Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

All I Want for Christmas

$
0
0
Thanks to Zai, Jay and Phioxee for tagging me in their "All I want for Christmas" post. 

Nahirapan ako dito. Dami ko kasing iniisip. Una, bakit six lang ang wishes at bakit six din ang itatag na pagpapasahan mo neto? Kailangan bang limitahan lang sa anim? Tapos yung instructions apat lang dapat may pang 5 at 6. Dagdagan ko nga. No. 5 ibigay kay Archieviner ang wishes mo kapag natupad. No. 6 Pwede ka nang mag dedz. dyuk lang.

Yung totoo nahirapan talaga ako. Pag nagwish kasi ako I make sure na attainable. Kaya nag-isip ako ng mga possibleng matupad bago o sa araw ng Pasko. Sabagay wish lang naman. Kung mga pangarap o goals sa buhay ay marami ako at ang target date ko ay hindi lang sa darating na Pasko. Sabagay sabi rin naman sa instruction list 6 things that you want to receive for Christmas. Wala namang year kung kelan. dyuk lang ulit!

Meron narin  akong ginawa na hiling ko sa darating na Pasko. Isa nga lang yung inilagay ko dahil hindi ko alam kung papaano matutupad o magagawa yung mga bagay na gusto ko talaga. 

Ang haba ng intro ko. Eto na nga.

The tag mechanics are simple:

1. Kindly use the same TITLE as well as the FIRST PHOTO that I put here (that blurry picture of a Christmas Tree) <--- Totoo to. Ginuhitan pa oh. Nahiya. dyuk!
2 List 6 things that you want to receive for Christmas.
3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).
4. Send the link, so I could check it out too.


Things that I want to receive for Christmas:

1. CHRISTMAS PICTURE GREETINGS

Iclick ang link para sa Ang Aking Hiling sa Darating na Pasko. Ang dead line ay bago mag December 24, 2012. As of now may tatlo nang nagsubmit. Salamat sa mga nagpadala na. Ganito ang example.

Galing sa aking kaibigan na si Mavic.
Sa mga di pa nagpapadala, surprise me. Gusto ko yung kakaiba. dyuk!

2. TEXT MESSAGES
+687-739353
Asahan mo na busy ang iyong cellphone sa Araw ng Noche Buena. Alam nyo ba na magmula nang napunta ako dito sa ibang bansa ay tatlong beses palang ako nakareceived ng text messages. Bilang ko talaga. Ang calls naman ay twing sweldo lang o kung may sasabihin lang si mama. Ikinalat ko naman ang cellphone number ko. haha.

Kaya etong darating na Pasko sana ay makatanggap ako ng at least 10 text messages. Kung mayaman ka e di twagan mo narin ako. Pero magtxt lang kayo between 11pm ng December 24, 2012 Hanggang 12AM ng December 25, 2012. New Caledonia time. Para counted ang boto nyo. dyuk! Wala palang roaming dito.


3. CHRISTMAS GIFT

Dati ang dami kong natatanggap na regalo bago magpasko. Automic na may matatanggap ako kahit isa kasi ipagpipilitan kong sumali sa mga exchange gift. Tanong ko ngayong taon, Is this my first time na wala akong matanggap na regalo sa araw ng Pasko? Sad!

Kaya naman nilagay ko to sa Christmas wish list ko. Wala akong paki kung picture frame pa yan, panyo, kalendaryo sa hardware o mars mallow na galing sa nakuha mong regalo sa inyong monito monita na something soft. Basta gusto kong makatanggap ng regalo na nakabalot sa Christmas wrapper. Para sa pagsapit ng 12AM ng Pasko ay babatiin ko ang sarili ko. Titingin sa salamin sabay sisigaw ng "Merry Christmas Archieviner". Tingin uli sa salamin. Tignan ang sarili (mga 5 seconds). Sabay tulo ng luha sa left eye. dyuk!


4. TOUR in NOUMEA

Noumea is the Capital of New Caledonia. Igoogle para maniwala. Alam nyo ba na once palang ako nakapunta ng City dito sa NC. Yun yung 1st day ko dito. Nung lumapag ang eroplano galing himpapawid. Hindi rin ako nakapag gala nyun dahil diretso agad kami sa trabaho. Para sa kaalaman ng lahat nasa North Province ako ng New Caledonia mga 5 hrs away from the city. Nasanay ako sa city noon. Kaya nung napunta ako dito ay laking pag-aadjust talaga ang ginawa ko. Walang mall, fast food, wala lahat. Para kang nasa bukid. Pero di naman remote area to.

Kaya sa darating na Pasko sana ay may bus na papuntang city para makapag-gala naman ako. May oras at schedule kasi ang bus dito. Hindi yung basta basta na mamasahe ka lang sa jeep o bus para makapunta ka kung saan. Ganyan ang buhay ko dito.

5. PLANNER

Masasabi kong certified planner or organizer ako pag dating sa carreer. Budget and Planning Officer. Iyan ang mga naging posisyon ko. Kaya naman importante sakin ang planner noon para maisaayos ko ang aking magulong schedule. Pero ngayon parang di na ganun kahalaga sa'kin ang planner. Bahay at opisina lang kasi ang buhay dito. Pero gusto ko parin magkaroon ng planner.

6. Greetings from someone special. Yung nanakit ng puso ko.



Mukhang na-itag na lahat at wala na akong ma-itag. Good luck sa lahat ng wishes natin at Merry Christmas.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles