Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Kick-off!

$
0
0
First day of July. First day of 2nd half of the year. July na pero wala parin akong updates sa blog. Ang sabaw ko lang. Aaminin ko tinatamad talaga akong magblog. Busy rin kasi sa work at may ibang pinagkakabusyhan. hihihi. Bilang kakatapos lang ng 1st half of the year at kasisimula lang ng 2nd half kaya magandang magreview ngayon ng mga goals para sa taong eto. Kung natatandaan nyo ay meron akong blog post about "My Top 10 Goals for Year 2013".  


Ano nabang nangyari sa mga goals ko? Review-review din pag maytime ah!

1. Go Investments & More Savings - (/)check!
One of the perks of being OFW ay yung makaipon. Kaya thank you Lord sa mga blessings. I started investing narin sa stocks. Nakakabaliw pala ang stocks pero enjoy at marami kang matutunan. Subukan mo pero caveat. risky! :P

2. Pursue Photography - (x) ekis!
Naburo na ang camera ko. Pang-alis ko to ng homesick pero dahil busy lang kaya di ko maharap. Hayst... Sana magkaroon ako ng time para makapag-aral din.

3. Local & International Trips - (50/50) checkis!
Siargao at SG nung nagbakasyon ako. Checkis dahil kulang pa ang local trip. Pero ok narin kahit hindi madagdagan. Ipon nalang muna.

4. Extreme Adventure & Something Nice to Do.  (50/50) checkis!
Dahil nasubukan kong mag surfing with other bloggers kaya pasok na sya dito. Sana maulit yun at may magawa pa kong something nice to do.

5. Outdoor Bonding with family (/) check!
Hindi man natuloy ang balak ko na makapag outdoor kaming buong pamilya nadala ko naman sa SG ang mama ko at tita ko. Sa susunod sana lahat na kami. yey!

6. Meet New Friends - (/) check!
Ang grand EB sa MOA with bloggers and PBOers. Pati narin ang ibang meet-up nung umuwi ako. Thank you ulit :)

7. Be Educated - (50/50) checkis!
Nakabili na nga ako ng mga books pero hindi ko pa nababasa. This 2nd half more time naman para makapagbasa.

8. Share my Blessings - (/) check!
As a PBO donor at supportahan narin ang BMIM sa kanilang upcoming outreach. Kodus to all donors and volunteers!

9. Hit the Gym and Get my Body in Shape - (50/50) checkis!
Wala pa akong six pack abs pero nakapagjog ako. Alam ko din na pumayat naman ako.

10. No to Love Life - (/) check!
Zero e. Gaya ng goal ko na hindi muna maglovelife. hihihi

Half year to go at marami pa'kong time para magawa ko pa ang ibang goals. Good luck sakin!

Hanggang sa muling updates!

Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles