N.A.K.S.! : Na Alala Ko Si/ Sya/ Sila/ Sino?...
NAKS!: Seatmate - P1
NAKS!: Seatmate - P1
Rachelle Sol...!
"Sir!" Tumaas sya ng kamay.
Iyun pala ang pangalan nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaba at pag-aalala na baka hindi ko sya makatabi. "Sol" ang surname nya... "Vicente" ako. Pupwedeng pumagitna ang isa pang binibini kung nagsisimula sa letrang "T" o "U" ang apelyido nito.
"Vicente..."
"Vicente..."
"Vicente!"
"Yes sir?" Nagulat ako nung tawagin ni Sir ang pangalan ko. Hindi ko namalayan na nakakailang tawag na pala sya. Nagtawanan ang buong klase nang nakitang nagulat ako. Namula ako sa kahihiyan.
Isang titig lang at ngiti ang nakita ko kay Sir nang nagtama ang aming paningin. Alam ko na ang nais nyang ipahiwatig. Tumangon lang ako at hinanap ang binibining nauna nang naaupo sa'kin. Ayun sya. Isang matamis ang ngiti ang aking nasilayan na tila ba nang-aakit na sundan ko sya. Para syang model ng close up. Sa isip-isip ko. Hindi nakabawas ng ganda ang salaming suot ni seatmate bagkus nakadagdag pa eto dahil sa nagmukha syang matalino. Aanhin mo ang ganda kung wala namang laman ang ulo. Ika nga nila. Pang beauty queen ang peg. Pasok sya sa standard ko.
Matagal din kaming nagkasama ni seatmate. Nung una ay nagkakahiyaan pa. Nagpapakiramdaman pa kung ano ba ang taglay na pagkatao ng bawat isa. Mahiyain sya at mahinhin. Bagay na ikinagusto ko rin sa kanya. Ayoko kasing mag-asawa ng babaing maingay. Mas gusto ko yung babaeng simple at masarap kausap. Lalo na kung kaming dalawa lang. Kung pisikal na anyo naman. Swak sya sa panlasa ko. Malaki ang kanyang hinaharap. Malusog. Matambok ang pwet at makinis ang balat. Saktong sakto. Sya na yata ang tipo kong babae. (May mag-rereact. Bow!)
Minsan habang wala pa si professor, naglabas ako ng worksheet. Eto ang gamit namin noon sa Accounting kapag may exam o seat work. Habang nakatunganga lang ako parang kusang gumalaw ang aking mga kamay at isinulat ko ang kanyang pangalan sa likod ng papel. Yung pangalan na nakablod at nilalagyan mo pa nang mga style at arte.
Habang abala ako sa pagguhit namalayan ko nalang na nakatingin pala si Sol sa aking ginagawa. Hindi naman ako magaling gumuhit pero nung nakita kong ngumiti sya ay parang daig ko pa ang pintor na si Pablo Picasso at Juan Luna o ang isang professional artist.
"Ano yan?" Malambing na tanong nya...
"Ah eh... wala..." Nahiya ako ng slight. Biglang tumibok ang puso ko. Iniba ko ang aking ginuguhit. Alam mo yung word na bigla mong gagawing aso o mukha ng tao na naka salamin o kaya maging isang imahe. Kahit ano nalang ang ginawa ko makalusot lang. Para lang mag-iba ang aking ginuguhit at dahil wala na rin akong maisip, ginawa ko nalang puno na maraming sanga para di obvious. Parang nabura lang at naitago ang pangalan nya.
"Ang galing mo palang magdrawing" Binobola nya yata ako.
"Oy hindi ah..." Alam kong hindi naman talaga. Pero masaya nakong napangiti ko sya kahit sa simpleng paraan lang. (Malandi na pala ako noon pa. dyuk)
"Ehem! ehem! " (times 2 pa).. Nakita ni Ernest (isa sa aking barkada) na nakamashid ako kay Sol.
"Pre, di ka ba sasabay sa'min maglunch? di na raw darating ang professor natin" Ernest
"Ah e.. siomai na naman ba ang lunch?" Paborito na naming magbabarkada ang siomai sa labas ng Unibersidad ng PUP.
Ilang liko sa mga kanto, siksikan sa mga tao, akyat ng hagdan bago namin natunton ang paboritong kainan ng barkada. Nang nakarating kami... agad kaming umupo sa bakanteng lamesa at umorder na ng paboritong pagkain. Ang malinamnam at malasang siomai ni ate.
"Ate pahingi kami ng extra kalamansi" Sigaw ni Jesse. Nagusto yatang gumawa pa ng kalamansi dyus sa dami nang hinihinging kalamansi twing kakain kami ng siomai ni ate.
Hindi tumugon si ate. Nakaramdam ako ng pagkaihi. Minabuti kong ako nalang din ang kumuha ng kalamansi. Sa baba kasi ang restroom at sa baba din makakakuha ng kalamansi.
Oppps! Nakakailang baitang palang ako pababa sa hagdan... natigilan nako sa pagbaba. Dahil isang pamilyar na pigura ang sa aking mga mata'y sumasalubong. Isang malaking babae. Malaki ang boobies at kayumangi ang balat. Parang si lala lang. (insert apol sa bibig.). Si Dianne ang aking nakikita kasama ang buong barkada nito. Kasama si Sol.
"Vicente, dito rin pala kayo kumakain?" Ika ni Dianne. Malambi, maarte ngunit nakakahalina ang boses nito. Kung pipikit ka ay para kang kinakausap ng isang maganda at seksing babae.
"Oo sa taas kami"
"May bakante paba sa taas?"
"Meron pa yata"
Pagkatapos kong gumamit ng CR... pagbalik ko sa taas kung nasan naroon ang barkada. Nakita kong naroon narin sila Sol. Katabing table lang ng dabarkadz.
May dalang gitara si Jesse kaya nadatnan ko nalang silang nagkakantahan habang kumakain ang iba. Si Ernest ang pinakamagaling kumanta at tumugtog ng gitara kaya sya ang kasalukuyang tumitipa at gumagawa ng ingay. Sa aking pagkatanda ay myembro si Ernest ng isang banda at sya yata ang lead vocalist.
"Nais ko ay.. magpakilala sa iyo... At ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko..." Kanta ni Ernest kasabay sa saliw ng tugtog ng gitara. (Kinanta mo noh?)
"Oyyyy, tol para kanino yan?" Kantsaw ng barkada kay Ernest.
Ngumiti at tumuloy lang sa pagtugtog si Ernest. Naupo narin at nakisabay sa kantahan nila. (Kumakanta rin ako.hihi)
Kinuha ko naman ang gitara at ako naman ang kumanta... (Syempre isiningit ko lang 'to dahil bago ang kanta. Pagpasensyahan nyo na ang boses ko... :P)
Saming tabi... tila ba nagbubulungan ang mga chika babes na nasa kabilang table lang. Tila may pinag-uusapan. Parang tinutukso nila si Sol sa isa saming magbabarkada....
Kinabukasan pagpasok ko sa eskwela isang balita nalang ang nasagap ko....
"Vicente, si Ernest na at si Sol"
"ha?.. Bilis naman?" Pagtataka ko.
"Ikaw kasi e. Mabagal ka lang"
Sabay akong tumalikod. Hindi ako nagpahalata na nasaktan ako sa narining ko. Agad kong tinungo ang CR at humagulgol. (dyuk lang yung sa CR). Sabagay kasalanan ko rin naman. Torpe at mabagal talaga ako noon. Aminado ako. Focus ko pa kasi noon ang pag-aaral. Pero ganun pa man ay nagpapasalamat narin ako dahil kahit paano nagkaroon ng kulay at ala-ala sa puso ang aking buhay noong kolehiyo. Salamat parin kay seatmate!
Naalala rin kaya nya ako?
Sa twing naaala ko sya napapa NAKS! na lang ako.
NAKS! Na Aalala Ko Si seatmate!
~The End~