Dear Arline,
P.S. Huwag mong ipababasa to sa BF mo. haha
Love,
Naalala ko pa noong una tayong magkita. Ang tahimik mo at ang tahimik ko rin. Tahimik naman talaga ako sa una dahil nakikiramdam pa'ko sa iba. Ikaw naman sobrang hinhin at hindi makabasag pinggan. Kumain tayo nyun sa restaurant kung saan nagshoot si Popoy at Basya. Kasama natin ang ibang bloggers. Ngayon, kelan kaya mauulit na makakakain tayo para makapagkwentuhan? Huwag mong isama ang bf mo. dyuk!
Madali kitang nakokontak nyun kahit magkalayo tayo. Mapatwitter, skype, facebook at kahit sa wechat. Diba nag-exchange voice messages pa nga tayo nun. Sabi ko pa nga magSOP tayo sabi mo naman sige lang. *dyuk lang ah* ahahaha. Ngayon parang nakakatakot ka nang kausapin. Para kasing laging nakabantay yang jowa mo. dyuk ulit. haha
Naalala ko rin nung nagkita tayo pinatikim mo'ko ng cupcake mo. Grabe!!! ang sarap mo pala. Ang sarap mong gumawa ng cupcake. haha Sana lang hindi iyun yung cupcak na greetings mo para samin nung pasko, nung 2012. haha Tanda ko pa diba? Kelan ko kaya muling matitikman ang matamis mong cupcake. Kaya lang parang may iba nang dumidila at kumakain ng cupcake mo e. haha Sabihin mo ishare ka naman nya. hahaha
Naalala ko pa noon nang nagkaroon tayo ng hindi pag-kakaunawaan kasama ng iba pang founders ng PBO. Umiyak ka pa nga nyun diba? Aminin mo. haha. Mas lubos kitang nakilala nyun. Nakita ko kung papaano mo pinahalagahan ang friendship nating apat. Mabuti nalang dahil naayos agad. Basta naappreciate kita nyun. Iyun ang naging test of friendship natin.
Nagpunta tayo sa Siargao. Tawang tawa ako nun sayo. Sumakay tayo ng motor diba? Ako yung nasa likod mo at napapagitnaan ka namin ni kuyang driver. Kung baga sandwich at ikaw ang palaman namin. Bawat lubak at kurba na nadadaanan natin ay napapa "ahh! ahh! ahh!" ka. Ang ingay mo nyun. Ang awkward kasi para tayong nangangabayo. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na maingay ka siguro sa kama. haha. Maingay nga ba? dyuk!
Isa pang bagay na kinatuwa ko sayo nung nasa Siargao tayo. Yung nagpakita ka samin ng special talent mo habang nasa bangka tayo. Hindi mo kasi mapigilan e. haha. Tawang tawa kami sayo nyun. Basta alam mo na yun. Natawa rin ako sayo sa Siargao nung photoshoot natin sa mga islands. May ginawa tayong bagong gahasa pose mo diba? ahahaha Ang witty lang natin nyun. Syempre perfect pa ang kurba ng katawan mo. Ang sexy mo pa kasi noon. Ngayon nung nakita kita tinanong ko agad kung buntis ka na ba. Sinisi mo pa nga ang boyfriend mo kung bakit ka lumobo. hahaha. Magpasexy ka ulit ah.
Sa Siargao ulit, pareho nating first time mag surfing. Mas magaling ka sakin nyun. Mas nauna ka kasing nakatayo sa surfing board. Kelan kaya ulit tayo magsusurf?
Tinutukso nila tayo noon. Mapatwitter or sa Blogsphere. Bagay daw kasi tayo. Naalala mo paba yung kinuwento ko sayo na nagkaroon ako ng panaginip na kinasal daw tayong dalawa. Pero pagdating sa altar hindi ikaw yung kasama ko. Ang landi ko kasi. hahaha Hanggang panaginip nalang pala yun.
Ngayon kahit may boyfriend kana sana maalala mo parin ako. Itxt mo lang ako kung may kainan mamaya ah. Pupunta ako basta may ice cream at cake. ahahaha Patikimin mo narin ako ulit ng matamis mong cupcake.
Happy birthday Ate Arline. Mabuti kang kaibigan. Walang arte. Masarap kasama. Masayang kakwentuhan at game sa biruan. Mapagkakatiwalaan. Mabait. Maganda parin at sexy noon. haha. Miss ko na ang bonding natin. Sabihin mo sa boyfriend mo pahiram naman ng jowa mo kahit sandali lang. lol
Happy birthday sis! We love you.
![]() |
Kayo na pong bahala... |
Love,