Sa bawat umaga'y may kikinang na sinag
Patunay lamang na mundo'y di pa natitinag
Parang ang buhay, nanatili parin kahit may problemang bumabagabag
At kung gaano man na'to kasakit
Dahil sa iyong sinapit
Sa patalim sinubukan mo minsan'y kumapit
Bakit di mo subukan na sa Dyos ay lumapit
Lagi Syang nandyan at handa kang yakapin ng mahigpit
Kung sa tingin mo'y madilim ang buhay
Pinadilim ng hindi magandang karanasan
Pinaitim ng kasalanang di malimot-limutan
Tandaan na kapag sumapit ang gabing walang kulay
May Ilaw na liwanag ang sa'yo'y ibibigay
Etong nakaraang araw lang ay nakatanggap ako ng isang balita tungkol sa aking kaibigan. Nakausap ko pa sya noon via phone para batiin ko sya ng maligayang kaarawan. Ngunit may lihim pala syang itinago sa akin. Ang aking kaibigan pala ay nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Ang tula sa itaas ay para sayo kaibigan at sa mga tulad mong nakikipaglaban para mabuhay. Marami pang plano ang Dyos sayo. Magpagaling ka. Magkikita pa tayo. :)