinang bigkas ni Noel.

Dahil sa hindi maiwasan na madinig. Hindi narin maiwasan ni Noel na maalala ang kanyang Pasko nung nakaraang taon. Ang mga taong nagbigay kulay ng kanyang Pasko. Ang mga karanasang pumundi sa kislap ng kutitap ng Pasko.

Si Noel isang OFW sa Middle East. Galit sa Pasko.

Kilalanin si Noel kung papaano naging makulay noon ang kanyang madilim na Pasko at kung bakit napundi ang kanyang dating kumukutikutitap na Pasko.

Susunod: Kulay ng Pasko: PULA

Kulay ng Pasko : PULA

$
0
0
Kulay ng Pasko: Part 1

Nasa loob na nang banyo si Noel. Umupo sa inidoro habang ang kanyang kasama naman ay nag-eenjoy sa pakikinig ng musikang pampasko.

"People making lists, buying special gifts, Taking time to be kind to one and all...  hu-hu- hu T.T"  Musikang mula sa labas ng pinto. Dinig parin hanggang sa loob ng banyo.

Dahil sa hindi maiwasan na madinig. Hindi narin maiwasan ni Noel na maalala ang kanyang Pasko nung nakaraang taon.


"Ting! Tong!"

"Ariving at Ayala Station... Paparating napo tayo sa Ayala Station"
Sabi ng automatic voice operator ng MRT na araw-araw na inaabangan ni Noel upang bumaba sa napakaraming at siksikan sa tao.

"Excuse me po.. Bababa ako... May bata, buntis, ulam ko bagoong... matatapon" Mga Alibi ni Noel upang madaling makalabas ng MRT.

Malayo layo pa ang lalakarin ni Noel from Ayala Station patungong BPI Ayala Building sa Ayala corner Paseo De Roxas. Nagmamadali syang pumasok noon sa opisina. Sumasakit kasi ang kanyang tyan.

Hindi nya na alintana kung sino man ang kanyang masasagi habang naglalakad. Kailangan nyang makahanap ng banyo at mairaos ang pighating naradaman mula sa sikmura. Para syang babaeng naglelabor ngayon na namimilipit sa sakit at sa anumang oras ay handa nyang ilabas ang batang makulit.

"Putsa naman.. Bakit ngayon pa" Bigkas ni Noel dahil sa sobrang sakit ng kanyang tyan.

Pinigil nya ang kanyang pagdumi sa sariling bahay dahil baka malate sya sa trabaho. Nasa huli ang pag-sisi ni Noel kaya ngayon ay nakikipagbattle sya at nanghihinayang na sana'y hindi nya ipinagpaliban. Bahay at toilette sa opisina lang sya nadudumi. Hindi nya kayang dumumi sa mga mall at lalong di nya kaya sa mga istasyon ng MRT.

"Good morning ser" Wika ng guard kay Noel pagpasok nya sa entrance ng kanilang building. Hindi na nakasagot si Noel dahil sa meron syang dinadamdam.

Papasara na ang elevator nang bilang hinarang ni Noel. Save by the silver bell. Sa wakas nasa elevator na sya. Pang 25th floor sa BPI Ayala building ang kanyang opisina.

Pagdating ng 25th floor, nagmamadali syang dumako agad sa kanyang office table. Iniwan lang ang dalang gamit at nagmamadaling nagcheck-in na sa Comfort Room nang nasabing floor.

Hindi na sya nakapili pa ng maganda at malinis na cubicle ng banyo. Agad-agad syang pumasok sa unang bukas na cubicle na kanyang nadatnang at umupo sa inidoro ng walang kagatol-gatol. Hindi nya na inantala kung madumi ba ang malaking mangkok na kulay puti.

Joy To The World!

Isang malakas na bigwas ang kanyang pinakawalan mula sa kanyang tyan. Alam nya naman na walang tao. Wala syang napansin kanina bago pagpasok sa CR.  Kaya ganun na lamang ang kanyang pagbira.

“Hay salamat.... umabot din ako” Isang mapagpalang bigkas ni Noel.

Nagpahinga lang sandali.

Iba ang sama ng kanyang tyan. Tila ba isang bulkan na nag-aalburuto na sa ano mang oras ay handa magbulwak ng magma.

"Tak! tak! tak!" Isang yapak na magmumula sa pintuan ng CR. May pumasok....

Naudlot ang kayang binabalak na magpakawala ng intensity level 5. Nanlaki ang kanyang mga mata at kinabahan dahil sa kakaibang tunog na yapak. Tila ba tunog ng sapatos ng babae.

"Syak, nasaCR ba ako ng babae?" Pagtataka ni Noel.

Hindi malaman ang gagawin.

"You better watch out, You better not cry, Better not pout, I'm telling you why, Santa Claus is coming to town"  Isang boses ng babae ang narinig ni Noel na umaawit at mukhang masayang patungo sa kanyang cubicle na kinauupuan.

"Ay may tao" Ika ng babae na sinubukang buksan ang cubicle ni Noel sa pag-aakalang dun makakahome base.

Mula sa pagkakaupo sa puting mangkok, kitang kita ni Noel sa ilalim ng pinto ang dalawang paa ng babae.

"Huwaw! Astig. Si ate kung maka idol kay Santa Claus Wagas. Red shoes? Pati ba naman shoes ay provided na ng BPI. Uniform hanggang paa?"  Mag naglaro sa isip ni Noel sa nakitang naka red shoes with 3 inches high heels si Girl. Lakas makatrending sa Pasko.

Hindi malaman ni Noel kung ano ang kanyang gagawin. Ngunit ang pagkabigla at pagkatakot na baka mapahiya sya kung may makaalam na nasa banyo sya ng babae ay napalitan ng ngiti.  Ngiting aso. Ngiti na may konting pagnanasa. Dahil ang babeng naka red shoes with 3 inches high heels ay sa katabing cubicle nya umupo.

Ang kaninang nanakit na tyan ay napalitan ng kakaibang sensasyon na tila nagbabadyang bumubuhay sa kanyang pagkalalaki.

Naramdam ni Noel ang ginagawa ni Girl. Nagflash muna eto ng niidoro bago umupo.

Sadyang ring bukas ang ilalim ng dinding sa pagitan ni Noel at Girl. Natutukso syang dumungaw sa baba kahit sandali lang upang makita ang paraiso ni Girl. Ngunit naunahan si Noel ng takot. Hangang makontento nalang sa pagpifiesta sa mga legs neto. Makinis at maputi ang binti.

"Jackpot! Thank u Lord for the chicken joy" Sa isip ni Noel.

Mayaya pa ay nagulat si Noel sa  kakaibang ipinapakita ni Girl.

"huh?" Noel

Naghuhubad si girl. Naghuhubad ng red shoes with 3 inches high heels. And.. guess what.. Tumambad sa kanyang mga mata ang hubad na paa ni Girl. Paa na kapansin pansin ang mga kuko. Pusha red ang pintura ng nails. Hindi yata maka-wiwi si girl ng may saplot sa paa.

"Shiiiiiiiiiiiiiiiiiii" Nakarinig si Noel ang lagaslas ng tubig.

Jingle bells, jingle bells... Jingle all the way... Oh, what fun it is to ride...In a one horse open sleigh... hey!

Para bang tunog ng mga tubig na nahulog sa talon na may 25th meter high. Si Girl pala ay umiihi. Umapaw ang bowl at naglawa sa banyo. Kulay red ice tea ang tubig. (Dyuk! Erase... Erase... Fiction lang yung sa ihi. haha. Fiction nga lang pala eto. lol)

Nawala na ang sakit ng tyan ni Noel. Dali dali syang kumuha ng tissue upang magpunas na ng mga excess chaporado na naiwan pa sa pagitan ng malapisngin mamalambot na pet.

Habang abala sya sa pagpupunas...

Tsk! May nalaglag...

"Ay! Miss sorry nalalag ko ang ID ko. Pumunta yata dyan. Pwede mo bang iabot sakin?”

Natigilan sa pagpupunas si Noel at hindi malaman muli ang gagawin. Nagwala ang mga nerves sa kanyang utak. Umakyat ang 16/24 (reduce to the lowest term nga? dyuk!) na dugo sa buong katawan  ni Noel sa kanyang ulo upang makisali sa brain storming na nagaganap sa kanyang isipan.

Hindi sumagot si Noel. Baka kasi mabosesan sya na isa syang lalake.

"Miss" Sambit ulit ni Girl. Natila naghihintay...

Dahil sa hindi sumasagot si Noel... inilawit na ni Girl ang left hand nito sa ilalim ng pagitan nang dingding na gawa sa mahogany red. Parang may kinakapa eto.

“Kita mo nga naman. Kailangan ba talagang terno ang kulay ng nails sa paa sa nails sa kamay. Pero may variety pala ang nails ng kamay nito. Kulay red na may polka dots white. Trending na treding sa Pasko. Christmas with snow” Sa isip lang uli ni Noel

Ngunit mas pumukaw sa kanyang paningin ay ang skin ng babaeng eto. Maputi at pinkyz ang balat. Mas makinis pa sa mga binti nito.

May kakaibang sensasyon na naramdaman si Noel na syang nagpakislot sa parteng ibaba na nagtatago sa malaking mangkok.

“Miss yun ID ko please.. Malelate na kasi ako sa trabaho ko” si Girl ulit

Hindi malaman ni Noel ang gagawin. Magboboses babae ba sya o ibibigay na lang ng ganun ganun lang ang hinihiling nito.

Kinuha ni Noel ang ID at naisip nyang tignan nalang ang name para masearch sa facebook. Kung maganda add agad. Kung di biniyayaan, tignan ang credentials. Pag hindi parin go to her friends list.

"PAULA" Pagkakita ni Noel sa pangalan nito ay iniabot na ang ID.

“Salamat Miss. Thank u talaga “ Girl

Tahimik lang si Noel at di sumasagot para hindi sya mabisto.

Naghihintay parin nang sagot si Girl.

Hindi sumagot si Noel. Inilawit uli ni Girl ang kamay nito sa butas ng dingding.

"Shake hands nalang... ayaw mo sumagot e... May problema kaba Miss baka matulungan kita" Girl

Naalarma si Noel na may halong tuwang naramdaman. Nabuhay muli ang kislot na kanina pa naghuhumindig. Pagkakataon nya nang mahaplos ang makinis na kamay nito. Hindi naman siguro neto malalaman na lalaki ang nasakabilang dingding dahil hindi naman neto makikita ang kamay neto at marami din namang nagsasabi na parang babae sa lambot ang kanyang kamay.

Upang hindi mapahiya si Girl ay kinamayan na rin ni Noel.

Paglapat ng kanilang kamay ay tila may mga kuryenteng dumaloy sa kabuuan ni Noel.

"Ang lambot ng kamay niya. Ang sarap hawakan. Ayoko nang bitiwan pa." Sa isip ni Noel

Mayamaya pa’y inihawak narin ni Noel ang kabilang kamay sa kamay ni Girl. Ngayon ay sapung sapo na ni Noel ang balingkinitang kamay ni Girl.

Ten-tene-nen tene-nen Tene-nen Ten-ten tene-nen tene-nen ten... 
Whenever i see boys and girls selling lanterns on the streets...

"Ahhh.. Miss. May tumatawag sa cp ko" Naring ang cp ni Girl. Nakaramdan ng pagka-awkward si Girl. Agad namang binawi ni Noel ang pagkakahawak neto.

Nagpaalam na si Girl kay Noel. Naramdam din ni Noel na nag-flash na eto at lumabas na ng cubicle.

Tinapos narin ni Noel ang naudlot na pagpupunas. Nakiramdam muna si Noel bago lumabas ng cubicle.

"Tak" Binuksan ni Noel ang pinto ng banyo at lumabas.

"Rudolph the Red-Nosed Reindeer"

Si Brother nagpatugtog parin ng Christmas songs.

Itutuloy!


This Fairy tales is brought to you by emarti, bipiay and dyalibi :)

Happy 1st Anniversary to Balut Manila.

----------------------------------

12 Randoms before Christmas : Random 105

$
0
0
Bye November, Hello December.

Simulan natin ang bwuan ng Pasko sa isang ramdom post.

1. I saw a rainbow just yesterday. Last week nakakita din ako. Twice akong nakakita dito sa NC. It was perfect. It was overcast and dark gray outside. Very rainy looking except for this perfectly huge, big, beautiful rainbow sitting in the sky. Para akong nasa fairy tales. I took a picture of it with my phone. Elementary pa yata ako nung huling kita ko ng rainbow.



New Caledonia; 30 November 2012
New Caledonia; 30 November 2012
New Caledonia, 24 November 2012
2. Ibinalik ko si Chiwerer ang aking royal blue bird na pagala-gala sa'king kastilyo upang guluhin at bwisitin ang mga readers habang nagbabasa. Nangako sya sakin na hindi na sya manggugulo at haharang sa mga lettra sa twing kayo'y magbabasa. Sa katunayan makikita nyo lang sya sa home page ng CDA. Iclick ang Home para makilala si Chiwerer.

3. Thank you Pareng Fiel for the Cool Blogger Award. Makikita ang logo sa ibaba ng kastilyo.



4. Maraming salamat din kay Kuya JonDMur bilang pagbibigay pagkilala sa'kin bilang top comentators. May award din pala ang masipag magcomment. hehe


5. Nagpapasalamat din ako sa isang reader na sumulat sa CDA (archieviner@gmail.com) na nagpahayag na nagugustuhan nya ang mga post ko na puro kalokohan. dyuk. Nakakataba lang ng puso. First time ko makatangap ng ganung sulat. Salamat sayo. Alam kong mababasa mo'to.

6. ZaiJay and Phioxee tagged me for "All I want for Christmas" post. Salamat Zai, Jay at Phioxee. Ipopost ko soon ang aking mga wish list.

7. Ipaalala ko lang Ang Aking Hiling sa Darating na Pasko. Bago po mag December 24, 2012 ang deadline. Ngayon palang ay nagpapasalamat na'ko sa inyong lahat.

8. Lesson learned : Hwag magbubura ng photos sa iyong picasa o google photo. Nakalink eto sa iyong blog. Nagbura ako nung nakaraang linggo. Kaya iyon nabura lahat ng pictures ko sa lahat ng previous post sa blog. Mabuti nalang at naisave ko yung ibang photo. Nag-upload ako ulit starting from 1st photo post. Yung iba di ko na naupload. Kaya kung mapapansin nyo yung ibang post ko ay wala nang pictures. >.<

9. Pumayag na ang boss ko na makauwi ako sa Pilipinas on 1st week of February. Yey! Sa Pinas ako magbirthday, Chinese New Year at Valentine's. Kita kits bloggers. Abangan ang aking nationwide tour. dyuk! Parang artista lang.

10. Abangan ang susunod na Fairy Tales sa Kulay ng Pasko. Kulay berde ang susunod. Sa mga hindi pa nakabasa nang naunang kulay eto ang link:
Kulay ng Pasko: Teaser
Kulay ng Pasko: Pula

11. Kung ang lahat ay nagkacount down para sa nalalapit na Pasko, ako naman ay nagkacountdown para sa 'king pagbabalik bayan.

12. It's officially 23 days before Christmas. (Nakicount down narin).

Until my next post.

Ang inyong kamahalan,



All I Want for Christmas

$
0
0
Thanks to Zai, Jay and Phioxee for tagging me in their "All I want for Christmas" post. 

Nahirapan ako dito. Dami ko kasing iniisip. Una, bakit six lang ang wishes at bakit six din ang itatag na pagpapasahan mo neto? Kailangan bang limitahan lang sa anim? Tapos yung instructions apat lang dapat may pang 5 at 6. Dagdagan ko nga. No. 5 ibigay kay Archieviner ang wishes mo kapag natupad. No. 6 Pwede ka nang mag dedz. dyuk lang.

Yung totoo nahirapan talaga ako. Pag nagwish kasi ako I make sure na attainable. Kaya nag-isip ako ng mga possibleng matupad bago o sa araw ng Pasko. Sabagay wish lang naman. Kung mga pangarap o goals sa buhay ay marami ako at ang target date ko ay hindi lang sa darating na Pasko. Sabagay sabi rin naman sa instruction list 6 things that you want to receive for Christmas. Wala namang year kung kelan. dyuk lang ulit!

Meron narin  akong ginawa na hiling ko sa darating na Pasko. Isa nga lang yung inilagay ko dahil hindi ko alam kung papaano matutupad o magagawa yung mga bagay na gusto ko talaga. 

Ang haba ng intro ko. Eto na nga.

The tag mechanics are simple:

1. Kindly use the same TITLE as well as the FIRST PHOTO that I put here (that blurry picture of a Christmas Tree) <--- Totoo to. Ginuhitan pa oh. Nahiya. dyuk!
2 List 6 things that you want to receive for Christmas.
3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).
4. Send the link, so I could check it out too.


Things that I want to receive for Christmas:

1. CHRISTMAS PICTURE GREETINGS

Iclick ang link para sa Ang Aking Hiling sa Darating na Pasko. Ang dead line ay bago mag December 24, 2012. As of now may tatlo nang nagsubmit. Salamat sa mga nagpadala na. Ganito ang example.

Galing sa aking kaibigan na si Mavic.
Sa mga di pa nagpapadala, surprise me. Gusto ko yung kakaiba. dyuk!

2. TEXT MESSAGES
+687-739353
Asahan mo na busy ang iyong cellphone sa Araw ng Noche Buena. Alam nyo ba na magmula nang napunta ako dito sa ibang bansa ay tatlong beses palang ako nakareceived ng text messages. Bilang ko talaga. Ang calls naman ay twing sweldo lang o kung may sasabihin lang si mama. Ikinalat ko naman ang cellphone number ko. haha.

Kaya etong darating na Pasko sana ay makatanggap ako ng at least 10 text messages. Kung mayaman ka e di twagan mo narin ako. Pero magtxt lang kayo between 11pm ng December 24, 2012 Hanggang 12AM ng December 25, 2012. New Caledonia time. Para counted ang boto nyo. dyuk! Wala palang roaming dito.


3. CHRISTMAS GIFT

Dati ang dami kong natatanggap na regalo bago magpasko. Automic na may matatanggap ako kahit isa kasi ipagpipilitan kong sumali sa mga exchange gift. Tanong ko ngayong taon, Is this my first time na wala akong matanggap na regalo sa araw ng Pasko? Sad!

Kaya naman nilagay ko to sa Christmas wish list ko. Wala akong paki kung picture frame pa yan, panyo, kalendaryo sa hardware o mars mallow na galing sa nakuha mong regalo sa inyong monito monita na something soft. Basta gusto kong makatanggap ng regalo na nakabalot sa Christmas wrapper. Para sa pagsapit ng 12AM ng Pasko ay babatiin ko ang sarili ko. Titingin sa salamin sabay sisigaw ng "Merry Christmas Archieviner". Tingin uli sa salamin. Tignan ang sarili (mga 5 seconds). Sabay tulo ng luha sa left eye. dyuk!


4. TOUR in NOUMEA

Noumea is the Capital of New Caledonia. Igoogle para maniwala. Alam nyo ba na once palang ako nakapunta ng City dito sa NC. Yun yung 1st day ko dito. Nung lumapag ang eroplano galing himpapawid. Hindi rin ako nakapag gala nyun dahil diretso agad kami sa trabaho. Para sa kaalaman ng lahat nasa North Province ako ng New Caledonia mga 5 hrs away from the city. Nasanay ako sa city noon. Kaya nung napunta ako dito ay laking pag-aadjust talaga ang ginawa ko. Walang mall, fast food, wala lahat. Para kang nasa bukid. Pero di naman remote area to.

Kaya sa darating na Pasko sana ay may bus na papuntang city para makapag-gala naman ako. May oras at schedule kasi ang bus dito. Hindi yung basta basta na mamasahe ka lang sa jeep o bus para makapunta ka kung saan. Ganyan ang buhay ko dito.

5. PLANNER

Masasabi kong certified planner or organizer ako pag dating sa carreer. Budget and Planning Officer. Iyan ang mga naging posisyon ko. Kaya naman importante sakin ang planner noon para maisaayos ko ang aking magulong schedule. Pero ngayon parang di na ganun kahalaga sa'kin ang planner. Bahay at opisina lang kasi ang buhay dito. Pero gusto ko parin magkaroon ng planner.

6. Greetings from someone special. Yung nanakit ng puso ko.



Mukhang na-itag na lahat at wala na akong ma-itag. Good luck sa lahat ng wishes natin at Merry Christmas.


10 Tanong ng Prinsipe

$
0
0
Wala lang magawa kaya nag-isip nalang ako nang mga tanong na gusto kong itanong sa inyo. Kung gusto mo ay sagutan mo eto sa comment box ko.  Pwede din sagutan sa iyong blog. Kahit isang tanong lang ang sagutan mo. Tanungin mo rin ako para may pag-isipan naman ako. lol

1.  Gwapo ako. Anong unang pumasok sa isip mo? Yung Totoo. dyuk!

2. Pumikit ka tapos sabihin mo sakin kung ano yung unang bagay na nakita mo pagka dilat mo.

3. Kung bibigyan kita ng piso anong gagawin mo?

4. Kung ikaw si dyalibi, bakit?

5. Pano isolve ang math problem?

6. Gawin nating pet ang ipis papayag ka?

7. Sa tingin mo, anong meron ka na wala ako?

8.  Sa isang eroplano, nakasakay ka. Nandun din ako. Nagcrash eto. Napunta sa isang isla na walang tao at mahirap hanapin. Tayong dalawa lang ang nabuhay sa plane crash. Anong gagawin natin? 

9. Anong paniniwala mo sa pag-ibig?

10. Pasko na, bakit single ka parin? Awwwwooooo!

Good night :D

Kulay ng Pasko: Pilak (Silver Bell ni Lola) P1

$
0
0
Kulay ng Pasko: Teaser
Kulay ng Pasko: Pula

"Apo.. halika nga dito iho" Tinawag ni Lola ang kanyang paboritong apo na limang taong gulang na si Noel. Nakaupo si Lola  sa kanyang paboritong silyang tumba-tumba habang ang bata naman ay abalang naglalaro ng pogs.

"Ano po yun la? Bakit po?"  Lumapit si Noel at iniwan sandali ang kanyang nilalaro.

"May ibibigay ako sayo. Kunin mo eto iho" Inilabas ni Lola mula sa kanyang bulsa at may iniabot kay Noel. Isang bell na kulay pilak.

"Ano po ito lola?" Pagtataka ni Noel.

"Lagi mong dalhin yan apo, san ka man naroroon. Sa pagsapit ng iyong ika dalawang pu't limang kaarawan, sa twing darating ang kapaskuhan tutunog ang bell na'yan upang bigyan ka nang babala sa anumang panganib na pwedeng mangyari sayo at sa mga taong nasa paligid mo"  Lola

"Ho? Di ko po kayo maintindihan" Tinitigan ni Noel ang hawak nyang bell.

"NOOOOOEEEEEL" 

Isang malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses ang umagaw ng atensyon ni Noel. Ang sigaw ay nagmumula sa kwarto. Napatakbo si Noel at dali daling tinungo ang kwarto upang tumugon sa tumawag sa kanyang pangalan.

"Inay bakit po?" Nang matunton ni Noel ang kwarto. Ang ina nya pala ang tumawag.

"Ang lola mo iniwan na tayo. Patay na ang lola mo Noel"

Hark! how the bells
Sweet silver bells
All seem to say,
Throw cares away.
Christmas is here
Bringing good cheer
To young and old
Meek and the bold


Hanggang sa lumaki si Noel dala-dala nya na ang silver bell ni lola. Kung minsan ginagawa nya etong pendant sa kwintas kung minsan naman ay keychain sa bag upang hindi malimutan ang bilin ng yumaong lola.

Ni minsan ay hindi man lang tumunog ang bell maliban nalang kung nasagi eto o kusang pinatunog.

"Happy birthday to you happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you"

Sumapit ang ika-dalawang pu't limang taong kaarawan ni Noel. December 16. Unang araw ng simbang gabi.

"Noel, bago mo iblow ang candle magwish ka muna" Ika ng kaibigang babae ni Noel na nakiparty sa kanyang silver birthday.

Pumikit si Noel habang sinasambit sa isipan ang kanyang hiling. Isang hiling na matagal nang pinapangarap. Hiling na noon pa man ay dalangin na sa maykapal na sana'y dingin.

"Ting-ting-ting" 

Isang di pang karaniwang tunog ang bumasag sa pagkakapikit ni Noel. Napamulat siya. Sa kanyang pagdilat, isang mukha ang bumulaga sa kanyang harap. Mukha ng isang lalaki na di makilala ang mukha. Nakapulang kamiseta at may suot na kwintas. Tapat na tapat ang mukha ni Noel sa mukha ng lalaking nakita. Dahil sa sobrang lapit, amoy na amoy nya ang masangsang na amoy ng kaharap. Tila nanunuot ang amoy sa buong kalamnan. Naitulak ni Noel ang kanyang kaharap dahil sa sobrang pagkabigla.

"Pare, sayang naman yung cake... natapon. Di mo rin naboblow yung candle" bigkas ng kaibigan ni Noel. Naitulak ni Noel ang cake kasama ang nagliliyab na mga kandila.

"Oh my gash! guys si Mark nabungo while he's driving on his way papunta dito. Malubha daw ang lagay nya sabi ni tita" Nakatangap ng mensahe sa cellphone ang kaibigan nya.

Si Mark ang matalik na kaibigan ni Noel. Magmula highschool si Mark na ang kabody-body ni Noel. Kaya ganun na lamang ang pag-aalala ni Noel sa kaibigan. Ipinagpaliban nalang muna ang kanyang selebrasyon at dali-daling pumunta sa ospital upang alamin ang kalagayan ng kaibigan.

"Noel, wala na si Mark" Ika ng Ina ni Mark na nadatnan sa ospital.

Huli na nang makarating si Noel. Wala na ang kanyang matalik na kaibigan. Di man lang nya eto nakausap. Tanging ang ina lang na nagdadalamhati sa sinapit ng anak ang kanyang nadatnan.

"Tita, ano pong nangyari? hindi maari eto... baka pwede pang gawan ng paraan ng mga doctor" Nagsimula nang umagos ang mga luha sa mga mata ni Noel.

Iling lamang ang sinagot nang naulilang ina.

Pinuntahan ni Noel ang bangkay ng kaibigan. Niyakap ito. Isang masangsang na amoy ang nanuot sa ilong ni Noel. Pamilyar na amoy na tila kanina lang naranasan. Napansin na lamang ni Noel na ang matalik na kaibigan ay nakasuot ng pulang kamiseta. May  hawak etong kwintas na may pendant na isang silver bell.

"Ting-ting-ting"
Ding, dong, ding, dong
That is their song
With joyful ring
All caroling
One seems to hear
Words of good cheer
From ev'rywhere
Filling the air


Itutuloy....

Kulay ng Pasko: Pilak (Silver Bell ni Lola) P2

$
0
0
Kulay ng Pasko: Teaser
Kulay ng Pasko: Pula
Kulay ng Pasko: Pilak (Silver Bell ni Lola) P1

Lumipas ang isang araw mag mula nang pumanaw si Mark, ang matalik na kaibigan ni Noel. Hindi parin makapaniwala si Noel sa sinapit ng kaibigan. Dinala na sa probinsya ang bangkay ni Mark upang doon iburol at ililibing. Hindi na nakasabay si Noel papuntang probinsya dahil sa kailangan nyang magpaalam muna sa opisina at magfile ng leave upang makaabsent sa trabaho. Susunod nalang eto sa probinsya para sa lamay  at huling paalam sa kaibigan.

Masakit sa dibdib ni Noel ang pagkawala ng kaibigan. Lalo na sa twing naalala nya ang mga pinagsamahan nilang dalawa.  Ang mga masasayang ala-alang di malimutan. Mga kalokohan at iyakang pinagdaanan. Ang mga problema at pagsubok na nilampasan.

Alas nuwebe ng gabi. Papauwi si Noel galing sa trabaho. Late na sya umuwi dahil sa mga ginawa sa opisina at ayaw nyang makipagsabayan sa dami nang pasahero na nagcocommute at nakikipagsiksikan sa MRT.

Tuliro at wala sa sarili si Noel habang patungo sa MRT galing BPI Ayala Building. May bigat na dinadala.

Nakarating na sa MRT Ayala station si Noel. Kahit sa ganung oras ay marami paring nag-aabang na pasahero para makasakay ng train.


Mga ilang minuto ang lumipas. May paparating nang train.

Pumuwesto na si Noel kung san magbubukas ang pinto ng train. Sya ang unang makakapasok kapag bumukas ang pinto.

"Ting-ting-ting" 

Tumunog ang bell nang dumaan ang train sa harap ni Noel. Train na parang isang malaking ahas na naghahari sa kalsada ng Edsa.

Natigilan sa pagpasok si Noel sa pinto dahil bumungad sa kanya ang mga taong nasa loob ng train na walang ulo. Ang loob ng train ay nagmistulang parang punong puno ng mga kaluluwa. Kuluwang nagsusumigaw at humihingi ng saklolo.

"Boss sasakay kaba? Kung hindi, tabi ka nalang muna...." Sigaw ng lalaking nasa likod ni Noel na naghihintay na umusad sya.

Nilingon lang ni Noel ang lalaki at di nakapagsalita. Nagmadali namang pumasok ang mga pasaherong na sa likod. Hindi man lang pinansin si Noel kung masagi man sya.

Habang unti-unting sumasara ang pinto ng train kitang kita ni Noel ang mga pasahero sa loob na nakatingin sa kanya at parang gustong kumawala sa sasakyan ng kamatayan.

Credit to seattlezombies.com

Mabuti na lamang at nasundan kaagad ang pinalipas na train.

Lulan na si Noel ng train. Isang istasyon palang ang nalagpasan ng train.

"Meron pong aksidente na nangyari sa sinundan nating train. Mangyari po na magsibaba po nalang tayo dahil hanggang dito na lang po ang train." 

"May sumabog daw na bomba sa loob ng train na yun" Pasaherong nakatanggap ng balita sa cellphone.

"Yung kaibigan ko nakasakay sa train na yun" Pasaherong umiiyak. Nagsisimula nang magpanic.

"Mabuti na lamang at hindi tayo nakasakay sa train na yun" Pasaherong nagpapasalamat.

Halo-halo ang emosyon ng mga pasahero sa train kung saan lulan si Noel. Si Noel naman ay tulala lang dahil sa balitang narinig. Naalala nya ang pangitain kanina.

Kasalukuyang lumalabas ng MRT station si Noel nang....

"Riiiiiiinggggggg" Tumunog ang kanyang cellphone. Numero lang ang nasa screen ng cp ni Noel.

"Helo hon, San kana?..... ahhh... ok cge. Eto na'ko naglalakad na sa kalsada?" Isang boses nang babae na hindi nya maintindihan kung ano ang sinasabi. Parang hindi para sa kanya ang tawag.

Nagpatuloy sa paglalakad si Noel patungo sa sakayan ng bus. Pagdating nya sa gilid ng kalsada ng EDSA.

"Ting... ting.. ting" Tumunog muli ang bell nang may nakasalubong syang isang babae na may ka-usap sa cellphone.

" Helo hon, San kana?..... ahhh... ok cge. Eto na'ko naglalakad na sa kalsada?" Ang mga linyang binitawan nito ay parang narinig nya na kanina. Tama, sa kanyang cellphone.

Napako ang tingin ni Noel sa babaeng dumaan. Nakatinginan sila. Sya namang pagdaan ng isang bus na humaharurot sa bilis.

"Ehhhhhhgk. beep beep"

"Kawawa naman yung babae" Mga nakakita sa pangyayari. Ang babae ay nasagasaan ng rumaragasang bus. Bumanda naman ang bus sa isang kotseng kulay pula. Patay din ang pasahero sa kotse.

Hindi malaman ni Noel ang gagawin. Anong ibig sabihin ng kanyang mga nakikita? Bakit tumutunog ang bell at  may pangitain syang makikita? Nagsimula nang magtanong si Noel.

"Riiiiinggggggg" Nagring muli ang telepono ni Noel.

Nag-alangan syang sagutin dahil ang nakita nyang pangalan na tumatawag ay "MARK", ang cellphone number ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. May pagtataka nang sagutin ni Noel ang telepono.

"Tol, Happy birthday" Mark

"Hah? Mark? Birthday?" Noel

"Oo tol, This is Mark. Your best friend and today is your birthday.. By the way, on may na ko papunta sa party mo, Medyo malelate ako. Trapik e. Suot ko pala yung red shirth na bigay mo para parang birthday ko narin. See you later tol" Mark

Pagkababa ng telepono, napansin ni Noel na kumislap ang bell. Naalala nya bigla ang kanyang lola. Ang mga sinabi neto noong ibinigay sa kanya ang pilak na kampana.

"Sa pagsapit ng iyong ika dalawang pu't limang kaarawan, sa twing darating ang kapaskuhan tutunog ang bell na'yan upang bigyan ka nang babala sa anumang panganib na pwedeng mangyari sayo at sa mga taong nasa paligid mo.... bibigyan ka nito ng pagkakataon na ibalik ka sa araw kung kailan tumunog ang bell upang maligtas mo sila." Ang mga katagang sinabi Lola kay Noel.

Kinuha ang telepono at tinawagan ang kaibigan.

"Tol, Mark, nasan kana?" Noel

"Dito palang sa Ayala.. bakit? Mark

"Anong sasakyan ang gamit mo? Noel

"Yung red na kotse ko bakit?" Mark

"Hwag kang dumaan ng EDSA. Magkita tayo sa Greenbelt hintayin kita dun" Noel

"Ha? bakit? O sige punta na ko sa green belt" Mark

Agad na sumakay ng taxi si Noel papunta sa lugar ng tagpuan nilang magkaibigan.

Nangmakarating sa Greenbelt si Noel sya naman ding dating ni Mark.

"Buhay ka tol" Noel sabay niyakap si Mark.

"Oo, naman buhay na buhay ako..... Ang weird mo tol ah. At bakit mo pa ako pinapunta dito?" Yung mga bisita mo sa party kanina pa kaya naghihintay." Mark

"Mamaya ko ipapaliwanag sayo, kailangang ihatid mo muna ako sa MRT Ayala Station" Noel

"O sige, tara na" Mark

Nang makarating sila sa  Ayala agad namang tumungo si Noel sa security at sinabing mayroong bomba sa train na paparating. Nag panik ang mga tao nang malaman ang balita. Agad namang naghanap ng bomba ang mga security guards at pinatigil muna ang transaction sa MRT upang maiwasan pa ang pagdami nang mga tao sa train.

Hinuli ng guard si Noel kasama ang kaibigan dahil sa pagdududa na baka gumagawa lang si eto ng storya. Agad namang napatunayan na meroon nga talagang bomba. Nagpasalamat pa sila kay Noel at pinalaya na kasama ang kaibigan.

Pinaliwanag ni Noel sa kabigan ang nangyayari. Naguguluhan parin ang kaibigan. Hindi nito maintindihan si Noel. Hindi man eto naniniwala pero sinunod parin nito ang kaibigan.

Habang lulan ng sasakyan ni Mark si Noel. Nagpababa eto sa MRT Buendia Station nang makita ang isang babae.

 May kausap eto sa telepono.

" Helo hon, San kana?..... ahhh... ok cge. Eto na'ko naglalakad na sa kalsada?"  Isang pamilyar na mga linya ang sinabi ng babae.

Upang maagaw ni Noel ang atensyon nito, sinadya nyang mabanga ang babae. Nahulog naman ang berdeng panyo nito. Tuloy-tuloy lang ang babae sa paglalakad. Parang hindi namalayan na may nasagi eto at may nalaglag.

"Miss... miss... nalaglag ang panyo mo" Tinawag ni Noel ang babae. Sabay naman ang pagdating ng humaharurot na bus.

Lumingon ang babae. Kamuntikan etong mahagip ng bus. Mabuti na lamang at napansin neto si Noel.

"Oh may gash... Kamuntikan ako dun... Salamat at tinawag mo ko... " Ika ng babae.

Sabay inabot naman ni Noel ang berdeng panyo.

"Noel? Is that you?" Babae

Silver Bell, silver bell
Dressed in holiday style
In the air
There's a feeling
Of Christmas
Children laughing
People passing
Meeting smile after smile
And on every street corner you'll hear... 

------------------------------
Susunod: Kulay ng Pasko: Berde

Survey 101

$
0
0

1. How do you like my blog?


2. Si Archieviner ay _____?




Kung meron kang suhestyon o ibang kapakipakinabang na naiisip (para sa ikauunlad ng bayan. dyuk) pakilagay lang po sa comment box ko.

Maraming salamat. Mahal ko kayong lahat :)

Project Piso Para sa Pasko, Munting Alay ng mga Blogero

$
0
0
Kala ko noon ang pagbablog ay medium ko lang to express myself. Para maishare ko ang mga kalokohan  ko dito. dyuk! Para makapagpasaya ng iba. Ang totoo nyan ay nahohomoesick ako noon. Nakita ko na isang paraan ang pagbablog para maibsan ang pagkamis sa ating bayan. Anong konek? Ano tong pinagsasabi ko? dyuk na naman!

Hanggang sa nakikilala ko kayo, kapwa ko blogero. (shak! hindi ako sanay, ang seryoso). Yung totoo, hindi 'to dyuk ah. Nakakatuwa kasi kayong makilala. Mainspire at matuto sa mga post nyo. Higit sa lahat ay mas nakilala ko pa ang sarili ko.

Ang haba ng intro ko ah. Eto na nga. Bakit ba "Project Piso Para sa Pasko, Munting Alay ng mga Blogero" ang title? Gracie sagutin mo yan. dyuk! Nagsimula ba'to sa Project Piso ni Super M at sa trending na All I want for Christmas dahil sa mga hiling na makatulong sa iba. Naglabasan ang mga may mabubuting puso na tulad ko. dyuk ulit! Lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko.

May pahintulot ni Super M na gamitin ko ang larawang eto.
Kahapon 12-12-12, nagmessage sakin si Gracie nakahanap na daw si Arline ng Orphanage para sa pwedeng tulungan sa darating na Pasko. Sa White Cross Children's Home. Naexcite ako.

Naisip namin na gumawa ng proyekto ang mga blogerong tulad natin. Proyekto na makakatulong sa iba. Proyektong maykabuluhan at hindi dyuk. lol Kung magiging matagumpay ay uulitin natin eto next year. Para magkaroon din tayo ng yearly gathering. 12-12-12 ang magiging anniversary. Yey! Pinilit ko talaga. lol. Diba masaya. Masaya dahil makakatulong tayo. Ang galing din kasi nagsimula sa pagbablog hanggang sa eto na nga isang malaking korporasyon. dyuk!

Actually hindi pa final ang proyektong ito. Nasa idea palang tayo. Kaya kailangan namin ang inyong matatabang utak. Magshare ng idea:
1. Name. Project Piso, marami nang may ganyang name diba? May naiisip kaba?
2. Paano pa ba makakatulong? May naiisip kaba kung papano maisasakatuparan ang proyektong eto?

Eto ang mga idea na naiisip namin.
1. Syempre kailangan natin ng volunteers.Maaring magvolunteer. Kayo yung pupunta sa orphanage kasama ang ibang bloggers. Kwentuhan ang mga bata, laruin, pasiyahin, wag paiyakin.
2. Magdonate ng mga goods, delata, cloths, candies, laruan. atpb.
3. Magdonate ng kayaman. Tulad ko dahil nasa malayo kaya cash ang idodonate ko.
4. Fun run. Masaya na, makakalikom pa tayo ng fund. Promise pagnatupad to tatakbo din ako dito sa NC kahit mag-isa lang ako. lol
5. Naisip din namin na gumawa ng t-shirt. Sino magaling magdesign?

Sabi ko sa sarili ko noon, hindi pa panahon na tumulong ako sa iba kung hindi ko pa kayang tulungan ang sarili ko at ang sarili kong pamilya. Pero mali pala ako, ang pagtulong pala ay walang pinipiling panahon at lugar.

Kaya i support "Project Piso Para sa Pasko, Munting Alay ng mga Blogero" Sali Na.

Para sa ibang suhestyon at katanungan mag-iwan lamang ng komento sa ibaba.

Anong reaksyon mo? 

SMP Blog Award

$
0
0
Thank You to Ms. Maria,  The Super Wander Girl for tagging me in her Super Mr. Pogi Award. dyuk! Salamat kila Ms. Gracie of Gracie's Network, Mr. Anthony of Free to Play at Mr. Rix ng Kwentong Baliw ng isang Rixophrenic na nagtag din sakin. Thank you guys :)

MR

The rules are pretty simple:
  • Answer the questions below.
  • Choose your Super Mr. Popular and Super Miss Popular who you want to give this award. (Maximum of 15 people)
  • Copy the provided question below or you may create a new question you want to ask them.
  • Don't forget to send me the link of your post so i can see it too. ^_^
Here are the questions:

1. Your life is going to become a script for a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you?
-Local, si Papa P. (Piolo Pascual). Foreign, si Joseph Gordon-Levitt.

2. You get to become a villain for a day from a Disney movie. Which villain are you?
-Naghirapan ako dito. Mahilig ako sa cartoons pero di ko tanda ang mga pangalan ng mga kontrabida na yan. Kaya nagresearch muna ako. Counted ba ang Pixar? Kung kasali, si Chick Hicks akaThe Runner-Up of Cars.  He has the reputation of not racing fairly, being perfectly willing to cheat in order to win or at least make second place. Di ba lakas makadaya? Dami kong natutunan sa kanya. Paborito ko rin ang Cars. Kung Disney talaga, ang nagustuhan ko ay si Hades. He is immortal, and has authority over the dead. Di ba lakas nya. Lakas maka goddess. lol

3. Aside from family, what's your greatest accomplishment in life?
Ano nga ba? Para sakin kasi ang mabuhay ako everyday ay greatest accomplishment ko na. Yung ganun na makasurvive ka lang sa paghinga mo sa pagtulog tapos nagising ka kinabukasan. Yey! Buhay ako. Thank You Lord. Just kidding. Kung aside from family, yung naging CPA ako.

4. In your own views, what's the spirit of Christmas?
Christmas is love. What is Christmas if you're away from home? Naisip ko lang. lol

Huli na naman ako sa post na'to kaya wala na naman akong maitag. Ang itatag ko nalang ay ikaw na nakabasa nito. Isa lang ang tanong ko sayo. Pwede mo din sagutan nalang dito sa comment box sa baba.

Tanong:
Kung papalitan mo ang ibig sabihin ng SMP, ano eto?

Example: 
Samahan ng Magaganda't Pogi


Kulay ng Pasko: Blog Contest

$
0
0
Si Noel ay nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik at pagsubaybay sa kanyang Kulay ng Pasko. Bilang pagsasalamat hando ng inyong hari ang isang patimpalak.

Sagutin lamang ang tanong na eto. 

Ano ang Kulay ng iyong Pasko at Bakit?

May dalawang mananalo. Ang isa ay pipiliin via random.org sa ganap na ika-12 ng umaga sa araw ng Disyember 25, 2012. Ang isa naman ay pipiliin ko base sa ganda ng iyong sagot sa tanong. Walang limit ang bilang ng mga salita.

Iemail ang inyong sagot sa archieviner@gmail.com o ipadala via Direct Message sa aking twitter or FB account. Hindi valid ang entry mo kung dito ka sa comment box sumagot. Mag-iwan din ng comment dito na sumali ka sa patimpalak.

Sa December 24, 2012 ang deadline ng entry.

Malalaman ang mga nagwagi sa December 26, 2012. Kung hindi pa end of the world. lol

Ang mananalo ay mamimeet ako in person. Iyun lang. dyuk! Yung dalawang mananalo ay makakasama ko at ililibre ko ng Ride all you can sa Engchanted Kingdom o sa Star City or Eat all you can pag-uwi ko sa Pilipinas. Mamili ka lang ng isa dyan. Dapat ay nasa Manila ka pag-uwi ko. Ang totoo nyan ay naghahanap lang talaga ako ng kasama. whahaha.

Kung ikaw ay isang OFW o nasa ibang bansa o lugar, maari mong itransfer ang iyong premo sa napili mong blogger kung sakali mang ikaw ang manalo.

Sali na ang get a chance to meet me in person. dyuk!

Good luck at Maligayang Pasko!

Random 106 before Christmas

$
0
0
I. PBO Updates

Kung natatandaan nyo ang aking previous post regarding Project Piso Para sa Pasko, Munting Alay ng mga Blogero ngayon ay officially PBO o Pinoy Blogger Outreach na ang pangalan ng grupo.

Unofficial logo of PBO.

Let's start  our New Year 2013 by helping others. Yey!

Meron nang confirmed date para sa ating unang proyekto. The 1st PBO project will launch on 08 January 2012 from  2:30PM until 4:30PM in White Cross Children's Home, San Juan. Ang ating unang proyekto ay tulungan ang mga bata sa nasabing orphanage. 

We created a FB Group para sa mas madaling interaksyon ng grupo. Kung nais mo sumali sa FB Group upang madaling makapagsuggest, magtanong at makatanggap ng updates iclick lang eto --> PBO on Facebook at magjoin.

Para sa iba pa ring updates narito ang MOM ng PBO officer:
PBORef.No.2012-01
PBORef.No.2012-02

Kung nais mong maging bahagi ng team, mag volunteer, mag donate ng cash o goods ipaalam lang po o  mag email sa archieviner@gmail.com.

Maraming salamat. Ipanalangin po natin na maging matagumpay eto at magtuloy-tuloy ng marami pang taon. Isang beses sa isang taon gagawin eto ng mga blogerong tulad natin.

Related Post from other bloggers:
PBO ... of Super Mario
Handog ng Pinoy Bloggers ni Rix

-----------------------------
II. Ang Aking Hiling sa Darating na Pasko

It's 3 days before Christmas. May 3 days ka parin upang tuparin Aking Hiling sa Darating na Pasko. Magpadala lang Christmas Picture Greetings. Sa mga nagpadala na ng kanilang greetings maraming salamat. Sa mga magpapadala palang thank you din.

Maraming salamat sa inyo. Abangan nyo sa araw ng Pasko kung gano nyo ako napasaya.

-----------------------------
III. Kulay ng Pasko: Blog Contest

Sali na sa unang patimpalak ng inyong hari. Sagutin lang ang tanong na eto: "Ano ang Kulay ng iyong Pasko at bakit?" and get a chance to win a Ride All You Can ticket in Enchanted Kingdom or Star City or Eat All You Can sa isang resto sa Metro Manila. Ipadala ang inyong sagot sa archieviner@gmail.com. Deadline of entry is on 24 December 2012. Para sa iba pang detalye basahin ang  Kulay ng Pasko: Blog Contest.  

-----------------------------
IV. All I want for Christmas

I waived my #2 All I want for Christmas wishlist. Eto ay ang makatanggap ng Christmas Text Greetings sa aking cp no.+687-739353 sa oras ng Noche Buena. Dahil sa napag-alaman kong hindi pala nakakatanggap ng txt messages galing sa Pilipinas ang mobile network na gamit ko.  Maliban na lamang kung globe user ka. Globe lang kasi ang supported ng  mobile network provider dito. Kung globe ka pwede mo parin ako itxt. In lieu sa wishlist na eto, sagutin mo nalang ang tanong sa aking Blog Contest kahit hindi ka qualified. :)

-----------------------------
Ang tagal kong hindi nakapagblog at nakakabisita sa inyong blogsite. Hwag magtampo medyo busy lang at may mga ibang bagay na dapat isauna ang inyong hari. Ang dami ko ring draft na hindi ko pa matapos-tapos. Hintayin nyo lang ang pagbabalik ko pagkatapos ng holidays.

Happy Holidays!

My First Christmas Party This Year 2012

$
0
0
This year Black-Out ang theme ng Christmas Party namin. Sabi ko sa kanila Cosplay nga e. Last year kasi Hawaian. Effort lang diba?

Once in a blue moon lang kami nagkikita-kita kaya hindi pwedeng umabsent kahit anong busy mo pa sa trabaho o kahit nasan ka man. Kailangan mong isingit eto sa busy mong skedule ngayong Disyembre.

Akala nyo kayo lang ang may Christmas Party ah. Meron din naman ako.

All photos are credited to Axl Powerhouse Production Inc.

KM, Fe, Irene, Axl, Clou, Jay and Me
Asan ang Black-Out theme? Ako lang yata nag-effort. Nagblack talaga ako. Sana Cosplay nalang ang theme para as is silang lahat. dyuk!

Ayun ako. Langya di pa binuo ang mukha ko :(
Yep this is my 1st online Christmas Party and my only Christmas Party with my friends this year. Wala kaming Christmas Party dito sa NC.

Ang tagal nilang magsidating. Kamusta naman ako. Anong oras nako makakatulog nyan at may pasok pa ako bukas. Pero nagsakripisyo muna ako para makasama lang sila. Sayang lang at ang hina ng signal ng wifi nila. Sabi ko rin sa kanila na sandali lang ako mag-online dahil baka maiyak lang ako.... sa ingit. hehe

With me kausap ni Jay over the phone.
Syempre may picture ako with them isa-isa.

Me & Axl

Me & Fe

KM & Me

Me & Irene

Me & Clou

Me & Best bud Jay
Grabe sila no? Parang pumanaw naman ako. dyuk!

Tradisyon na namin ang magbigayan ng regalo sa twing Christmas Party. 

Ang effort sa gift wraft. hmmm pangit ang laman nyan clou. :P


Malaking Photo Album bayan?

Ay galante ang nagbigay

Whahaha. Kawawang Irene. Ayokong makakatanggap ng gift cert. Problema ko pa yan kung anong bibilin ko. Minsan pa nga mapapagastos pako dahil kailangan ko pang mag-add sa item na binili ko. :P

Axl anong laman nyan?

 At ang nakuha ko ay....
Pinik! Lanya o pa kaya yan pag-uwi ko?
Sayang lang at hindi nakasama ang iba. Kulang pa yan. Ang ibang boys ay hindi nakarating dahil sa may kailangan pa daw tapusin sa opisina.

Ang saya-saya nila dahil libre ko ang food :'(
Next year sana ay makasama na'ko sa kanila. Sana rin ay kumpleto na kami.

Maligayang Pasko sa inyong lahat! 


All Star Friends & Bloggers

$
0
0
This year is my most memorable Christmas so far. Sino ba naman ang makakalimot na magpasko nang malayo sa ating bayan. I will never forget this first Christmas away from home (umenglish lang. lol). Oo malungkot nga at nakakahomesick. Di mo maiiwasana na maisip kung ano ba ang itsura ng Pinas  ngayong pasko. Kung ano ba ang ginagawa ng mga kaibigan at pamilya mo sa ating bayan ngayong season na'to. Yung mga ganung bagay na nakasanayan mo nang ginagawa taon-taon tapos ngayon bigla nalang naiba.Christmas shopping, christmas gifts, christmas carols etc. Pero may Christmas naman dito. Christmas day. dyuk!

Pero sabi ko sa sarili ko lilipas din ang season na'to. Hindi naman araw-araw na ganito. Ang mahirap lang ay matagal tayo sa Pilipinas magdiwang ng Pasko. Kaya Septyembre pa lang ay kailangan mo nang tiisin ang pagkahomesick na kalaban talaga ng mga OFWng tulad ko.

Ang pagkalungkot at homesickness ay hindi tunay na diwa ng Pasko. Kaya naman kailangan na maging positibo tayo. Ienjoy nalang ang kapaskuhan kahit isang guhit nang saya. Inisip ko nalang kung maiyak man ako, ang luha ay pampalinis ng mata. Mga ganun. O kaya kung malungkot ako isipin nalang na normal ka. Yey! hindi ako baliw. whahaha. huhuhu. hohohoo. Tawa-iyak-tawa-iyak. Ganyan lang ang buhay. 

Sa kaibigan at pamilya, masaya sila kung makapagshare ka o makapagbigay nang regalo. Diba masaya kung may napapasaya kang iba. Kahit di ka nila kasama physically, nandun naman ang prenence mo. Parang multo lang. lol

Kaya naman umisip ako nang paraan para maibsan etong lungkot na nararamdaman ko. Salamat dahil hindi nyo ipinagkait ang hiling ko para mabigyan ako nang ngiti ngayong araw nang pasko. Salamat sa inyong picture greetings. Hindi eto matutupad kung hindi dahil sa inyo. Bawat araw sa twing may mensahe akong natatanggap at picture mo ang makikita ko talaga namang gumaganda ang araw ko. Wala akong masabi kung hindi salamat sayo. Kung idedefine ko kung ano ang Pasko ko ngayong taon, makulay ang description ko. Mapaitim, puti o rainbow. Ganyan. lol

Salamat dahil kayo ang nagbigay nang kulay ng pasko ko.  
Kayo ang Star ng Pasko ko.
Makulay na Pasko sa inyong lahat!

Galing sa kaibigan na si Mavic na lagi akong kinakamusta dito. Alam nya yata kung kelan ako nalulungkot. Sa twing nalulungkot kasi ako biglang may chat or twit akong matatanggap galing sa kanya. Kaya yun homesick erase agad.

Salamat Mavic. Isa kang tunay kong kaibigan.

One of my best bud Jay. 
Eto naman ay tunay ko ring kaibigan. Maraming akong problemang hinarapan na katulong ko si Jay. Salamat Bro, akin nalang yun jacket mo. lol

Galing sa aking kaibigan na si KM.Namiss ko sya with our group. Kinareer talaga nya ang hawaian theme last year Christmas Party namin.  Salamat KM.  Ang legs ah. Wagas! ahihi

Galing sa aking Tita Anna with Santa Claus and ate na nakasilip sa likod. lol
Representing my family sa Pinas. Maraming salamat Tita. We love u all. Pakisabi nalang sa bahay. dyuk!


Ang susunod na mga picture greetings ay hindi pangkaraniwan. Hindi pangkaraniwan dahil galing sa mga blogerong talaga naman nag-effort para pasiyahin ako.  Maraming salamat guys (with tulo ng luha sa left eye T.T sabi ni Zai e.) 

Representing Philippines in no particular order (Taas kamay at kaway-kaway ah) :

Maraming Salamat Parekoy Anthony of  Free to Play sa makulay ng greetings. Ginutom mo din ako. hehe


Salamat sa Santa laptop ni sir Ric ng LifeNCanvas at Kartun Netbuk

Anong sabi ni Bino? "Merry Christmas Arvin"
Hanapin si Donald Duck.
Salamat Idol Bino ng Damuhan. Salamat din sa video call kahit hindi ko nasagot naappreciate ko yun. hohoho

Salamat Super M of unplog.com 
Para sakin ba yang regalong hawak mo. Yey! Hulaan ko laman nyan. Piso! dyuk! 
December 26, 2012 PBO officers meeting resume. Noted sir! #UnpluggingLang

From the Yew! to the Haw!!! 
Hanapin natin kung nasan si Theo. hehe. 
Thank you Theo of Theo's Casanova. Napakacreative diba?

Anong lenguahe iyan? Ganda naman ng Christmas tree nato. Thanks :)


Dinoodle ako ni Cheenee ng walang kapalag-palag. lol 
Salamat Cheenee ng Kwentong Palaka

Ikaw ba gumawa nito sis? Huwaw sa galing. clap clap.
Maraming salamat Ms. JLo ng Pagguhit ng mga Salita. May talent ka talaga.

Mula kay Santa Zai of Zai moonchild with baby Santa Nino. 
Parang pwedeng ilagay sa garden si Santa Nino na yan with Snow White. Hohoho
Maraming salamat Zai.

Mula kay Ms. Anney with her cute model chikiting. Ang cucute diba? Galing ng mga model nya. Nakakagood vibes eto tignan mo lang.

Thank You Ms. Anney ng Blog ni Ako

Kuha nya daw eto sa dyalibi. yey! Ganda pala ng sulat mo bro.
Maraming salamat Jhiegzh ng Opinyoneyted

Maraming salamat Ms. Lala ng Captured Realities
Yey! May isa na'kong fan :P

I received a txt greeting from Ms. Talinggaw last night. Natuwa ako sa txt mo sis, magtutwelve AM na nyun dito pero wala pakong natatanggap ni isang txt hanggang biglang toot tooot! Ayun pasok sa Christmas banga ang txt message mo. Maraming salamat sis.

Salamat Ms. Talinggaw ng I am Talinggaw

Maraming salamat teh Rix. Naappreciate ko naman na sa lahat ng pic greet na pinadala mo sa mga bloggers ay ang pic greet ko lang ang may mukha mo. Magandang panakot to. dyuk! :)

Inilagay nya daw sa diary nya ang Christmas Pic Greet ko. Sige na nga. 
Pero mas napansin ko yung Ms. USA sa taas. lol
Salamat Stefanloco

Maraming Salamat Parekoy Fiel ng Fiel-kun's Thoughts at Fiel's Anything Goes Corner

Maraming Salamat Ms. Joanne ng Joanne's Blog
Dahil nagtxt ka kanina habang ginagawa ko to, gagandahan ko ang comment dito. 
Effort sa pag-upo. Yun lang. dyuk! 
Pwede mo ba akong ikuha ng stuff toys dyan sa Christmas tree? ahihi hohoho


From Santa Hash Purcia with Santo Nino sa likod ng Hash Coffee Table Book.

From Santa Arline ng The Pink Line
Salamat sa mini cake. Pero ikaw din ang kakain nyan e. T.T 

Galing sa Santa BFF. Thanks Arline and Hash :)

Pic Greet with Christmas message na may kasamang hingal daw galing kay Ms. Balut ng Balut ManilaThe Lucky Blog at Run! and Keep on Running.
Maraming salamat Ms. B. Perfect na perfect karin sa Christmas tree na yan.


si 
ay
POGI

Parang gusto kong tulungan yung dalawang reindeer na humihila kay Santa Claus. ahihi hohoho
Salamat sa iyong Christmas message for me :)

Salamat Ms. Maria aka Super Wander Girl ng Maria's Wanderland

Salamat Pareng Gord ng Crumpled Papel 
Para namang akong itlog ng ipis nyan o kaya butterfly paglaki. dyuk! huhuhu T.T

Uy bawal ang erasure! Dahil dyan zero ang grade mo. dyuk! ahihi hohoho

Mula kay Mr. Universe este sa Kalawakan ni Pao Kun ng To infinity & Beyond Pangkalawakan!
Maraming salamat parekoy. 
Binibilang ko kung ilan ang pangalan ko dito sa greetings mo. Dalawa lang talaga. T.T 
Oy daming pink color


Bago magpatuloy ipikit nyo muna ang inyong mga mata. Ako lang dapat ang makakita dito. dyuk!

Sino ba naman ang hindi mapapa Wowderer dito. Bukod sa napaka ganda't sexyng si Ms. Phioxee, napalaki din ng ARCHIEVINER. Sukatin natin. Mga dalawa't kalahating bond paper. Yey! clap clap dito!

The smile makes me melted. Ayiii Salamat Ms. Phioxee. 
Alam mo ba buong araw abot tenga ang ngiti ko dahil sa pic greet mo na'to. 
Amafeel so lucky. ahihi. hohoho

Si ate sa right side wagas pumose oh. Icrop yan. Sya lang dapat. dyuk!
Maraming salamat Ms. Phioxee ng Wanderer


Ang mga susunod na Picture Greetings ay nagmula pa sa iba't-ibang sulok ng mundo. Sila din ang dahilan kung bakit nanatili pa ako dito sa ibang bansa. Kapag nakikita ko kasi sila o nababasa ang blog nila napifeel ko na hindi lang ako nag-iisa. Meron akong kasamang mga OFW na nakikipagsalaran sa ibang bansa. May kasamang nakikipaglaban sa dagok ng kalungkutan at kahomesickan. Hinahangaan ko'tong kapwa ko OFW Blogger. Magkakalayo man kami ay parang malapit din dahil sa blogspot.com. dyuk! 

Now reprensenting Hungary (Taas kamay- wave wave):
Sa Hungary ba eto Pareng Cyron? 
Ang ganda pala dyan. You have many things to be happy diba?. Kung alam mo lang ay napaswerte mo dahil sa bansang naroon ka. Kaya wag nang malungkot ah. *Akbay sa balikat* eto oh babae matutupad na ang Christmas wish mo. dyuk!
Boldog Karácsonyt Cyron a iKwento


Naniniwala na'kong pinagpuyatan mo 'to sis Gracie. Iyun na kasi ang araw oh. Inumaga kana. dyuk!
Alam kong narinig mo ang malungkot kong boses kagabi. T.T Maraming salamat sa iyong tawag. Pasok sa din Christmas banga ang tawag mo na mula pa sa Norway. lol
Merry Christmas Gracie av Gracie's Network

Saan ba ang gift ko dyan Ms. Lili. Ganda naman ng bahay nyo sa Frederick, Maryland. I wish na makapunta ako dyan.
Merry Christmas  to you and to your family Ms. Lili of Thinking Out Loud


Dear Doctor Love este JonDmur, 
Alam kong walang pasko dyan sa KSA. Isa ka rin sa mga nalulungkot sa twing darating ang Pasko pero sabi ko nga di ka nag-iisa. Marami tayong Pinoy sa ibang bansa. Merry parin tayo this Christmas diba.
Nagmamahal, Gasolina. dyuk!
عيد ميلاد سعيد JonDmur

From Santa Joy of Norway. 
Hinahanap ko yung name ko sa mga chololate. Wala pala. Ahihi hohoho
Salamat Madame Joy na nagpapaalala samin sa twing kami'y nalulungkot. 
God bless U Ms. Joy.
Merry Christmas Madame Joy av Will you hear from me? og Joy's Notepad

This is a very special Christmas greeting form Ms. Leah na mula pa sa US.
Thank you sis Leah. I feel so very special. ahihi hohoho.
Yung Christmas ball humarang sa Merry Christmas. Yan tuloy di nako Merry. dyuk!
Merry Christmas Ms. Leah of Travel Quest

Maraming salamat Daddy Jay and Baby Caleb of Thoughts of Journeying Jay

Thank you sa burger este sa Book "A Man Named Dave" hmmm...
Can't wait to read this. Bukod dyan mas gusto ko ring makilala ang "A Man Named Jay". 
Sa blog mo palang natatouch nako pano pa kaya kung mas makilala ko pa ang life mo.
Maligayang Pasko dyan sa KSA.

Maraming salamat Guys! Sinikap ko talagang magbigay ng komento sa bawat pic greetings nyo. Dapat ba di na? lol Pasensya na. ahihi hohoho. Sobrang napasaya nyo ko hindi lang sa araw ng Pasko kundi araw-araw sa twing titignan ko lang ang inyong mga picture greetings. Dahil dito hindi nawala ang tunay na diwa ng Pasko. Ang Pasko ay picture greetings. dyuk! Ang pasko ay pagbibigayan, pagmamahalan, saya at syempre si God. Kaya dapat tayong magdiwang ngayong Pasko. Yey!

Muli mula sa Chateau de Archieviner, ang hari nyo ay bumabati ng Makulay na Pasko sa iyong lahat mga Kadugong Bughaw :) Ahihi hohoho








Joyeux Noël à Tous

The All Star Bloggers.
Mula kay Pao Kun. Maraming Salamat Parekoy (edited)

Kulay ng Pasko: Winners

$
0
0
Maraming salamat sa mga lumahok sa unang patimpalak ng inyong hari. Ang Kulay ng Pasko: Blog Contest. Narito ang mga nagsilahok...

Ano ang Kulay ng iyong Pasko at Bakit?

"Anu nga ba ang kulay ng pasko ko?Simple lang. Kulay Pula, di dahil madugo ito kungdi dahil ito'y nagsisimbolo ng masaya at maaliwas na aura!!!" -Axl ng Axl Powerhouse Production Inc.

"Masarap sa pakiramdam kapag makulay ang Pasko mo. Para sa akin ang kulay ng Pasko ay Rainbow Color - parang Christmas Lights na iba-iba ang kulay. Bawat kulay may kanya kanyang kahulugan. Kapag makulay ang Pasko mas magiging masaya ang buhay mo." -JonDmur

"Pula ang kulay ng pasko ko na sumisimbulo sa kaligayahan, kaligayahan sa gitna ng kalungkutan. Sa totoo lang eh mahirap magdiwang ng Pasko kapag alam mong malayo ang isa sa mahal mo sa buhay dahil kailangan nyang makipagsapalaran sa ibang bansa. Idagdag mo pa ang pagkawala ng isa mo pang mahal sa buhay na alam mong kailan man ay di mo na sya makakasamang ipagdiwang ang pasko kahit kailan. Subalit di ito dahilan para di mo gunitain ang pasko dahil sa kung may kinuha ang Lumikha ay may ibibigay din sya sayo kaya dapat ay maging positibo pa rin ang pananaw mo sa buhay dahil kasabay ng pagsilang ng tagapagligtas ay isisilang din ang panibagong pagasa na mas magiging matatag at masaya di lamang ako kundi ang pamilya ko." -Rix ng Kwentong baliw ng isang Rixophrenic!!!

"Ang kulay ng pasko ko ay Navy Blue just because peborit ko ang kulay at peborit ko din ang Pasko! Bow!" - Hustin ng Stuff Hidden in the Closet

"RainbowColor. Bakit? Dahil sa taong 2012, may iba't ibang tao akong nami-meet. Naging makulay. May mga taong nakakasama ko sa food trip, sa takbo, sa pag-akyat ng bundok, at sa galaan." - Empi ng Kol me Empi

"Itim kasi di ko makita at madama, baka iba talaga ang pasko ko naun, oh pinipili ko lang di dumilat dahil may mga bagay na ayoko lng harapin." -MEcoy

"Pula dahil yan ang aking nakikita. Nakikita mula sa loob ng puso ng aking mga kapamilya, mga kaibigan at mga nag mamahal sa akin. Alam kong ngayong Pasko, at kahit ano mang araw - lubos ang pagmamahal na aking matatangap at ibibigay, ipapakita at ipapamahagi. 

Pula ang kulay ng pag ibig, at ang Pasko ko ay puno nito :)" - Zai  ng Zai moonchid   



"ROYGBIV
Red: Para sakin ang red ay love, nangingibabaw parin ang love sa puso ko kahit ilang beses na kong bigo. di naman kasi ibig sabihin na love eh love sa partner lang. nandyan ang family and friends na laging andyan at pinupunan ang love na kailngan natin...
Orange: Kasi ang pasko ko ay maihahalintulad sa sinag ng araw pag dapit hapon.. ORANGE! meaning maganda..maaliwalas masarap namnamin at payapa yan ang magiging pasko ko.. SOLEMN.at sana walang basag trip sa payapang pasko ko..
Yellow: Isa lang naiisip ko pag yellow its like a sun which is our center,at sino paba ang sentro nating lahat? syempre si Bro! dapat sya ang sentro nating lahat especially ngayong pasko.. di ko kakalimutan magpasalamat sakanya..sa sinag at sa liwanag na dala nya na gumagabay sakin sa araw araw..
Green: Ang pasko din ay kulay green!! hahaha.. alam mo na kung ano yan..pera! haha.. dahil may mga bonus.. pero lahat naman yan ay napunta na sa kinauukulan..:)
Blue: kahit naman pilitin natin maging masaya may konting lungkot parin.. lalo na ngayong sasapit ang pasko at wala kang partner na yayakap o mkakabatian mo sa araw ng pasko.. blue christmas para sa smp at alam ko archie ikaw din.. so lets drink to that SMP!!
Indigo: Meaning? INDIGO ALAM ang kulay na to.. hahaha.. pero sige na nga sabihin nalang natin na ang indigo sa pasko ko ay mga bagay na di ko alam na magaganap.. mga supresa..ng family ko at friends para sakin.. at supresa mo na rin archie! kaya para sa mga INDIGO alam na mangyayari etong kulay na to..hahaha
VIOLET: Sus..tinatanong paba yan?????? kulay ni Enchanted kingdom yan!!! alam ko at naniniwala ako.. na mananalo ako.. so ang pasko ko ay kulay violet at magviviolet kasi mananalo ako ng ek for free galing sayo archie!!! hahahahahaha" - Cheenee ng Kwentong Palaka

"Ang kulay ng Pasko ay PUTI at PILAK na sumisimbolo ng busilak at makinang na dahilan sa pagdating ng Messiah.
Ang kulay ng Pasko ay ITIM na sumisimbolo ng gabing ipinanganak ang makapangyarihang Sanggol sa sabsaban.
Ang kulay ng Pasko ay PULA na sumisimbolo ng wagas na pag-ibig ng ating Poong Maykapal sa paghahatid sa ating ng kanyang Bugtong na Anak.
Ang kulay ng PASKO ay DILAW at GINTO na sumisimbolo ng liwanag ng mga bituin na gumabay sa tatlong Haring Mago upang marating ang Sanggol sa sabsaban. Simbolo rin eto ng pag-gabay sa ating mga nasa sangkalupaan.
Ang kulay ng Pasko ay BUGHAW, katulad ng kulay ng langit. Sa tuwing ako'y tatanaw sa kalangitan ay aking nadarama ang pinaka-makapangyarihang gumagabay sa ating lahat dito sa sangkalupaan. 
Ang kulay ng Pasko ay LUNTIAN na sumisimbolo ng kasaganaan at pag-asa.
Kung anumang mayroong kulay sa mundo, yan din ang KULAY NG AKING PASKO. Dahil ako'y naniniwalang ang PASKO ay simbolo ng PAG-ASA. Dahil ang PASKO ay ang araw ng pagdating ng Mesiah - ang simbolo ng pag-asa at kaligtasan."-  Ms. Balut ng Balut ManilaThe Lucky Blog at Run! and Keep on Running.

"Ang kulay ng pasko ko ay White. Christmas is about giving light to everyone. Also, kakulay niyan ang angel's wings which is symbolic sa… Christmas. :) PS. giving, sharing, loving... that's what Christmas is all about. giving them light (hope)." - Stefanloco

"Puti kasi malinis. Simple. Yun ang aking buhay. Bawat linya na iguguhit o isusulat sa puting canvas na yan ay kitang kita. Kahit anong kulay pa yan. Sila yung mga taong dumadating sa buhay ko. Kahit inkblot lang ay kapansin pansin at ito ay naapreciate ko (lalo na bilang isang amateur artist), dahil yun ang mga sumisimbolo sa mga nagawa o markang iniwan para saakin ng mga taong mahal ko, lalo na ngayong pasko. At sainyo, mga kapwa ko blogero, MARAMING SALAMAT sa pag iiwan ng bakas! Habang buhay ko itong ipagpapasalamat. Salamat at nakilala ko kayo."- Pao Kun ng To Infinity and Beyond! Pangkalawan!

"Kapag pasko, ang alam ko ay nagbibigayan ng regalo, mula pagkabata ko yan na ang nakatatak sa utak ko. Masaya palagi ang pasko ko mula noon hanggang namatay ang mama ko, malungkot, sobrang lungkot. The other year when she died, we didn’t celebrate Christmas, it was then a black Christmas to us, plus the sendong that arrived in our city, mas nakadagdag ng lungkot yon. Life is parang gulong like my mom told us, minsan nasa taas, at minsan nasa baba naman. Malas lang kapag may square na design na gulong. Lels! Para sakin there’s always sunshine after the rain, I stand to believe on that. Kasi ngayon, nakikita na namin slowly ang sunshine na yan despite kulang na kami. We are trying to live a life with what we have now.

I can honestly say that ang kulay ng aking pasko ngayon ay Yellow! Hindi dahil yellow ang paborito na kulay ni Pnoy pero ito ang kulay na naiwan ng mama ko sa amin. Bago siya umalis sa mundo natin, nagpapintura siya sa bahay ng kulay yellow at hanggang ngayon ito pa rin ang kulay sa bahay namin at naging paboritong kulay ito ng pamilya. Naging paborito niya ito dahil kay former President Corazon Aquino. She admired her, believed and appreciated her because of her values that she passed through her generations. Yan lang ang isang dahilan na alam ko. Family values is ang isa sa pinaka-importante sa aming pamilya and masaya akong dala-dala ko yon hanggang ngayon. 

Hindi man kasing saya ang pasko ko gaya nong bata pa ako pero I am trying to live and give my life sa mga tao na nangangailangan, mga bata sa kalsada, sa taong nasa daan-yong walang matuloyan or matulogan, sa mga matatanda na nakakasalubong ko sa daan na sila lang mag-isa at sa mga taong nakikita kong they are trying to give their best para sa kanilang mga anak para maiparamdam ang pasko kahit walang madaming pera at handa sa noche Buena. I can’t give them money kasi hindi naman ako mayaman, but I can give them a prayer in silence every time I feel that I wanted to help them and I can’t give anything. They are in their darkness, in my heart; I wanted to light their candle so they will have a life they deserve best.

I just realized then that the colour yellow brings light in every darkness, even the candle flame I see it yellow, maybe mom wants the color yellow para Makita namin ang buhay na maliwanag despite sa lahat ng hirap na pinagdaanan ng aming pamilya, bawat bagay ngayon kapag na-coconfuse kami even buying a flower vase for my mom’s altar, we asked her helped in a silent prayer, believe it or not, she answered. When she was still alive, she keep on saying na ang mga kaluluwa they are the secret helper of our life, paulit-paulit hindi nagsasawa kaya ngayon alam ko na bakit nasa tamang daan na ako ng buhay ko. Ngayong pasko, ito na ang simula dahil after the black Christmas last year, mom lights our candle and this made us our yellow Christmas!!"- Lala ng Captured Realities

"Magtataka ka ba kapag sinabi kong kulay Itim ang kulay ng aking Pasko at sabihing napaka-emo ko? Kasi taliwas sa pakahulugan ng iba sa kulay itim kaiba kong nakita ang kulay na ito.
Ang kulay itim ang dahilan kung bakit maraming makukulay, dahil sa kulay na ito mas nagiging makulay ang ibang kulay. Isinilang si Hesus mula sa paglalakbay nina Maria at Jose sa kadiliman at ng mailuwal na ang batang Hesus sa sabsaban naging makulay ang lahat. Ito ngayon ang kulay ng ating Pasko (mistulang isang background) na siyang pupunan ng ibat-ibang kulay mula sainyo na aking mga kaibigan, kapamilya at mga mahal sa buhay."- Nong Inong ng Kumonoy

Special Participation: (Ang mga sumagot sa comment box):

Glentot ng wickedmouth.com - "Ang kulay ng aking Pasko ay green luntian berde dahil ito ay fresh na fresh at blooming LOL"

Sherene ng Our Journey- "Ang kulay ng pasko ko ay Pula, dahil punong puno ng pagmamahal ang aking mga heart chambers hanggang sa aking mga aorta:)"

Arline ng The Pinkline at Pink Line Photography- "Ang kulay ng pasko ko ay Pink..baket?kasi maganda ako..konek? wala..suportahan mo na lang ako total sinusuportahan naman kita dyuk!"

Ric ng LifeNCanvas at Kartun Netbuk"Ang kulay ng Pasko? Green for me. Everyday green ang nakapaligid sa akin. Luntiang dahon. Masarap sa mata! Tumingin lang ako sa nature, nagiging masaya na ako...That means, hindi ko na kailangang maghintay ng Disyembre para maramdaman ang pag-asa na dala ng Pasko. Green represents hope for me and everytime may nakikita pa akong green sa king paligid, hopeful na ako. Dahil dito, sa buong buwan ng taon, ramdam ko ang Pasko!"
free glitter - http://www.sparklee.com
Winners via random.org
1. White Christmas ni Stefanloco
2. Paskong Itim ni Nong Inong

Winners based on my judgment
3. Paskong ROYGIV ni Cheenee
4. Paskong Yellow ni Lala
5. Paskong PPIPDGBL ni Balut Manila

Ang mga nanalo ay makakasama at ililibre ko ng Ride all you can sa Engchanted Kingdom o sa Star City or Eat all you can pag-uwi ko sa Pilipinas. Mamili ka lang ng isa dyan. Dapat ay nasa Manila ka o makipagkita ka sakin pag-uwi ko. Kita kits!

Maraming salamat muli sa mga nagsilahok.

Makulay na Pasko at Mabonggang Bagong Taon! Dyuk!

Viewing all 63 articles
Browse latest View live