Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Kulay ng Pasko: Teaser

$
0
0
Nagising si Noel sa saliw ng musikang tila masayang naglalaro sa kanyang mga tenga. Musika na nagpapaalala ng kahapon. Ang musika ay pinatugtog ng kanyang kasama sa flat.



Sanay na si Noel. Sa kada umaga ba namang ginagawa ng kanyang kasamang OFW sa kanilang kwarto. Ang magpatugtog ng iba't-ibang klase ng musika. Eto na yata ang daily devotion ng kanyang kasama.  Mapaworship songs, pop, minsan panga ay rock songs sa umaga. Ngunit  iba ngayon ang genre ng kanyang naririnig. Ang tunog ay nagdadala ng sakit sa damdamin. Hindi nya eto gusto. Labag sa kanyang pandinig ang mga notang umaaligid sa kanyang gamit sa pandinig. Ayaw nya ng tunog at lyrics ng awiting lumilipad sa hangin patungo sa kanyang malililit at may katulisang tenga.

"Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na.. Sana pag-sapit ng pasko... kayo'y naririto"

Isang tagalog Christmas song ni Brother. Brother ang tawag nya sa kanyang kasama. Nagbalik na naman sa isipin ni Noel ang katotohanan na ngayong darating na Pasko ay sa disyerto sya magdiriwang. First time nya eto. Eto rin naman ang gusto nya, ang malayo sa Pinas sa Araw ng Pasko. Dahil narin sa mga nakaraan na iniiwasan. Nakaraan na tila kasama ng kasalukuyan. Nakaraan na tila naghihintay pa sa hinaharap.

Hindi nagpahalata si Noel sa kasama na nagising sya sa ingay na gawa ng musika. Tumagilid lang sya ng higa paharap sa pader at hindi minumulat ang mga mata. Wari bang nakikinig din sya sa awitin na nang-aakit pakingan.

Hindi nya na maiwasan na mayroon syang naramdaman. Isang kurot. Kurot na nagmumula sa kanyang puso. Naging emosyonal si Noel. Nalala nya ang nagdaang pasko mag-iisang taon na ang nakalipas. Mga Pasko na tila di malimot limot ng panahon. Pasko ng galit. Pasko na sana'y hindi na dumating.

"Patayin mo nga yan? Pinapalungkot mo lang ang sarili mo" Hindi na nakatiis si Noel dahil kung magpatuloy pa ang saliw ng tugtog ay baka tuluyan nang bumugso ang nagbabantang damdamin.Nakahiga at nakaharap parin si Noel sa pader. Ayaw nyang makita ng kasama ang mga lungkot sa kanyang mukha.

"Lapit na pasko tol, December na! di mo ba nararamdaman?... Kahit pa malayo ka.. kahit nasaan ka man..." Pang-aasar ng kaibigan

"Anong pasko? hindi uso yan dito. Sa Pinas lang meron nyan at para sa mga bata lang" Noel, nakatalikod parin na sumagot sa kasama.

"Bakit bata pa naman ako ah. Tsaka magcecelbrate din naman tayo dito. Tayong mga pinoy lang" Hininaan na ni brother ang tunog ng musika para tumigil na rin si Noel at baka humantong na naman ang kanilang usapan sa pag-tatalo.

Bumangon na si Noel. Tinalo ng gravity ng orasan ang bigat ng kasarapan na dala ng higaan. Ayaw nyang malate sa opisina. Tinungo nya ang banyo upang doon maglabas ng sama ng loob.

Habang naglalabas ng sama ng loob narinig nya na naman si Brother na nagpatugtog  ng Christmas song. Rinig kahit sa loob ng banyo.

"Putsa... nang-asar talaga ang ungas" mahinang bigkas ni Noel.

Dahil sa hindi maiwasan na madinig. Hindi narin maiwasan ni Noel na maalala ang kanyang Pasko nung nakaraang taon. Ang mga taong nagbigay kulay ng kanyang Pasko. Ang mga karanasang pumundi sa kislap ng kutitap ng Pasko.

Si Noel isang OFW sa Middle East. Galit sa Pasko.

Kilalanin si Noel kung papaano naging makulay noon ang kanyang madilim na Pasko at kung bakit napundi ang kanyang dating kumukutikutitap na Pasko.

Susunod: Kulay ng Pasko: PULA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles