Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

NAKS!: O.F.W. (On Fate of my Wish)

$
0
0
N.A.K.S.: Na Alala Ko Si Ako bago maging OFW.

Tatlong buwan na pala ang nakakalipas magmula nang lisanin kong muli ang Pinas galing sa bakasyon. Ang bilis ng araw. Parang yung nakaraan lang ay isa lang akong simpleng office boy sa Makati na pagala-gala lang sa mall after office hour at twing walang pasok. Tambay ako noon sa starbucks at sa mga resto. Isa rin ako sa mga libo-libong taong nakikipagsiksikan sa loob ng train ng MRT twing umaga at gabi papasok at pauwi ng opisina. Naalala ko pa si BFF na lagi kong kasama. At ang boss ko na lagi akong isinasakay pauwi gamit ang kanyang pajero. Ngayon ay maraming pagbabago sa buhay ko dahil isa na'kong OFW.

Bakit ba ako nag OFW?

Eto ang kadalasang tanong sa mga expat na katulad ko. Tinanong ko rin 'to sa mga kapwa ko OFW. Ako nga ba bakit ba ako nag OFW? 

Naks! Na Alala Ko Si Ako nung bata pa ako..

Sa totoo lang ay hindi ko talaga pinangarap magtrabaho sa ibang bansa. Isang OFW ang tatay ko magmula noong nasa elementarya pa lang ako. Lumaki ako na walang gabay ng ama kaya naman hindi kami kailan man naging close ni Papa. Alam ko kasi yung feeling na iniwan ka ng mahal mo at pinabayaan at yung feeling na may hinahanap ka pero imposibleng mapunan dahil nasa malayo. Hindi ko ginusto maging OFW dahil narin sa mga dinanas ko noon.

Panganay ako sa anim na magkakapatid kaya naman bata pa lang ako magmula nang mangibam bansa si Papa ay namulat na'ko sa responsibilidad ng pagiging isang ama. Ako kasi ang tumayong ama sa mga kapatid ko noong wala si Papa. Malaking responsibilidad yun lalo pa't bata palang ako at nag-aaral pa. Nagloko si Papa at parang pinabayaan kami. Nalulong daw sa sugal kaya walang naipapadalang pera sa'min. Naalala ko pa noong nasa second year highschool ako. Nag-aaral ako sa pribadong paaralan. Ako ang Top 1 ng klase pero hindi ako pinaakyat sa stage para gawaran ng parangal dahil sa hindi pa ako nakakabayad ng tuition fee. Sa halip ako yung Top 2 ang pinaakyat sa stage at ginawang Top1. Ang sakit nyun. hehe. Alam nyo ba na hindi ako nakapagtake nang final exam nung highschool dahil sa hindi nga ako bayad ng tuition fee. Inisip at tinanggap ko nalang na uulitin ko ang isang taon sa highschool dahil wala akong final exam. Pero thank You Lord at sa mga teacher ko dahil inexempted pala nila ako sa exam kaya nung nakahiram ng pambayad ng tuition fee ko si Mama... nakuha ko ang mga grades ko. Walang bagsak at matataas pa. Lumipat nako nang publikong paaralan pagkatapos nun. Magmula noon ay isinumpa ko sa sarili na magsusumikap ako upang umasenso sa buhay at hindi magiging OFW dahil sa dinanas namin kay Papa.

Maswerte ang mga magulang  ko dahil nagsusumikap kaming mga magkakapatid. Nakapagkolehiyo ako nang walang tulong ni Papa. Nakapasok ako sa PUP. Nakapag-aral naman sa Lasalle ang pangalawa kong kapatid nang walang binabayaran at may allowance pa dahil sa varsity sya ng Unibersidad. Tapos narin sa kolehiyo ang pangatlo. Yung pang-apat naman ay tapos narin ng kolehiyo sa PUP at nagmamasteral ngayon. Puro pala kami lalaki lahat. Isipin nyo nalang kung paano kami kapag nag-away-away. Susuko talaga si Mama. Talagang suntukan. Lahat yata nang kapatid ko ay dumaan sa suntok ng kamao ko. Syempre hindi ako dapat magpakita nang kahinaan sa kanila bilang ako ang panganay at tumayong ama.

Nang makapagtapos ako nang pag-aaral, agad akong naghanap ng trabaho upang makatulong sa gastos sa bahay. Nasa kolehiyo na kasi ang kapatid kong pangalawa at pangatlo nyun. Mapalad naman ako dahil nakahanap agad ako nang trabaho. Sa isang construction firm natanggap ako bilang isang Accounting Staff. Sinikap kong pagbutihin ang trabaho ko para mabilis mapromote at mabilis din tumaas ang sweldo. Hindi naman ako nabigo. Nakitaan ako agad ng galing at binigyan ng mataas na posisyon hanggang sa naging Finance and Admin Head ako ng isang branch ng kompanya. Mataas na ang salary ko kung ikukumpara sa mga empleyadong ka level ko. Tumaas man ang sweldo ko pero parang kinukulang at kinakapos parin kami sa finances kahit nag-papadala na ulit si Papa. May mga gastos kasi na hindi maiwasan na kahit anong pagbabudget pa ang gawin. Idagdag pa ang mga gustong bilin. Dahil lumaki kami nang hindi laki sa layaw at hindi nakuha ang luho nung bata kaya naman ngayon ay naghahangad kaming magkakapatid nang magandang buhay naman. 

Mataas ang pangarap ko. Bilang isang accountant alam kong kalkulahin ang mga magagastos at kung gaano kamahal ang mga pangarap ko. Mataas ang presyo gaya ng tarik ng pangarap ko. Ganun din ang mga kapatid ko. Kapag nga minsan nga ay nakikita ko silang bumibili ng mga bagay na alam kong luho ay hinahayaan ko nalang. Minsan pinagsasabihan ko naman silang magtipid. Hindi ko rin sila masisisi. Ngayong kumikita na kasi kami ay ngayon lang namin nagagawang mabili ang mga bagay na hindi namin natikman at naranasan nung bata pa lang kami. 

Wala pang isang taon sa trabaho ang pangalawa kong kapatid nang magdecide na agad etong magtrabaho sa  ibang bansa. Binubwenas yata ang loko dahil nakahanap agad nang agency upang makapagtrabaho sa Singapore. Dalawa na ang OFW sa pamilya. Bukod kay Papa at sa Kapatid ko, nauna naring maging OFW ang mga tito't tita ko. Hindi nagtagal ay sumunod narin ako. Ewan ko ba nasa dugo na yata namin ang maging isang OFW. 

Ano ang nakapagdecide sakin upang maging OFW? Isang oportunidad ang dumating nyun bago ako mapunta dito sa ibang bansa. Noong una ay ayoko talaga dahil nakakaraos naman kami araw-araw at sanay naman sa maayos na buhay lang. Oo sapat na kinikita ko noon sa Pinas pero habang lumalaki ako at kaming magkakapatid ay dumarami rin ang aming kailangan. Idagdag pa ang pag-aasawa ng pangatlo kong kapatid. Naisip ko rin na after 5, 10, 20 or ilang years saan na kaya ako o kami nyun? Ano na kaya ang narating ko? Sapat ba ang trabaho ko ngayon upang marating ang mga pangarap ko? Kapag nagretire ako sa trabaho saan kaya ako kukuha nang pang gastos? Lalo pa't gusto kong magretire ng maaga sa pagtatrabaho dahil ayokong matulad sa mga kaopismate ko na oldies na pero nagwowork parin. Sapat ba ang SSS? Kung magkaroon ako nang sariling pamilya anong klaseng buhay kaya kami mayroon. Lalo pa't ayokong maulit yung ginawa ni Papa sa'min noon sa sarili kong pamilya. Iyan ang mga tanong ko noon. Idagdag pa ang pambili ng gusto kong bahay at magkasariling kotse. Kung mayaman sana kami edi hindi sana ako OFW ngayon. hehe

Mahirap ang desisyon na ginawa ko noon dahil nung dumating ang offer na trabaho sa abroad ay running for manager ako sa pinagtatrabahuan kong kompanya at isang taon nalang din ay maawardan na'ko bilang isang loyal employee. Mabuti nalang dahil naintindihan ng mga boss ko ang pag-alis ko. Maayos ang pag-alis ko sa dati kong kumpanya kaya naman willing pa silang tanggapin ako sakaling bumalik ako sa pagtatrabaho sa Pinas. 

Sa dami kong sinabi kung bakit ako nag OFW.. ang sagot lang naman ay para sa future ko. Nagtatrabaho ako ngayon sa ibang bansa para sa mga pangarap ko. 

Tiis-tiis lang din. Masaya din minsan maging OFW kung gugustuhin mo. Minsan nga hindi ko na maramdaman ang homesickness. Nararamdaman ko parin pero sandali lang. Acceptance lang kasi. Iniisip ko nalang ang mga pangarap ko at agad nawawala ang pangungulila ko.

Malaki ang paghanga ko sa mga kapwa ko OFW. Saludo ako sa kanila san mang panig nang mundo sila naroon. Kaya sa twing nakakakita ako ng isang OFW... ang gaan bigla nang loob ko sa kanya at napapaNAKS! ako.

NAKS! Na Aalala Ko Si Ako... ISANG TAON na palang OFW.

 
One Remember Everything!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles