Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Sharam Sharam... Kapag Tumibok ang Puso ni Kamahalan

$
0
0

Heto na naman naririnig
Kumakaba-kaba itong dibdib
Lagi nalang sinasabi
Pwede na bang makatabi? 
Kahit sandali lang sige na
Sana pagbigyan pwede ba? 
Muhkang tinamaan yata ako...


Wansapanatym nang mainlab si Kamahalan. Ang problema lang ay nainlab yata sya sa maling tao at sa di tamang panahon.

Arvin : Kamahalan, hindi pwedeng mainlab ang isang OFW. Lalo kana hindi mo sya madadala sa iyong kastilyo. Hindi ka pang LDR. (Pasigaw! with rising intonation sa dulo.)

Kamahalan: ikr! (dedma)

Matagal tagal naring hindi naiinlab si Kamahalan. Ilang taon na rin ang nakakalipas nang huli syang magmahal. Pagkatapos ng kanyang huling pag-ibig ni minsan ay hindi nya munang pinangarap na muling mahulog sa bitag ni kupido. Career at pagpapayaman ang kanyang mga pinapriorities. Sa katunayan ay nasa Top 10 Goals for Year 2013 ang "No to Love life".

Isang araw nang umuwi si Kamahalan sa kanyang lupaing sinilangan.... Sa isang piging ng mga maharlika. Masayang masaya ang lahat... ngunit lingid sa kaalaman ni Kamahalan may isang patibong na naghihintay sa kanya. Nakaabang pala si kupido. Para syang nahipnotismo sa isang nilalang at bigla nya nalang hinawakan ang kamay nito.

Isang haplos lang sa kamay.... ang pusong bato ay naging pusong malambot.

Nabihag ang puso ni Kamahalan.

-The End. dyuk!

Hindi rin nya naiwasan na hindi mahulog sa iba.  Sibat yata ni kupido ang tumusok sa kanyang puso.

Goal #10 erase. Hindi nya 'to inaasahan. Narealized nya na kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa kundi sundin eto (reapeat 2 times with action). lol

Nalungkot at naging emo si Kamahalan dahil alam nyang hindi eto katanggap tanggap sa kanyang kaharian. Isang kasalanan ang umibig ang hari sa isang taga lupa. lol

Ngayon ay kinakailangan  nyang mag move on upang matanggal ang sumpang bumalot sa kanyang puso.


Araw at gabi iniisip ka
Pinapangarap na mahagkan kita
Laging tulala at nakangiti
Puso'y di mapigil ang pintig
Nais kong sabihin, mahal ka
Bawat sandali ay miss kita... 
Mukhang tinamaan yata ako




Hindi alam ni Kamahalan ang kanyang gagawin. Nabulag na sya sa pag-ibig. Kung ano-ano na ang kanyang ginawa upang makamove on lang. Deactivate ng blog, twitter... lol Si kupido ay laging naabang. Tila ayaw lubayan si  Kamahalan.


Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Aaaahhhhhhhh...
 - Panunukso ni kupido


Hanggang sa sumangguni na si Kamahalan sa kanyang mga kaibigan. Isa na rito ay ang kanyang matalik na kaibigan na sumuporta sa kanyang mall tour nung nasa Pinas pa sya. lol Ang kanyang kaibigan na nagmula pa sa kanluran. Si Kanluranin.

Kamahalan: Kamusta? .....  Sakit sakit na... T.T (with arte)
Kanluranin: Hahaha... Miss mo sya? (evil laugh)
Kamahalan: Hmmmmm.... Oo. Hihi (landing tawa)

Nakakuha si Kamahalan ng mga berso sa kanyang kaibigan at eto ang mga words of wisdom galing kay Kanluranin.

"Basahin mo lagi yun blog ni ano... para selos na selos ka.  Masakit pero tiisin mo."

"Mas madali daw makamove on kapag nasasaktan ka....

"Magpakabusy ka sa work... Tapos kapag namiss mo sya basahin mo yung post ni ano... Cycle sya.. repeat if needed. lols"

"Kung paulit-ulit kang masasaktan mas madali kang magsasawa at makamove on…."

Kamahalan: Edi magalit ako sa kanya?
Kanluranin: Hindi naman…

"More on selos lang ang magpapatigil sayo at marealize mo na wala ka nang pag-asa. Saklap! lol"

"Walang nakakamove on na di nasasaktan... Robots? Lols"

Kamahalan: Nagdeactivate ako ng twitter para di ko makita twit nya...
Kanluranin: Whe? Makakabalik ka pa din. Saka makakarating sayo ang balita...
Kamahalan: Huh? Bakit?
Kanluranin: Ipaparating ko sayo.... Whahaha para  killing u softly and drama! lol

Kamahalan: Magpapakamatay nako...
Kanluranin: Hahaha (tinawanan lang ako. lol)

Gusto ko syang iunfriend sa mga pinagsasabi nya sakin. hahaha. Nagkamali ba ko ng hiningan ng tulong? Ang bait nya lang diba? Ganyan lang sya magmahal ng kaibigan. lol

Pero make sense naman lahat ng berso nya. Salamat :)

Nagbasa rin si kamahalan ng inyong mga blogpost. Malaking tulong ang pagbabasa ng blog ng iba dahil kahit papano nakakalimutan mo ang nararamdaman mong sakit. Lalo na yun mga post ni Senyor Iskwater... whahaha. Yung Antoxickness at Its Best at Love, Love, Love... and its Hidden Truth. Feeling ko lang si kamahalan ang inspirasyon nya sa post nya na yun. lol.

I got advice din from Gracie,Super M. and Pinkline. Confidential at walang kinalaman sa love yung iba kaya hindi ko na ibinahagi.

Hindi pa man nakakamove on si Kamahalan pero alam nyang malalampasan nya din eto. Aja!

Muli napatunayan na kapag tumibok ang puso ni Kamahalan ay wala ka nang magagawa kundi sundin ito... Lagot ka na... Siguradong huli ka...

Ikaw papaano kaba mag-move on?

“Ang tunay na nasaktan ‘di agad nakaka MOVE ON.” jondmur 

Sharam sharam...


Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles