Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Pagkakataon

$
0
0
Ang pagkakataon ay dumarating sa ating buhay sa di mo inaasahan panahon. Sa di tiyak na oras at lugar. Minsan nandyan na ang pagkakataon pero hindi mo alam na pagkakataon na pala eto. Minsan din ay alam mong pagkakataon na pero pinapalipas mo nalang. 

Marami tayong tinatawag na pagkakataon. Ngunit ang nagbibigay kulay at pagbabago sa ating buhay kadalasan ay yung pagkakataong madalang lang dumating sa atin. Yung minsan lang sa isang taon dumating. Minsan hindi na nga dumarating dahil pinalampas mo na.

Kapag nandyan na ang pagkakataon nakahanda kaba?  Papaano mo eto pinaghahandaan? Hinahayaan mo nalang bang lumipas? Ilang pagkakataon naba ang pinalampas mo? Hahayaan mo bang maagaw na lang ang pagkakataon mo ng iba? Bibigyan mo ba ng pagkakataon ang iba na mapasakanila ang para sayo? Maghihintay ka nalang ba na may dumating pa na muling pagkakataon at sasabihin nalang sa sarili na "Di bale may darating pang katulad nya o mas higit pa sa kanya"? Hihingi kaba sa kanya ng isa pang pagkakataon o pagbibigyan mo ba sya ng isa pa? Papaano kung hindi na dumating ang kasing katulad ng pinalipas mong pagkakataon? Nasa huli ang pagsisi. Sana ay di mo na masabi sa huli ang salitang "Sayang!".

Eclipse
Ika-labing apat ng Nobyembre taong dalawang libo’t labing dalawa (November 14, 2012), visible ang solar eclipse dito sa bansang New Caledonia. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon.

P.S.: Eto'y opinyon lamang ng may-akda.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles