Quantcast
Channel: Château de Archieviner
Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Project Piso Para sa Pasko, Munting Alay ng mga Blogero

$
0
0
Kala ko noon ang pagbablog ay medium ko lang to express myself. Para maishare ko ang mga kalokohan  ko dito. dyuk! Para makapagpasaya ng iba. Ang totoo nyan ay nahohomoesick ako noon. Nakita ko na isang paraan ang pagbablog para maibsan ang pagkamis sa ating bayan. Anong konek? Ano tong pinagsasabi ko? dyuk na naman!

Hanggang sa nakikilala ko kayo, kapwa ko blogero. (shak! hindi ako sanay, ang seryoso). Yung totoo, hindi 'to dyuk ah. Nakakatuwa kasi kayong makilala. Mainspire at matuto sa mga post nyo. Higit sa lahat ay mas nakilala ko pa ang sarili ko.

Ang haba ng intro ko ah. Eto na nga. Bakit ba "Project Piso Para sa Pasko, Munting Alay ng mga Blogero" ang title? Gracie sagutin mo yan. dyuk! Nagsimula ba'to sa Project Piso ni Super M at sa trending na All I want for Christmas dahil sa mga hiling na makatulong sa iba. Naglabasan ang mga may mabubuting puso na tulad ko. dyuk ulit! Lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko.

May pahintulot ni Super M na gamitin ko ang larawang eto.
Kahapon 12-12-12, nagmessage sakin si Gracie nakahanap na daw si Arline ng Orphanage para sa pwedeng tulungan sa darating na Pasko. Sa White Cross Children's Home. Naexcite ako.

Naisip namin na gumawa ng proyekto ang mga blogerong tulad natin. Proyekto na makakatulong sa iba. Proyektong maykabuluhan at hindi dyuk. lol Kung magiging matagumpay ay uulitin natin eto next year. Para magkaroon din tayo ng yearly gathering. 12-12-12 ang magiging anniversary. Yey! Pinilit ko talaga. lol. Diba masaya. Masaya dahil makakatulong tayo. Ang galing din kasi nagsimula sa pagbablog hanggang sa eto na nga isang malaking korporasyon. dyuk!

Actually hindi pa final ang proyektong ito. Nasa idea palang tayo. Kaya kailangan namin ang inyong matatabang utak. Magshare ng idea:
1. Name. Project Piso, marami nang may ganyang name diba? May naiisip kaba?
2. Paano pa ba makakatulong? May naiisip kaba kung papano maisasakatuparan ang proyektong eto?

Eto ang mga idea na naiisip namin.
1. Syempre kailangan natin ng volunteers.Maaring magvolunteer. Kayo yung pupunta sa orphanage kasama ang ibang bloggers. Kwentuhan ang mga bata, laruin, pasiyahin, wag paiyakin.
2. Magdonate ng mga goods, delata, cloths, candies, laruan. atpb.
3. Magdonate ng kayaman. Tulad ko dahil nasa malayo kaya cash ang idodonate ko.
4. Fun run. Masaya na, makakalikom pa tayo ng fund. Promise pagnatupad to tatakbo din ako dito sa NC kahit mag-isa lang ako. lol
5. Naisip din namin na gumawa ng t-shirt. Sino magaling magdesign?

Sabi ko sa sarili ko noon, hindi pa panahon na tumulong ako sa iba kung hindi ko pa kayang tulungan ang sarili ko at ang sarili kong pamilya. Pero mali pala ako, ang pagtulong pala ay walang pinipiling panahon at lugar.

Kaya i support "Project Piso Para sa Pasko, Munting Alay ng mga Blogero" Sali Na.

Para sa ibang suhestyon at katanungan mag-iwan lamang ng komento sa ibaba.

Anong reaksyon mo? 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 63

Trending Articles