Kababalik ko lang sa New Caledonia noong Martes.
Pagkalapag palang ng eroplano... walang tigil na kakavibrate ang telepono ko. Tumatawag si boss. Walang katapusan na "I miss you" lang naman ang laging binabanggit. Sinisigurado yatang nakabalik nako sa NC. Kahit noon pang nasa Pilipinas ako ay lagi na syang tumatawag. Kala nya siguro ay di na'ko babalik sa trabaho.
Hating gabi na ng Lunes nang lumanding ang eroplano sa bansang Caledonia. Naghotel muna kami malapit lang sa airport. Bukas na luluwas patungon jobsite.
Six hours travel by bus pa magmula sa hotel near airport patungong hotel kung san malapit ang aming trabaho.
Habang nagtatravel sa bus....

"Grrrrrrrr...." Nagvibrate ang telepono ko.
Boss is calling!
Tumatawag na naman si boss. Tinatanong kung nasan na daw kami.
"Grrrrr......"
Boss is calling!
Tumawag daw ako kapag malapit na kami upang maipasundo kami sa gate. Ok.... Thank you boss.
"Grrrr... "
Boss is calling!
Nakakairita na. Ang sabi ni boss "When you arrive in CIS (hotel)... come here in the office."
What??? Akala ko pa naman ay makakapagpahinga na'ko ng mahaba. Tinanong ko kung lahat ba kami na dumating ay pupunta sa opisina. Pero ako lang daw. Hmmmm....huhu. iyak nalang. Para wala nang paliwanagan ay pumayag nalang ako. Baka nagbibiro lang din naman sya. Inisip ko na nga lang na nagbibiro sya.
Pagkarating sa gate... saktong nandun narin ang sundo namin.
Mga 15 minutes pa bago kami makarating sa hotel.
Sa sasakyan...
"Welcome to Project Koniambo Prison"
Sabi ng katabi ko na kasabay kong nagbakasyon at bumalik sa NC. Gusto ko syang murahin at saktan.
"Nakalaya na nga tayo... ngayon balik na naman sa bilanguan" Gatong pa ng isang kasama.
Tumahimik nalang ako at di nalang nakinig sa kanila. Parang may gustong sumabog sa dibdib ko. Totoo naman kasi. Para kaming nasa isang lugar kung saan taliwas sa nakasanayan kong syudad sa Maynila. Kahit probinsya sa Pinas ay may pagkakalayo din.Walang kabuhay buhay na lugar. Walang sosyal life. Malayo sa mall. Hindi mo mapupuntahan ang gusto mo dahil walang public vehicle. Kami kami lang din ang nagpapasaya sa sarili namin. Maihahalintulad nga sa isang bilangguan.
Pagkarating ko sa kwarto....
"Grrrrr......" Guess who?
Yes, Boss is calling....
Ayaw akong tantanan. Bakit hindi raw ako dumeretso sa opisina. Maghanda na daw ako dahil after an hour susunduin daw ako ng driver... huhuhu Ano pabang gagawin ko? Mapapanggap nalang akong tulog kapag may kumatok sa kwarto.
Habang nag-iimpake ng gamit....
"Tok! tok! tok!"
Ayan na ang sundo. "Pinapasundo ka raw ni boss" co-worker
"Pakisabi tulog ako at di mo ko nakita" Me
Maya maya ay may lumabas mula sa likod ng pintuan. Guess who?
Boss is coming....
Syet! Walang ligtas. Langya! Ang laki ng ngiti nang makita nya ako. Ipinakita ko talaga sa kanya na nakasimangot at hindi ako natutuwa nung nakita ko sya. Tinawanan nya nalang ako. Wala na'kong nagawa kung'di pumasok sa opisina.
Reality Check #01:
Kahapon pagsakay ko ng bus, dumukot ako ng pera sa wallet para magbayad sa driver. Inilapit ko ang aking kamay sa driver upang magbayad ng barya. Peso pa ang ibabayad ko.
Tsk!
Wala nga pala ako sa Pinas na kailangan magbayad sa driver kapag sakay ka ng public vehicle. May service nga pala kami. Nakakahiya lang. Alam kong maraming nakakita. Di nalang ako lumingon sa likod. Yuko nalang at sabay unat ng kamay. Kunyari nag e-exercise. Dedma nalang.
Reality Check #02:
Dalawang araw nakong late sa trabaho. Wala pala ako sa bahay na kung kelan ko lang gustong gumising tsaka lang ako babangon.
Dalawang araw narin akong puyat at di makatulog sa gabi dito sa NC. Sa gabi bago ako matulog ang dami ko lang iniisip. May mga namimiss ako sa Pinas. Hayst :'( Vacation Hang-over. Buhay OFW na naman.
Reality Check #03:
Ako pala ang laging Pilipinong naiiwan sa opisina. Nung 1st day ko sa work. Ang tahimik. Syet! Gusto kong umiyak. Ganito pala talaga ang buhay ko dito? Loner.
Reality Check #04:
"Kung mineet mo na'ko nung 1st day mo palang edi sana may 21 days of Happiness ka"
Boom!!!
Hindi pala sya sakin. Bakit ako nagseselos? Bakit kailangan kong alamin kung nasan na sya? Bakit ko sya pinagbabawalan? Bakit ako nasasaktan? Ibalik na ang pagmamay-ari ng iba. Move on nalang. Pero masaya ako pagnandyan sya. Happiness.
Reality Check #05:
Pagkatapos ng trabaho ko nung isang araw. Hindi ko namalayan ang oras. Nakalimutan ko rin kung anong oras ba ang tapos ng trabaho ko sa opisina. Nang mapansin kong tahimik, tumingin ako sa likod ko...wala nang tao. Anong nangyari? Parang ang sarap umiyak nang mga oras na'yun. Nagtagal pa ko ng ilang sandali sa opisina. Yumuko ako at pumikit. Eto ba ang trabahong ginusto ko? Umuwi narin ako matapos ang ilang sandali.
Pagbaba sa sasakyan. Naglakad ako pauwi sa bahay na parang ang daming dala-dala. Yung feeling na parang binibilang mo ang mga hakbang mo.
Pagkauwi ko... wala akong ganang kumain. Humiga nalang sa kama. Malambot at bago ang bedsheet, sarap matulog pero parang di ako makakatulog ng maaga dahil may mga bumabagabag Tumingin nalang ako sa taas. Blanko. Isang puting kisame lang ang aking nasumpungan. Randam ko na parang may gustong kumawala sa loob ko. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka humagulgol ako at magising ang kasama ko sa kwarto.
Alam kong mangyayari eto dito dahil hindi ko nailabas eto sa Pinas. Sa aiport palang nun ay randam ko na na mas mabigat pa sa bagaheng dala ko ang nilalaman ng dibdib ko.
May unting hikbing naganap pero pinilit kong wag ilakas. Kusa nalang tumulo ang mga luha ko na parang gripong tumagas.
Hay.. Balik buhay OFW na naman ako. Hindi madaling maging isang OFW. This is my reality. Check!
"Minsan isasara ko ang kastilyo na'to dahil sa personal na dahilan pero magbabalik din eto. Kung hindi man muling magbukas alam nyo naman kung san ako maaring kontakin. Kailan man ay hindi ko magagawang isara ang pagkakaibigang nabuo natin"