Hindi lingid sa kaalaman ng iba na isa akong CPA by profession or Copy Paste Artist. dyuk! Isa akong Accountant. Kami yung taga dutdot ng calculator sa opisina. Taga magic sa payroll nyo. Taga kulit sa inyo habang kayo'y nagbibusy busyhan sa trabaho para makapag audit lang kami. Kami ang taga gawa ng Financial Report ng isang kompanya. Marami pa kaming trabaho bukod dyan. Kahit saan basta may negosyo ay kailangan ng isang Accountant. Paano nga ba ako napunta sa propesyon na'to? Ganito kasi iyun... #ThrowbackThursday muna.
Simulan natin noong elementary. Una ko talagang pinangarap ay maging isang Astronaut.
Astig diba? Parang "To Infinity & Beyond... Pangkalawakan..." Haha Hi Pao! Bata palang ako mataas na ang pangarap ko. Kaya pati kalawakan at buwan ay gusto ko yatang marating. Hobby ko na noon ang tumingin twing gabi sa kalangitan upang mag-abang ng mga falling stars, bumuo ng star constellations at matulog sa bubong ng bahay kasama ang mga pusang naglalampungan. Meow! Nacucurious kasi ako nun kung ano bang meron sa ibang planeta. Hanggang saan ba ang Universe. Ano meron sa galaxy. Kung may mga nabubuhay ba sa labas ng earth at kung totoo bang may mga alien. Alam nyo bang naniniwala ako sa UPO noon. Haha Ang weird ko ba? Dahil gusto kong maging astronaut, alam nyo ba kung anong paborito kong TV cartoon show ang noon? Tama! Sailor Moon. Ako si Sailor Uranius. dyuk! Mojacko ang naging paborito kong palabas. Kasi diba si Mojacko pumupunta-punta sa iba't ibang planeta tulad ng Moja-moja etc. Naalala mo paba sila Mojari at Mojaru? At syempre ang malditang kontrabida na si Momonja
Fast forward ng konti... Pagtuntong ko ng high school nag-iba na ang gusto ko. Nauso kasi noon ang pagmamasaker at paglalapas-tangan sa bubot na katawan ng mga palaka. Kaya ginusto ko naman maging isang Scientist. Bakit? Kasi para ikaw ang lab ko. Booom! hihi Nacurios kasi ako noon sa mga bacteria. Ang kyut kasi nilang tignan sa microscope. Parang ang sarap lang alagaan at gawing pet. hihi Related parin sa science subject... ginusto ko rin maging isang Imbentor upang talunin ang naimbentong bumbilya ni Thomas Edison. dyuk!
Isang araw habang naglalakad ako papauwi galing iskwela patungong bahay may dumaan na naglalako ng salamin. Yung salamin na pang whole body na makikita ang replesyon mo. Hindi ang salamin na inilalagay sa parihabang kahon na pupwede mo nang higaan at kulang nalang ay maglagay ka ng bulak sa ilong.Napatingin ako bigla sa binebenta ni Manong na salamin. Nakakita ako ng isang gwapo, makisig at matipunong lalaki...... nung humarap ako sa salamin. Narealized ko na pwede pala ako maging isang Artista sa TV. dyuk lang! Pinangarap ko lang maging isang Songer. Nainvolve kasi ako nyun sa Church choir. Pero hindi yata iyun ang gift ko. Hindi kasi ganun kaganda ang boses ko. Hindi ako pang solo singer. Back up lang at taga tugtog ng musical instrument.
Nang naging active ako sa simbahan naging isang Youth Leader naman ako. Born again ang simbahan namin. Naging isang Sunday school teacher din ako sa church. Nakitaan yata ako ng gift of teaching kaya inudyok ako ng mga church leaders at tinanong kung bakit di daw ako mag Pastor. Iyun daw ang calling ko??? Naalala ko pa na sinabi ni Pastor sakin na lagi nya daw akong pinapanalangin na maging Pastor para daw may sumunod sa yapak nya. Napaisip ako. Hangang sa ginusto ko narin maging isang Pastor. Pero hangang gusto lang. Palagay ko hindi iyun ang calling ko dahil kung hindi ay baka ang bait ko ngayon. Inayawan ko narin ang pagpapastor sa personal na dahilan.
Pagkatapos ko nang high school nandyan na ang kalbaryo kung ano ba ang kukunin kong kurso sa kolehiyo. Syempre wala pa akong maisip. Hindi ko pa alam ang gusto ko nyun. Gusto ko naman ang pagtuturo kaya sabi ko sarili ko kung wala talaga akong magustuhang kurso ay magtiTeacher ako. Pero hindi ako nagteacher dahil nung nalaman ni Pastor na mag-teacher ako... sabi nya "Tamang tama.. malapit na sa pagiging Pastor yang kurso mo. Kukuha ka nalang ng ibang Theology units Pastor kana". Sa sinabi nyang yan ay hindi nako nagteacher dahil ayoko magpastor
Di ko inaasahan na makakapasa ako sa PUP nyun at maging isang Iskolar ng Bayan.
Araw na ng enrollment ngunit hindi ko parin alam kung ano ba ang kursong kukunin ko. Kaya pumunta ako sa Unibersidad kasama si Mama nang hindi ko alam kung sang kolehiyo ako mag-eenroll. Nung nasa PUP na kami nakakita ako ng mahabang pila. Pila daw iyun para sa gustong maging BSA students . Ano ba yang BSA na yan? Nacurious ako. Dahil mahaba ang pila naisip ko nalang na baka maganda mag enroll dito. Pinipilahan kasi. Ibig sabihin mabenta. Kaya yun naging BS Accounting student ako.
Ginusto ko nalang din ang pagiging Accounting student. Thanks God kasi para sakin talaga ang kurso na yun. Iyun ang hilig ko talaga at may application eto sa sarili kong buhay hindi lang sa pagtatrabaho.
Mahirap maging Accounting student sa PUP. Meron kasing tinatawag na dos policy. Iyun yung kailangan at least 2.0 ang grade mo sa lahat ng major subject. Pag bumaba ka sa 2.0 (1.0 is the highest) kailangan mong magtake ng exam at pag di mo naipasa tanggal kana sa College of Accountancy. Maswerte naman ako dahil kahit papano nakakasurvive.
Pagkatapos kong grumaduate sa kolehiyo hindi muna ako nagtake ng board exam. Hindi sa dahil sa takot akong bumagsak kundi dahil kailangan ko munang kumita nang pera upang makatulong sa pag-papaaral ng mga kapatid ko. Nasa kolehiyo narin kasi nun ang dalawa kong kapatid at medyo iresponsable ang magulang ko. Pero mabuti nalang pagkatapos ng dalawang taon ay naisipan ko pag magtake ng board exam. Thanks God dahil naipasa ko naman in one take.
Hindi pa sa pagiging CPA natatapos ang pangarap ko. Ewan ko ba... ayoko kasi nang hindi nag-aaral. Life is a continuous learning process kaya plano ko pang magmasteral at maging CMA or Certified Management Accountant dahil Management Accounting related ang aking napapraktis sa mga naging trabaho ko. Pakatapos nyun ay sana maging isang CFA naman o Chartered Financial Analyst para makapunta ako sa US. Yan madadagdagan na naman ng mga letra sa dulo ng pangalan ko.
Ilang taon narin pala ang lumipas magmula nang magtake ako ng board exam. Sa lahat ng magtetake ng CPA Board Exam. God bless and Good luck!