This year is my most memorable Christmas so far. Sino ba naman ang makakalimot na magpasko nang malayo sa ating bayan. I will never forget this first Christmas away from home (umenglish lang. lol). Oo malungkot nga at nakakahomesick. Di mo maiiwasana na maisip kung ano ba ang itsura ng Pinas ngayong pasko. Kung ano ba ang ginagawa ng mga kaibigan at pamilya mo sa ating bayan ngayong season na'to. Yung mga ganung bagay na nakasanayan mo nang ginagawa taon-taon tapos ngayon bigla nalang naiba.Christmas shopping, christmas gifts, christmas carols etc. Pero may Christmas naman dito. Christmas day. dyuk!
Pero sabi ko sa sarili ko lilipas din ang season na'to. Hindi naman araw-araw na ganito. Ang mahirap lang ay matagal tayo sa Pilipinas magdiwang ng Pasko. Kaya Septyembre pa lang ay kailangan mo nang tiisin ang pagkahomesick na kalaban talaga ng mga OFWng tulad ko.
Ang pagkalungkot at homesickness ay hindi tunay na diwa ng Pasko. Kaya naman kailangan na maging positibo tayo. Ienjoy nalang ang kapaskuhan kahit isang guhit nang saya. Inisip ko nalang kung maiyak man ako, ang luha ay pampalinis ng mata. Mga ganun. O kaya kung malungkot ako isipin nalang na normal ka. Yey! hindi ako baliw. whahaha. huhuhu. hohohoo. Tawa-iyak-tawa-iyak. Ganyan lang ang buhay.
Sa kaibigan at pamilya, masaya sila kung makapagshare ka o makapagbigay nang regalo. Diba masaya kung may napapasaya kang iba. Kahit di ka nila kasama physically, nandun naman ang prenence mo. Parang multo lang. lol
Kaya naman umisip ako nang paraan para maibsan etong lungkot na nararamdaman ko. Salamat dahil hindi nyo ipinagkait ang hiling ko para mabigyan ako nang ngiti ngayong araw nang pasko. Salamat sa inyong picture greetings. Hindi eto matutupad kung hindi dahil sa inyo. Bawat araw sa twing may mensahe akong natatanggap at picture mo ang makikita ko talaga namang gumaganda ang araw ko. Wala akong masabi kung hindi salamat sayo. Kung idedefine ko kung ano ang Pasko ko ngayong taon, makulay ang description ko. Mapaitim, puti o rainbow. Ganyan. lol
Salamat dahil kayo ang nagbigay nang kulay ng pasko ko.
Kayo ang Star ng Pasko ko.
Makulay na Pasko sa inyong lahat!
Galing sa kaibigan na si Mavic na lagi akong kinakamusta dito. Alam nya yata kung kelan ako nalulungkot. Sa twing nalulungkot kasi ako biglang may chat or twit akong matatanggap galing sa kanya. Kaya yun homesick erase agad.
Salamat Mavic. Isa kang tunay kong kaibigan.
One of my best bud Jay.
Eto naman ay tunay ko ring kaibigan. Maraming akong problemang hinarapan na katulong ko si Jay. Salamat Bro, akin nalang yun jacket mo. lol
Galing sa aking kaibigan na si KM.Namiss ko sya with our group. Kinareer talaga nya ang hawaian theme last year Christmas Party namin. Salamat KM. Ang legs ah. Wagas! ahihi
Galing sa aking Tita Anna with Santa Claus and ate na nakasilip sa likod. lol
Representing my family sa Pinas. Maraming salamat Tita. We love u all. Pakisabi nalang sa bahay. dyuk!
Representing my family sa Pinas. Maraming salamat Tita. We love u all. Pakisabi nalang sa bahay. dyuk!
Ang susunod na mga picture greetings ay hindi pangkaraniwan. Hindi pangkaraniwan dahil galing sa mga blogerong talaga naman nag-effort para pasiyahin ako. Maraming salamat guys (with tulo ng luha sa left eye T.T sabi ni Zai e.)
Representing Philippines in no particular order (Taas kamay at kaway-kaway ah) :
Maraming Salamat Parekoy Anthony of Free to Play sa makulay ng greetings. Ginutom mo din ako. hehe
Salamat sa Santa laptop ni sir Ric ng LifeNCanvas at Kartun Netbuk
Anong sabi ni Bino? "Merry Christmas Arvin"
Hanapin si Donald Duck.
Salamat Idol Bino ng Damuhan. Salamat din sa video call kahit hindi ko nasagot naappreciate ko yun. hohoho
Salamat Super M of unplog.com
Para sakin ba yang regalong hawak mo. Yey! Hulaan ko laman nyan. Piso! dyuk!
December 26, 2012 PBO officers meeting resume. Noted sir! #UnpluggingLang
From the Yew! to the Haw!!!
Hanapin natin kung nasan si Theo. hehe.
Thank you Theo of Theo's Casanova. Napakacreative diba?
Salamat Axl ng Axl Powehouse Production Inc.
Anong lenguahe iyan? Ganda naman ng Christmas tree nato. Thanks :)
Dinoodle ako ni Cheenee ng walang kapalag-palag. lol
Salamat Cheenee ng Kwentong Palaka
Ikaw ba gumawa nito sis? Huwaw sa galing. clap clap.
Maraming salamat Ms. JLo ng Pagguhit ng mga Salita. May talent ka talaga.
Mula kay Santa Zai of Zai moonchild with baby Santa Nino.
Parang pwedeng ilagay sa garden si Santa Nino na yan with Snow White. Hohoho
Maraming salamat Zai.
Mula kay Ms. Anney with her cute model chikiting. Ang cucute diba? Galing ng mga model nya. Nakakagood vibes eto tignan mo lang.
Thank You Ms. Anney ng Blog ni Ako
Kuha nya daw eto sa dyalibi. yey! Ganda pala ng sulat mo bro.
Maraming salamat Jhiegzh ng Opinyoneyted
Maraming salamat Ms. Lala ng Captured Realities
Yey! May isa na'kong fan :P
I received a txt greeting from Ms. Talinggaw last night. Natuwa ako sa txt mo sis, magtutwelve AM na nyun dito pero wala pakong natatanggap ni isang txt hanggang biglang toot tooot! Ayun pasok sa Christmas banga ang txt message mo. Maraming salamat sis.
Salamat Ms. Talinggaw ng I am Talinggaw
Mula sa Asylum ng Kwentong Baliw ng isang Rixophrenic.
Maraming salamat teh Rix. Naappreciate ko naman na sa lahat ng pic greet na pinadala mo sa mga bloggers ay ang pic greet ko lang ang may mukha mo. Magandang panakot to. dyuk! :)
Inilagay nya daw sa diary nya ang Christmas Pic Greet ko. Sige na nga.
Pero mas napansin ko yung Ms. USA sa taas. lol
Salamat Stefanloco
Maraming Salamat Parekoy Fiel ng Fiel-kun's Thoughts at Fiel's Anything Goes Corner
Maraming Salamat Ms. Joanne ng Joanne's Blog.
Dahil nagtxt ka kanina habang ginagawa ko to, gagandahan ko ang comment dito.
Effort sa pag-upo. Yun lang. dyuk!
Pwede mo ba akong ikuha ng stuff toys dyan sa Christmas tree? ahihi hohoho
From Santa Hash Purcia with Santo Nino sa likod ng Hash Coffee Table Book.
From Santa Arline ng The Pink Line.
Salamat sa mini cake. Pero ikaw din ang kakain nyan e. T.T
Galing sa Santa BFF. Thanks Arline and Hash :)
Pic Greet with Christmas message na may kasamang hingal daw galing kay Ms. Balut ng Balut Manila, The Lucky Blog at Run! and Keep on Running.
Maraming salamat Ms. B. Perfect na perfect karin sa Christmas tree na yan.
ay
POGI
Parang gusto kong tulungan yung dalawang reindeer na humihila kay Santa Claus. ahihi hohoho
Salamat sa iyong Christmas message for me :)
Salamat Ms. Maria aka Super Wander Girl ng Maria's Wanderland.
Salamat Pareng Gord ng Crumpled Papel
Para namang akong itlog ng ipis nyan o kaya butterfly paglaki. dyuk! huhuhu T.T
Uy bawal ang erasure! Dahil dyan zero ang grade mo. dyuk! ahihi hohoho
Mula kay Mr. Universe este sa Kalawakan ni Pao Kun ng To infinity & Beyond Pangkalawakan!
Maraming salamat parekoy.
Binibilang ko kung ilan ang pangalan ko dito sa greetings mo. Dalawa lang talaga. T.T
Oy daming pink color
Bago magpatuloy ipikit nyo muna ang inyong mga mata. Ako lang dapat ang makakita dito. dyuk!
Sino ba naman ang hindi mapapa Wowderer dito. Bukod sa napaka ganda't sexyng si Ms. Phioxee, napalaki din ng ARCHIEVINER. Sukatin natin. Mga dalawa't kalahating bond paper. Yey! clap clap dito!
The smile makes me melted. Ayiii Salamat Ms. Phioxee.
Alam mo ba buong araw abot tenga ang ngiti ko dahil sa pic greet mo na'to.
Amafeel so lucky. ahihi. hohoho
Si ate sa right side wagas pumose oh. Icrop yan. Sya lang dapat. dyuk!
Maraming salamat Ms. Phioxee ng Wanderer
Ang mga susunod na Picture Greetings ay nagmula pa sa iba't-ibang sulok ng mundo. Sila din ang dahilan kung bakit nanatili pa ako dito sa ibang bansa. Kapag nakikita ko kasi sila o nababasa ang blog nila napifeel ko na hindi lang ako nag-iisa. Meron akong kasamang mga OFW na nakikipagsalaran sa ibang bansa. May kasamang nakikipaglaban sa dagok ng kalungkutan at kahomesickan. Hinahangaan ko'tong kapwa ko OFW Blogger. Magkakalayo man kami ay parang malapit din dahil sa blogspot.com. dyuk!
Now reprensenting Hungary (Taas kamay- wave wave):
Sa Hungary ba eto Pareng Cyron?
Ang ganda pala dyan. You have many things to be happy diba?. Kung alam mo lang ay napaswerte mo dahil sa bansang naroon ka. Kaya wag nang malungkot ah. *Akbay sa balikat* eto oh babae matutupad na ang Christmas wish mo. dyuk!
Boldog Karácsonyt Cyron a iKwento
Naniniwala na'kong pinagpuyatan mo 'to sis Gracie. Iyun na kasi ang araw oh. Inumaga kana. dyuk!
Alam kong narinig mo ang malungkot kong boses kagabi. T.T Maraming salamat sa iyong tawag. Pasok sa din Christmas banga ang tawag mo na mula pa sa Norway. lol
Merry Christmas Gracie av Gracie's Network
Saan ba ang gift ko dyan Ms. Lili. Ganda naman ng bahay nyo sa Frederick, Maryland. I wish na makapunta ako dyan.
Merry Christmas to you and to your family Ms. Lili of Thinking Out Loud
Dear Doctor Love este JonDmur,
Alam kong walang pasko dyan sa KSA. Isa ka rin sa mga nalulungkot sa twing darating ang Pasko pero sabi ko nga di ka nag-iisa. Marami tayong Pinoy sa ibang bansa. Merry parin tayo this Christmas diba.
Nagmamahal, Gasolina. dyuk!
عيد ميلاد سعيد JonDmur
From Santa Joy of Norway.
Hinahanap ko yung name ko sa mga chololate. Wala pala. Ahihi hohoho
Salamat Madame Joy na nagpapaalala samin sa twing kami'y nalulungkot.
God bless U Ms. Joy.
Merry Christmas Madame Joy av Will you hear from me? og Joy's Notepad
This is a very special Christmas greeting form Ms. Leah na mula pa sa US.
Thank you sis Leah. I feel so very special. ahihi hohoho.
Yung Christmas ball humarang sa Merry Christmas. Yan tuloy di nako Merry. dyuk!
Merry Christmas Ms. Leah of Travel Quest
Maraming salamat Daddy Jay and Baby Caleb of Thoughts of Journeying Jay
Thank you sa burger este sa Book "A Man Named Dave" hmmm...
Can't wait to read this. Bukod dyan mas gusto ko ring makilala ang "A Man Named Jay".
Sa blog mo palang natatouch nako pano pa kaya kung mas makilala ko pa ang life mo.
Maligayang Pasko dyan sa KSA.
Maraming salamat Guys! Sinikap ko talagang magbigay ng komento sa bawat pic greetings nyo. Dapat ba di na? lol Pasensya na. ahihi hohoho. Sobrang napasaya nyo ko hindi lang sa araw ng Pasko kundi araw-araw sa twing titignan ko lang ang inyong mga picture greetings. Dahil dito hindi nawala ang tunay na diwa ng Pasko. Ang Pasko ay picture greetings. dyuk! Ang pasko ay pagbibigayan, pagmamahalan, saya at syempre si God. Kaya dapat tayong magdiwang ngayong Pasko. Yey!
Muli mula sa Chateau de Archieviner, ang hari nyo ay bumabati ng Makulay na Pasko sa iyong lahat mga Kadugong Bughaw :) Ahihi hohoho
Joyeux Noël à Tous
The All Star Bloggers.
Mula kay Pao Kun. Maraming Salamat Parekoy (edited)